Kabanata 28

17 4 0
                                    


Hindi ako mapakali habang naglalakad lakad ng pabalik balik, handa na ang lahat na umalis tanging hinihintay nalang namin si Argus, Kell at Rage.

Hindi ako kinakabahan para sa mga ito alam kong kaya nilang ipagtanggol ang kanilang sarili, ngunit kung totoo ngang may sumusunod sa amin..

Malakas ang kutob kong sina Dania na iyon..

Hindi ako nakakaramdam ng panganib.. yun ang pinanghahawakan ko sa ngayon hindi ako makapaniwala na may posibilidad na makita ko sila ulit. 

"..hindi yan nakikita.. nakakaaliw tignan ang kanyang mukha"

Nag-angat ako ng tingin kay Mitch at Dyer na nakatingin sa akin at agad silang nag-iwas ng makitang lumingon ako, umiling ako at tumigil na sa paglalakad.

Dapat kumalma lang ako..

Magiging maayos ang lahat! Tama, siguradong mararamdaman ko kung may panganib. Napalunok ako at nilibot ang tingin sa paligid.. siguradong ipaparamdam sa akin ng paligid kung may panganib--

"Nandito na sila"

Una kong nakita si Argus na naglalakad, sa kabila ng kanyang edad ay maliksi pa rin siyang kumilos naka sunod sa kanya sina Rage at Kell na may pinag-usapan.

Agad nagtama ang tingin namin ni Rage determinado ang kanyang tingin sa akin, syaka pa ako nakahinga ng maluwag ng masigurong walang nangyari..

"Hindi na namin makita, sa tingin ko ay nagkataon lang na may mga naglalakbay rin kagabi"

Sabi ni Argus, naputol ang tinginan namin ni Rage dahil tumayo siya sa aking harapan at umiling.

"Kailangan na nating umalis"

"Kung sakaling.. may sumusunod nga sa atin, huwag kayong magpadalos-dalos sa pag atake"

Sabi ko ng mapansin ang pagtingin tingin ng aking mga kasama sa paligid at maging si Mitch ay seryosong nagbabantay sa paligid.

"Bakit Kamahalan.. may inaasahan ka bang makakasama?" tanong ni Dyer sa aking gilid.

"Ayaw kong magkamali tayo.."

Tumitig ako sa likod ni Argus, alam ko na kung bakit niya laging inuutusan si Rage.. ayaw niyang mabigyan kami ng pagkakataon na mag-usap.

May kinalaman kaya ito sa kanyang ama?

At kailangan ko nang sabihin kay Rage ang totoong nangyari.. isa siya sa nawalan at alam kong lubos na hinahangaan niya ang kanyang ama.. kaya siya naging Kapitan ay dahil sa kanyang ama.Mapait akong ngumiti.

Paano kung katulad ni Evie ay hindi niya maunawaan ang nangyari? Mapuno ng galit ang kanyang puso?

Palapit kami sa ilog ngayon dahilan upang hindi na namin marinig ang mga yapak ng paa sa paligid kaya mas lalong naging mahigpit ang kanilang pagbabantay sa paligid, walang nangyaring pag-uusap sa aking mga kawal ngunit natagpuan ko nalang ang aking sarili na pinapagitnaan nilang lahat na imposibling maka lapit sa akin ng hindi dumadaan sa kanila.

Walang sinabi si Argus sa nakita ngunit alam kong namamangha siya sa pagiging maayos at pulido ang kilos ng aking mga kawal.


"Tigil!"

Senyas ni Pen na nasa unahan, agaran ang pagtigil naming lahat..

Pinakinggan ko ang paligid ngunit wala akong marinig kundi lagasgas ng tubig sa di kalayuan sigurado akong ganun rin ang naririnig ng aking mga kawal.

"May tao sa unahan"

Baling ni Pen sa likuran, agad kong naramdaman ang pagkilos ng lahat ng umalis si Rage sa kanyang pwesto.. 

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon