Tinitigan ko ang aking sarili sa harap ng salamin, inayusan ako ni Dania sa isang pula at magandang damit ang aking buhok na tuwid noon ay nagkaroon ng natural na kurba at buhay, ang aking pilik mata ay tumatama sa aking pisngi, kasing pula ng rosas ang aking labi.
At ang aking mga mata ay kasing berde ng bagong tubong dahon.
Hindi ko masisisi ang aking mga kasama na tumitig sa akin kanina habang pabalik kami sa aking silid walang nagtangkang mag salita.
"Kamahalan.. gusto kong sumama"
Tinig ni Dania sa gilid, hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa aking mukha, hindi ko nakita ang aking sarili kahapon ngunit alam ko kung gaano kalaki ang pagbabago ng aking itsura.
"Para kayong kumikinang kamahalan"
Ngiti ni Camie ng makita ako, sinabi ko lang sa kanyang maghanda siya dahil aalis kami.. hindi ko na kinailangang sabihan sina Bryan at Brianna agad na silang umalis upang mag handa.
"Dania.. hindi ito magiging isang bakasyon gaya ng ipinangako ko sa inyo"
Sa wakas ay nakuha ko nang alisin ang tingin sa salamin bumaling ako kay Dania, pinagmamasdan ako ni Yancy sa gilid.
"Alam ko, ngunit hindi ko gustong maiwan dito kamahalan.. pakiusap isama ninyo ako"
Yumuko ito at kung hindi ko lang siya pinigilan ay talagang luluhod na siya. Bumuntong hininga ako.
"Kung ganun.. ihanda mo ang ating mga damit.. yung madaling suotin sa paglalakbay"
Inutusan ko si Wellmar na kausapin si Tomy para ihanda ang mga kabayong gagamitin namin, hindi ko sinabi kahit kanino ang plano ko at walang nag tangkang magtanong.
Agad tumango si Dania at nagmadaling lumabas, bumaling ako kay Yancy.
"Yancy..isa lang ang gusto kong gawin mo.."
Nagtaas ito ng tingin at alam kong mahirap ang pag-alis namin lalo pa at isasama ko ang kanyang matalik na kaibigan..
"Kahit ano Kamahalan"
Naiiyak na tugon nito, lumapit ako sa kanya at kinulong ang kanyang mukha sa aking mga palad namilog ang kanyang mga mata, ngumiti ako.
"Maging ligtas ka.. gusto kong sa aking pagbabalik ay walang nangyaring masama sa iyo"
Tumango ito. Hindi kailan man pumasok sa isip ko na tatayo ako sa likod ng pintong ito, patapos na ang pag tanggap at siniguro ko talagang ako ang magiging huli.
Napatitig ng ilang sandali sa akin si Aron at kung hindi pa siya sinapak ni Kell ay hindi siya titigil, sinabi kong nais kong makaharap ang aking kapated sa kanya at dalawang ulit pa siyang lumingon sa akin bago bumalik sa pwesto kong saan siya ang mag aanunsyo kung sino ng mga papasok
Nagyayang silang samahan ako ngunit hindi ko tinanggap, nais kong maging malakas na mag-isa sa paningin ng aking kaharian kahit man lang sa huling pagkakataon.
Alam kong nasa loob si Rage..
Hindi ko siya gustong makita.. lalo pa at nalaman ko kung anong halaga niya sa akin, ginamit ko ang pagmamahal para makuha ang gusto ko sa isang tao.. kaya alam ko kung gaano ka mapanganib ang umibig lalo na at ganito na ang aking sitwasyon.
Mas makakabuti ang paglayo.isang biglaan ang aking desisyon, pagkatapos kong tanggapin na hindi nga ako ordinaryong tao lamang ay alam kong may responsibilidad na ako.
Mas malaki sa pagiging isang reyna.
"Ang Prinsesa Asha Amea Blacktorn ng Southern Mountain"
Narinig kong sigaw ni Aron sa loob tinulak ko ang pinto at huminga ng malalim bago naglakad papasok.

BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasyIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...