"Patunayan mo ang iyong katapatan sa akin.. gusto kong humayo ka at mag espiya sa nangyayari sa Northern Ring at Westhernisle, gusto kong malaman kung anong mga hakbang ang ginagawa ng dalawang kahariang yun"
Pinagmamasdan ko ang mga puno na nasa labas, hindi ko nilingon si Rage ng bumalik siya mula sa pinapagawa ko at alam kung may kasama siya kahit pa hindi ko tignan.
Nararamdaman ko.
Wala na ang bakas ng luha sa aking mukha ngunit may butas na nabuo sa aking dibdib na hindi ko alam kung anong meron doon bago ito nawala.
Maliwanag ang buwan ngayong gabi, tahimik ang paligid at kahit ang hangin ay hindi ganun kalamig para maghatid ng lamig sa kahit sino.
"Masusunod kamahalan"
Sabi ng mababa at malamig na bosis mula sa gitna ng aking silid, ilang sandali akong nanatiling nakatingin sa bintana bago ko nilingon ang dalawa.
Dumapo ang mata ko sa tuwid na nakatayong si Rage, hawak niya ang hawakan ng kanyang espada patunay na hindi pa rin siya nagtitiwala sa taong kasama kaya hindi ko na susubukan na palabasin rin siya.
Saglit na nagtama ang tingin namin bago ako napatitig sa lalaking nakatayo sa gitna ng aking silid.
Katamtaman ang kanyang tangkad ngayon na nakatayo siya ng maayos, seryoso at malamig ang kanyang tingin ngunit nababasa ko sa klase ng kanyang pag-aaral sa akin na tinitignan niya kung anong klasing tao ang pinagkakautangan niya ng loob.
At may pag dadalawang isip sa kanyang tingin.
Bumuntong hininga ako, ngayon na malinis at walang umaagos na dugo sa kanyang mukha ay hindi masasabing isa nga siyang bandido.
Ano nga ba ang itsura ng bandido?
Mahaba ang buhok nito, matangos ang ilong at malakas ang kanyang dating hindi mo maaaring bastahin ang kanyang aura.. na mabuti para sa gusto kong ipagawa sa kanya.
"Wala ka bang tanong?"
Sita ko ng nanatili siyang nakatingin sa akin na sinagot lang niya ng isang iling.
"Delikado ang gusto kong ipagawa sayo Bryan.. pero kung narinig mo ang nangyari sa aking taga payo ay maiintindihan mong hindi ko kayang manahimik na lamang, nakakapagod na ang mangapa sa dilim tungkol sa mga nangyayari kaya gusto kong marinig ang totoong nangyayari sa labas ng Southern Mountain mula sa aking tauhan mismo"
"..maaasahan mo na hanggang ako ang reyna ay ligtas ang iyonh kapated gaya ng ipinangako ko, ngunit gusto ko rin na tuparin mo ang iyong pangako"
Ginantihan ko ang kanyang titig ng malamig na tingin, walang ngiti o pag babalatkayo sa aking tingin ngayon.
"At alam ko rin na maari niyong saktan ang aking kapated kapag hindi ko tinupad ang inyong hiling kaya gagawin ko ang ano mang utos mo kamahalan"
Lihim na nag tagis ang aking bagang.
Hindi iyon ang gusto kong ipalabas ngunit nakakapagod na patunayan ang sarili sa buong mundo, nakakapagod na isipin kung ano man ang tingin ng ibang tao sa akin o sa pamumuno ko.
Nakakapagod kaya tumahimik ako at bahala siyang isipin kung ano man ang gustong isipin ng lalaking ito.
"Mananatili ka bilang anino Bryan.. at kapag nangyari na nalagay ka sa panganib mangako kang mamamatay ka muna bago lumabas ang pangalan o ang kaharian ko sa iyong bibig"
Kung may reaksyon man siya sa matalim na tinig ko ay hindi niya pinahalata at ayaw ko na rin na malaman.
"Ako at ako lang ang iyong pagsasabihan ng iyong malalaman at kailangan muna kitang bigyan ng pahintulot bago mo masabi sa iba ang iyong impormasyon.. maliwanag ba?"

BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasiaIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...