Kabanata 2

90 5 0
                                        


Umupo ako sa upuan sa harap ng lamesa ni General, nasa harap naman siya ng lamesa samantalang nasa magkabilang gilid ko si Mitch at Wellmar. Pinagmamasdan akong mabuti ni General bago siya bumuntong hininga.

"Inaamin kong sa loob ng mahigit tatlongpu't taon kong pagiging Heneral ay ngayon lang nangyaring pinuntahan ako ng mahal na reyna sa aking silid habang malalim pa ang gabi"

Ngumisi siya at umiling.

"Anong maipaglilingkod ko Kamahalan"

Sa klase ng pakikipag-usap ni General sa akin naalala ko si Rage, katulad nito ay hindi siya naiilang na kausapin ako at sigurado akong kaya niyang sabihin sa akin ang laman ng utak niya ng hindi iniisip na maiinsulto ako o ano.

"Dalawang besis palang tayong nagkita simula ng umupo ako bilang reyna General"

Pinilit kong palamigin ang bosis ko at alam kong nagtagumpay ako pero ngumisi lang ang aking kaharap.

"Ikinagagalak kong gusto mo pala akong makita kamahalan" Bumuntong hininga ako.

"Hindi na ako magpapaligoy-lingoy pa General, gusto kong malaman kung may nangyayari ba sa imbestigasyon niyo tungkol sa pamamaslang sa aking Ina.. at hanggang ngayon ay hindi niyo pa rin nakikita ang bangkay ng aking kapated!"

Tumaas ang kilay niya sa narinig, samantalang kinakalma ko naman ang sarili ko minsan ay nakakalimutan kong magpigil ng galit, ilang taon kung sinanay ang sariling kontrolin ang aking damdamin lalo na kapag nagagalit para lang sumaya at baka sakaling may gusto nang makipagkaibigan sa akin pero kahit pa ilang ngiti ang ibigay ko sa mga kabataan na kasing edad ko ay irap at singhal lang ang binabalik nila.. ngayon ay kailangan ko na namang mag-aral nun.

"Hmm.. hindi ka ba nagtitiwala sa aking pamamaraan--"

"Hindi mo ako masisisi General, hindi kita kilala at hanggang ngayon ay wala akong naririnig tungkol doon.. kung gusto mong pagkatiwalaan kita.. patunayan mo ang sarili mo sa akin"

Ngayon ay tumuwid ang kanyang pagkakaupo at nag tiim bagang na siya. Nag-iba na rin ang tingin niya sa akin na para bang kinukonsidera niya akong ituring na kalibel niya at hindi lang batang walang alam at basta nalang naging reyna.

"Kamahalan, sa tingin ko ay hindi mo alam ang isang bagay na utos nang nakaraang Reyna sa kanyang nasasakupan.. at hindi ang iyong ina ang ibig kong sabihin kundi ang sinundan niyang si Reyna Esmeralda... ang naging utos niya ay gawin namin ang trabaho namin at ang gagawin niya ay suportahan kami.. ayaw niyang malaman kung anong nangyayaring kaguluhan sa kanyang kaharian dahil trabaho namin na wakasan iyon kung kaya hindi mo rin ako masisisi kung hindi ko sinasabi sa iyo ang tungkol sa imbestigasyon dahil matagal nang kasanayan ang batas na iyan simula pa noon"

Napamaang ako.

Hindi ko maitago ang gulat sa aking mukha habang pinagmamasdan akong maigi ng kaharap, walang panunukso o kung ano sa mukha ni General simpling sinabi lang niya yun para ipaalam sa akin. Kinuyom ko ang kamay sa aking damit at ilang sandali pa bago ko nahanap ang sarili.

Ang aking ina na namumuhay sa loob ng palasyo at tinatawag na reyna at pinuno ng kaharian ay wala palang alam sa kanyang nasasakupan?

Gusto rin ba akong maging ganun ng mga taong ito? Naalala ko si Rage at hindi ko na kailangan ng kanyang salita para malaman ang sagot nun. Pero may karapatan ako kung paano ko patatakbuhin ang aking kaharian.

At sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng tuwa sa kaalamang maaari ko itong ituring na laro ang pagiging Reyna ko.. maari kong gawin ang gusto ko ng hindi iniisip ang gusto ng iba.. hindi ko kailangan makinig kay Morgan sa mga gagawin bagama't hindi ko siya pipigilan sa gusto niyang pagdiriwang at magaling siya sa mga ganun.. pero hindi rin niya ako pweding pigilan sa gusto ko.

Asha BlacktornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon