Alam kong hindi maganda ang ginagawa ko ginagalit ko ang kalaban ngunit kung mamamatay rin naman ako mabuti nang nakita kong nasindak ko kahit papaano si Etheria.
Ang hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari.
Humakbang palapit sa akin si Rage dala ang kanyang espada, na bigo akong itago ang aking nararamdaman ng napaatras ko.
Malakas na tumawa si Etheria.
Nagpatuloy ang pagsabog sa labas at ang mga yapak mula sa kung sino-sinong tumatakbo sa pasilyo kung ano mang nangyayari dun sana ay ligtas ang aking mga kaibigan.
"Wala kang pinagkaiba sa mga nakakaawang nilalang na ito.. alipin sa nararamdaman buti nalang at nalaman ko ang iyong relasyon mula sa iyong kapated"
Lumingon siya kay Evie na naka tayo na ngayon sa tabi nila Prinsipe Rico.
Nagkatinginan kami ni Evie, inaasahan ko na na maaari niya itong gawin sa akin ngunit iba ang ekspresyon na nakikita ko sa kanyang mukha ngayon.
Naiiyak at determinado ang kanyang pag-iling.
Nais niyang iparating sa akin na hindi niya gusto ang nangyari, walang oras para isipin pa si Evie kaya ibinalik ko ang tingin kay Ring Queen.
"Mas nanaisin ko pang makaramdam ng takot.. keysa sa lamig na bumabalot sa iyong katawan Etheria"
Sa gilid ng aking mga mata ay pinagmamasdan ko si Rage na nakatayo ng tuwid sa gitna ng hagdanan, pinigil kong makaramdam ng kahit ano habang nakikita siyang hawak sa leeg ng kalaban.
"..at hindi na ako magtataka kung sinabi ng aking kapated ang tungkol sa aking lihim na damdamin.. alam kong malas ako sa kapated isa ka sa patunay nun Etheria"
Kumislap ulit sa galit ang mga mata nito, hindi dahil sa hindi siya naniniwala sa akin kundi dahil may mga alam ako na hindi niya alam.
Kahit papaano ay lumakas ang aking loob, nababasa ko siya katulad ng pagkakabasa ko sa mga ordinaryong tao.. marahil ay katulad ko lang rin siya.
May mga kahinaan.
"Kung ganun munting Prinsesa.. mali ang ihantulad kita sa mga taong ito... dahil tayong dalawa ang magkatulad"
Nagtagis ang bagang ko.
"..nasa dugo mo ang maging katulad ko" Napatingin ako sa kanyang kamay ng bigla siyang kumumpas.
Napabaling ako sa paligid ng sunod sunod na sumigaw ang mga tao, ngunit ang naka pagpatigil sa akin ay ang sigaw ni Prinsipe Rico.
"Reo!"
Hinugot ng kawal ang kanyang espada na nakabaon sa likod ng Prinsipe na agad natumba. Pinigilan ng ibang kawal ang Crown Prince na lumapit sa kapated.
"REO!! LAPASTANGAN!"
Napasinghab ako habang pinagmamasdan si Rico na pilit iwinawaksi ang mga kawal na naka hawak sa kanya.
Hindi lang siya ang sumisigaw, may mga iyak akong naririnig mula sa paligid at hindi ko magawang igala ang aking tingin upang tignan kung ilan ang biktima ng babaeng ito dahil lang sa kanyang kumpas.
Tumawa ito.
"Nakakatawang makitang iniiyakan nila ang pagkamatay ng kanilang katabi.. samantalang doon rin naman silang lahat papunta"
Huminga ito ng malalim habang ginagala ang kanyang tingin.
"Ako ang gusto mong makaharap hindi ba, bakit hindi mo sila palabasin"
Ang aking palad ay mahigpit na naka kuyom sa aking gilid, napapalibutan kami ng mga kawal niya.. ang tanging mga kawal ko lang ay..Binalik ko agad ang tingin sa Ring Queen, ngunit sigurado akong hindi na hawak ng aking mga kawal si Hinder pinapalibutan nila ito..

BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
خيال (فانتازيا)Isang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...