Kabanata 29

25 3 0
                                        


Ang aking mga kamay na tumutulak kay Rage ay nanghina, pakiramdam ko ay hinihigup ang aking bagong lakas.. tumigil na ako sa pag piglas at hinayaan ko siyang yakapin ako ng mahigpit.

Umiiling pa rin ako..

Hindi ko pa rin matanggap ang sinabi ni Argus ngunit wala na ang galit sa aking dibdib, tanging hinagpis at pagkabigo na lamang.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang ideyang nais kong saktan si Argus o ang pagpipilit na makawala kay Rage para gawin ang nais ko kay Argus.

"..Asha"

Patuloy na bulong ni Rage..

"Patawad Prinsesa.. "

Yumuko si Argus at agad nang tumalikod. Humigit ako ng malalim na hininga at namataan ko si Brianna na nakamaang habang nakatingin sa amin.

Maging si Bryan ay naka harap na sa amin ni Rage.

Hindi ko alam kung anong nangyari at kung anong kaya kong gawin kanina.. pero alam kong magagawa ko kung ano man ang nais ko.


Tinulungan kong bihisan si Dania, mahimbing ang kanyang tulog ngunit maya-maya ang pagkunot ng kanyang noo, ang maikling buhok niya na una kong napansin sa kanya ay hanggang dibdib na niya ngayon.. at namumutla siya.

Nanginginig ang mga kamay ni Brianna habang nililinisan ang mukha ni Dania, yakap ko ang aking tuhod habang pinagmamasdan ang dalawa.

Ang lakad na ito ay aking ideya kaya hindi ko maintindihan kung bakit ang aking mga kasama ang totoong naghihirap sa mga nangyayari.. bakit pakiramdam ko sila ang sinusubok at nakatingin lamang ako.

"Asha..?"

Nag-angat ako ng tingin sa mukha ni Brianna.. kahit pa namumugto at puyat ang kanyang mga mata ng ngumiti siya ay umabot pa rin iyon sa mga iyon.

"Buti nalang ligtas ka.. hindi ko alam kung anong gagawin namin kung pati ikaw.."

Lumipat ang tingin niya kay Dania.. alanganin akong ngumiti, lahat sila hindi iniisip na kasalanan ko ang mga nangyari.. ilang ulit yung sinabi ni Rage at ngayon na natatanggap ko pa rin ang ngiti ni Brianna ay alam kong hindi rin niya iniisip yun.

Inabot ko ang kamay ni Dania na naka patong sa kanyang tiyan.

Mahigpit kong hinawakan yun, kinuha rin ni Brianna ang isa pa at parehas naming hinawakan si Dania, naramdaman ko agad ang pag higpit ng hawak nito sa aking kamay.

Huminga ako ng malalim at wala sa sariling pumikit..

Pintig ng puso ang una kong naramdaman ngunit hindi nanggagaling sa aking kamay.. kundi sa aking kinauupuan.. bumilis ang pintig ng sarili kong puso sa nararamdaman.

Ayaw kong magulat si Brianna kaya tahimik kong binaba ang aking kabilang kamay upang pakiramdaman ang lupa at ng dumikit ang aking palad dito ay lalo kong naramdaman ang pintig ng lupa.

Naalala ko ang unang besis na nangyari ito.. nagising ako pagkatapos ng isang buwan ngunit ngayon ay wala akong pakialam kung magising man ako pagkatapos ng isang taon..

Sa isang malakas na tibok ng lupa ay nakita ko ang mga dugo na dumadaloy sa kamay ni Dania.. hindi.. hindi ko nakita.. nasa loob ako..

Mabilis ang agos nito at pabalik sa kanyang puso.. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at mas minabuti ang pag dama sa lupang kinaroroonan namin.

Gumaling ka.. pakiusap..

Napunta ako sa kung saan may nangyayaring panglalason.. itim ang mga dugong nandito.. at unti-unting lumalaki ang nadadaanan ng lason.. 

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon