Kabanata 20

42 3 0
                                        


Dalawang araw..

Dalawang araw na mula ng maglakbay kami, sa wakas ay nasanay na rin silang tawagin akong Asha, naranasan ko na rin kaninang gumising upang magbantay sa paligid habang natutulog ang aking mga kasama kahit pa ayaw ni Camie.

"Bakit ba kasi.. dito tayo dumaan! Kung sinunod lamang natin ang ilog malamang naka paglaba na ako ng mga damit!"

Singhal ni Dania kay Bryan na tahimik na nagmamasid sa mga nadadaanan namin halatang nagulat siya sa biglang pagsasalita ni Dania dahil bahagya itong napatalon.

"Putik! Hindi nga pwede! Delikado ang dumaan sa madaling daanan lalo na at magulo ang mga bayan ngayon"

Nagbangayan na ang dalawa na tingin ko ay nagiging normal na sa kanilang dalawa. Naka sunod ako sa kanilang dalawa at nasa likod ko naman sina Brianna at Camie na nagbubulungan.

Dumaan kami sa mga punong ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko, mga halaman na sabi ni Bryan ay nakakamatay kapag nahawakan, mga bulaklak na naglalakihan at mga hayop..

Sa sobrang ganda ng paligid ay halos hindi ko napapansin kung gaano ako kapagod at kapag dumating ang gabi ay hindi na ako masyadong nakakapag-isip dahil nakakatulog na ako agad.

Nadaanan namin ang ilog Savannah sa sobrang lapad ay iisipin mong isa itong dagat.. hindi ko maiwasang isipin na maswerte si Evie at buhay siya pagkatapos niyang madala sa daloy nito.

Nais ko man na huminto at maglinis ng katawan dahil pakiramdam ko ay nababalot na ako ng dumi at sobrang lagkit na ng aking pakiramdam ay sumunod pa rin kami kay Bryan, kung madali ang daan posibling makatagpo kami ng mga bandido, kahit pa may dala kaming iilang sandata kapag marami ang naka harap ay wala pa rin kaming laban.

"May malapit na bayan ba dito? Kailangan nating bumuli ng pagkain at ibang kagamitan"

Naka simangot na sabi ni Dania pagkatapos niyang tignan ang laman ng bag, kapag nakakakita kami ng prutas ay namimitas kami ng tama lang para sa isang araw dahil hindi madaling maglakbay kapag may mga mabibigat na dala.

Buti nalang at may dala kaming kabayo kahit papaano ay napapadali ang aming paglalakbay.

May mga nakikita nang palatandaan si Camie na nasa Westhernisle na kami pagsapit ng gabi, minabuti ni Bryan na mang huli ng koneho para lutuin, nung una ay umayaw ako ngunit sabi ni Brianna ay masarap at paborito niya ang koneho.

Kaya ito ngayon at nag-iihaw sila ng isang kawawang hayop..

Ngunit isa akong hipokreto kong pagbabawalan ko silang hindi kumain ng hayop, buong buhay ko ay kumakain ako ng karne ng hayop ang nag-iba lang ngayon ay nakikita ko na kung paano sila mamuhay.

"Paano tayo mamimili wala tayong pera"

Sumulyap si Bryan sa akin bago niya pinagpatuloy ang pag-iihaw, napa buntong hininga nalang ako nakalimutan ko ngang kailangan pala ng pera..

Kailan man ay hindi ako nangailangan ng pera..

Ngayon ay alam ko na ang pakiramdam na may gusto kang bilhin.. pagkain ngunit hindi maaari dahil wala nga kaming pera at higit sa lahat walang mapagbibilhan sa gitna ng gubat.

"Sa tingin mo tanga ako para hindi maisip iyan?"

Masama ang tingin ni Dania sa katabing si Bryan ng kinuha niya ang kanyang bag na may lamang mga damit, mabilis niyang hinugot mula sa ilalim ang isang itim at maliit na bag.

Alanganin niya akong tinignan bago binuksan ang maliit na bag na iyon

"Naisip ko lang.. na baka.. kailangan natin ito, sigurado akong malaki ang halaga ng bawat isa"

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon