I'm suffering from all the pressure of being an adult, dang it!
---------
"Kamahalan, imbes maka tulong ay nakaka sira ka ng konsentrasyon ng mga taong ito"
Tawa ni Mitch habang naglalakad kami sa gilid ng pinagsasanayan ng mga nais maging mandirigma, mabilis kumalat ang balita tungkol sa pagkakalason sa akin, kaya hindi na nakakagulat na marami ang bumabati sa kapag dumadaan ako.
"Kamahalan"
Yuko ng isang lalaki, ngumiti ako at nilingon si Mitch.
"At bakit naman?"
Tumingin ito kay Wellmar at umiling, nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ng makita ang kanilang pag-iling.
"MAKINIG"
Pati ako ay napabaling sa baba, naglakad si Rage papunta sa gitna seryoso at madilim ang kanyang mukha habang ginagala ito sa mga tao sa kanyang paligid.
Ngumisi ako.
Hindi matatago ang pagkamangha ng mga tao sa kanya, iniisip nila na isang malaking karangalan na makita ng ganyan kalapit ang Captain of Guards, hindi lang iyon.. ito pa ang magsasanay sa kanila.
Hindi ko pinansin ang eksaheradang buntong hininga at pagsinghab ni Mitch sa tabi ko.
"ANG MGA SUSUNOD NA PAGSASANAY AY MAGIGING MAS MAHIRAP NA, HUMANAP KAYO NG INYONG MAKAKAPAREHA"
Agad sumunod ang lahat sa sinabi ni Rage, hindi nagtagal ay may kaharap na ang bawat isa sa kanila. Naaaliw akong panuorin ang mga nangyayari sa baba.
"Kamahalan"
Kumunot ang noo ko ng makita si Yancy na palapit, hindi siya madalas lumalabas ng palasyo at higit sa lahat hindi pa nangyaring hinanap niya ako..
Nag-aalalang nilibot niya ang tingin sa paligid pero ang mga kasama ko ay mga guwardiya ko lamang dahilan para lumapit siya sa amin.
"Kamahalan.. bumalik na siya"
Seryoso nitong bulong, nag katinginan kami ni Mitch.. isang tao lang naman ang umalis at hinihintay kong bumalik alam ng aking mga guwardiya ang tungkol doon.
"Nasaan?"
Tanong ko, binalingan ko si Rage sa baba, nakatingin na siya sa amin kaya tumango nalang ako.
".. sa iyong silid lamang ang tingin naming magiging ligtas kamahalan.."
"Tara"
Mabilis na akong naglakad at agad namang sumunod ang iba.
Kung ano man ang balitang dala nito o kung meron talaga.. napalunok ako, gusto ko bang malaman? Mas gusto ko bang merong balita?
Kung ikakabuti yun ng lahat..
Hindi pa man kami nakakarating sa aking silid ay naka habol na si Rage, seryoso ang kanyang mukha ng sinulyapan ko siya.
Naka tayo sa tabi ng aking bintana si Bryan, naka upo naman sa silya si Brianna at naka tingin sa kanyang kapated. Nilibot ko ang tingin sa paligid.
Sina Camie at Yancy ay nasa sulok, may limang guwardiya kasama si Rage at ang mag kapated.
"Kamahalan"
Tumaas ang kilay ko, tatlong besis ko pa lamang nakita si Bryan at tuwing nagkikita kami ay mas lalong umaayos ang kanyang itsura.
Nagpagupit siya, malinis ang kanyang suot at maaliwalas ang kanyang mukha, kalmante akong naglakad papasok sa aking silid.
"Mukang bumagay sa iyo ang paglabas ng palasyo Bryan"
BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasyIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...
