"Kamahalan!"
Ngumiti ako sa mga kawal ko ng sinalubong nila kami ni Lola Caramella, tinanggap ko ang kanilang mga kamay at ang masayang bati nila sa amin, inisa-isa kong tignan sina Dania, Brianna at Bryan.
Naalala ko ang nangyari kaninang madaling araw at pinigilang irapan si Bryan.
Napansin ko agad na hindi lang ang aking mga kasama ang nandito may mga taong ngayon ko lang nakita na tahimik na naka masid sa akin.
Huli kong tinignan si Rage dahil alam kong wala na akong mapapansin kapag nakita ko na siya. Hindi ko kinaya ang intensidad ng kanyang tingin sa akin napalunok ako.
Naglakad ako palapit sa kanya ng pinigilan ako ni Argus.
"Bago tayo umalis.. gusto kitang makausap Prinsesa"
Nag dalawang isip akong tumitig kay Argus, hindi na ako makapaghintay na lapitan si Rage ngunit marami nang bagay ang nagpipigil sa akin ngayon.
Marami na ang umaasa sa akin. Hindi ko maaaring unahin ang aking sarili, bumuntong hininga ako at tumango..
"Umaasa akong nasabi na ng iyong Kapitan ang sinabi ko sa kanya"
Pauna ni Argus ng mapag-isa kami, nakikita pa rin namin ang pag-uusap nila Rage at Lola Caramella at ang paghahanda ng lahat upang umalis.
Tinutulungan sila ng mga taga nayon..
"Oo.. binalaan mo siya" pagod kong sabi.
Binalik ko ang tingin sa kanya ngayon na matamang nakatingin sa akin at pinagmamasdan ang ekspresyon ko kaya ngumiti ako.
"..naiintindihan ko Argus"
Naiintindihan ko na maaaring gamitin si Rage laban sa akin, na delikado ang buhay niya kapag nalaman ng kalaban kung gaano siya kahalaga sa akin. At naaalala ko rin na sabi ni Rage ay wala siyang pakialam.
Wala siyang pakialam kung manganib ang buhay niya basta't alam niyang mahalaga siya sa akin.
"Hindi kita pipigilan Prinsesang umibig sa kanya lalo pa at nasilayan ko mismo ang mabuting dulot noon sa iyo"
May dumaang takot sa mga mata nito ngunit mabilis lamang na tingin ko ay guni-guni ko lang.
".. ngunit isipin mo habang maaga pa na kapag dumating ang panahon kung papipiliin ka sa pagitan ng iyong kapitan at ng buong lupain ng Etheria.. sana ay malinaw ang iyong pag-iisip kung ano ang mas mahalaga"
Tumalim ang tingin ko kay Argus, hindi dahil alam ko kung anong nais niyang gawin ko kundi dahil umaasta siyang kailangan kong piliin ang lahat ng tao keysa kay Rage!
"Hindi ko hahayaang dumating sa pagkakataong kailangan kong pumili Argus" sagot ko sa malamig na bosis.
"Sinasabi ko lang Prinsesa"
Yumuko ito at agad na akong tinalikuran, sinundan ko siya ng masamang tingin.
Bago ako humakbang palabas ng linyang gawa sa Asin ay nilingon ko sa huling pagkakataon ang nayon ng Agora hindi ko man nakilala ang mga taong nakatira sa nayon na iyon ay sapat na ang tuwa sa mga mata ng aking mga kawal habang kausap ang mga ito at sa paulit-ulit nilang paalam.
Huminga ako ng malalim at tinuloy ang aking paghakbang.
Napasinghab ako ng maka apak na ako sa labas ng linya, nakakapanibago pa rin ang pagtalas ng aking pakiramdam sa tuwing nakakaapak ako sa labas nito.
Ilang minuto ang lumipas ng sinubukan ko agad ang aking kakayahan, nakakagulat na hindi ko na kailangan pumikit upang makita ang mga nilalang na nasa paligid.
BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasyIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...