Kabanata 37

31 4 0
                                        


Hindi na mahirap ang pagtalo sa mga natirang Northern dahil rin tumulong ang mga tao, huli na para iligtas ang mga bahay ngunit sa klase ng ngiti ng mga tao habang nagpapaalam kami ay walang duda na makakabangon sila pagdating ng panahon.

"Pen.. puntahan muna si Argus"

Pumula ang kanyang mukha at nagkamot ng batok bago tumango, ikinahihiya niya na hindi tumulong ang kanyang kasama sa pakikipaglaban ngunit hindi niya alam na malaki na ang naitulong niya para sa kanilang dalawa ni Argus.

Nung nakita ko si Rage na walang ano mang malubhang galos ay syaka pa ako naka hinga ng maluwag ni hindi ko nga alam na hinahanap ko pala siya. Nag taas ako ng tingin sa kanyang mukha pagkatapos kong siguraduhing walang galos ang kanyang katawan.

Agad nagtama ang tingin namin.

Bukod sa sugat sa kanyang pisngi ay wala nang iba.

Masaya ang lahat sa nangyari kaya walang nakapansin ng lumapit ako kay Rage at mahigpit siyang niyakap marahil kasi nagkayakap rin ang iba.

Humugot ng malalim na hininga si Rage at hinagkan ang aking ulo.

Walang sabi-sabi kaming bumitiw sa isa't-isa kahit pa labag sa aking loob.


"Kailangan nating makarating bago sumikat ang araw"

Lingon ni Argus sa amin, mabilis ang patakbo ng aming mga kabayo hindi ko alam kung dahil ba iyon sa alam na ni Argus na walang dapat ipag-alala kapag may nagtangkang sumugod sa amin.

Napatunayan ko nang mapagkakatiwalaan ang aking mga kawal.

Ngunit siniguro ko rin naman na ligtas ang aming madadaanan.

Lumipas ang tatlong oras na tahimik at mabilis na pag papatakbo ng kabayo ay nakarating kami sa Westhernisle. Walang sabi-sabi na pinagbuksan kami ng mga kawal.

Diretso kami sa kuwadra kong saan naaninag ko ang mga bulto ng mga taong naghihintay sa amin. Nilingon ko si Brianna na nakikipag bulungan kay Dania habang humihina ang takbo namin.

"Kamahalan"

Narinig kong bati ni Argus dahil siya ang unang nakababa. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan nang huminto ang aming grupo.

Hindi pa man ako nakakahinto ng maayos ay nasa tabi ko na si Rage, tinulungan niya akong makababa sa aking kabayo at muntik ko nang makalimutan kong nasaan kami.

Sumunod kami sa aming mga kasama ng ginaya na sila papasok sa palasyo, syaka ko lang narinig ang bosis ni Prinsipe Hinder ng ligtas na kaming lahat sa loob ng kanilang palasyo.

"Anong nangyari?"

Tanong nito ng hinarap na niya si Argus, nasa likuran ko naman ang aking mga kawal na kagaya noong ako pa ang kanilang reyna.

Lumipat ang tingin ni Hinder sa akin at alam ko agad kung anong ibig sabihin ng pag gala ng tingin niya sa aking katawan, tinitignan niya kung may nagbago pa sa akin sa pag punta sa Agora.

"Nag tagumpay ang prinsesa sa kanyang sadya, Kamahalan"

"Mabuti, sa silid aklatan na tayo mag-usap.. naghihitay si Nova doon" Tumango ako.


Walang pinagbago ang silid aklatan ng kanilang kaharian ngunit pakiramdam ko ay ngayon lamang ako naka pasok dito, ngayong mulat ang aking mga mata sa kalikasan ay nararamdaman ko ang harang na naka palibot sa silid na ito gaya ng sinabi ni Lola.

Ngunit dahil sanay ako sa asin ay hindi ganun kalaki ang epekto nito sa aking pakiramdam yun ang sabi ni Lola kaya hinahayaan niya akong kumain ng mga pagkaing may asin noon.

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon