"Hindi ko alam.. "
Pinasadahan ko ng tingin ang katawan ng mahal na reyna.. wala pa ring pagbabago sa kanyang itsura.
"Anong ginawa mo kanina? Ipagpatuloy mo Asha.. tingin ko--"
"Hinder.. hindi ko alam! Hindi ako sigurado"
Ang paghina ng tibok ng puso nito, wala akong makita kung kaya hindi ko alam kung kaninong puso ang nanghihina.. hindi ko alam kung..
"Ngunit ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon siya ng reaksyon Asha.."
Determinado ang bosis ni Hinder ng sabihin yun, hindi ko siya kayang tignan.. ano bang pumasok sa utak ko para isiping kaya ko nang tapatan ang kapangyarihan ni Etheria?
Wala akong alam sa bulaklak na ito.
Paano kung..
"Paano kung iisa na ang buhay ng iyong ina at ng halaman na ito? Kaya kong alisin ang halaman Hinder.. ngunit hindi ako sigurado kong.. mabubuhay ang iyong Ina"
Nag lakas loob akong magtaas ng tingin sa kanya.
Napaawang ang kanyang labi habang nakatitig sa akin, kitang kita ko ang iba't-ibang emosyon na nagdaan sa kanyang mga mata.
Ang pag-asa kanina ay unti-unting napapalitan.
Pag tanggap.
Wala pa man siyang sinasabi ay umiling na ako.
"Pag-aaralan ko pa ito Hinder.." Umatras ako habang umiiling.
"..kaya mong alisin ang halaman.. wala ka nang dapat pag-aralan Asha"
Malungkot itong ngumiti.
Bumigat naman ang aking pakiramdam habang pinagmamasdan si Hinder na malungkot na nakatingin sa kanyang ina, umupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang pisngi ng kanyang ina.
Sa simpling galaw nito ay nakikita ko ang nag-uumapaw niyang pagmamahal para sa babaeng ito, naalala ko ang sigaw ng isang ina sa nasusunog na nayon..
Nakakapangilabot.
"..alam kong hindi nais ni Ina na magamit ng Ring Queen kaya nasisiguro kong mas gugustihin niyang.."
"Hindi.." Umiling ako at tumalikod.
"Pa-pakiusap Asha.. tapusin mo na ang paghihirap ng aking ina at ng buong kaharian.."
Nabasag ang bosis niya.
Nagtagis ang bagang ko, hindi ko man tignan ay alam kong umiiyak si Prinsipe Hinder para sa kanyang ina, hanggang ngayon ay ibang tao pa rin ang iniisip niya.
Alam niyang hangga't hawak ng Ring Queen ang buhay ng kanyang ina ay hawak nito ang kaharian..
Nagdesisyon siyang tapusin na rin yun.
"..pakiusap"
Wala nang bakas ng luha ang aking mukha ng kumatok ako sa silid na kinaroroonan ng aking mga kawal. Pagkatapos kong tuluyang alisin ang halaman na para bang binaliktad ko ang pag tubo nito hanggang sa walang matira kahit binhi ay umalis na ako sa silid na iyon.
Habang pababa sa pasilyo ay pinagpatuloy ko ang pag-iyak.
Hindi ako tinignan o kinausap ni Hinder habang ginagawa ko iyon dahil alam kong umiiyak rin siya at alam kong hindi niya nais na makita sa ganung kalagayan kaya hindi ko rin siya sinulyapan.
Kakatok sana ulit ako ng bumukas ang pinto.
Hinanda ko na ang aking ngiti.
"Asha!"

BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasyIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...