Nadismaya ako ng makitang hanggang ngayon ay hindi sumabay sa hapunan sina Prinsipe Reo.. pero kung gugustuhin ko pwede ko siyang puntahan sa kanyang silid para matanong tungkol sa Ring Queen na sinasabi nito.
Ni hindi ko nga alam na tinatawag siyang ganun!
Pagpasok ko sa aking silid ay naabutan ko ang dalawang babae na hanggang ngayon ay hindi ako matignan sa mukha, hindi ko alam ang kanilang mga pangalan.. pagkatapos kung maglinis ng katawan at magsuot ng pantulog ay mariin kong tinignan ang dalawa na naghihintay na utusan ko silang lumabas.
Tumikhim ako.
Pasimple akong umupo sa mahabang upuan na nasa gilid.
"Anong pangalan niyo?"
Ngayon ay napatingin na talaga silang dalawa sa akin bago nagkatinginan at yumuko ulit.
"Ako si Yancy at siya si Camie, kamahalan"
Tumango ako at kinunsidera ang dalawa, bumuntong hininga ako.
"Yancy at Camie.. maupo kayo at may gusto akong malaman"
Hindi ko sila binigyan ng pagkakataon na pumili kaya wala silang nagawa kundi umupo sa harap ko, gusto kong maging kampante sila sa akin para hindi sila magdalawang isip na sabihin ang kanilang nalalaman pero kailangan yun ng mahabang panahon at naiinip na ako.
"Gusto kong malaman ang tungkol sa Ring Queen"
Nag-angat ng tingin si Yancy at gulat na tinitigan ako samantalang nakayuko pa rin at namumutla si Camie, alam kung dapat ay nagpapahinga na sila sisiguraduhin ko nalang bukas na maaga silang matapos para makabawi ako.
"A-anong gusto niyong malaman kamahalan?"
Naguguluhang tanong ni Yancy.
"Kaunti lamang ang alam ko tungkol sa namumuno ng Northern Ring.. kung paano sila kaganid dahilan sa pagbibigay natin ng buwis para mapanatili ang kaayusan ng lahat.. bukod doon ay wala na, sabihin mo sa akin kung bakit walang kumakalaban sa kanila"
Hindi ko na kailangan pilitin si Yancy hindi palang ako natatapos sa sasabihin ay alam ko na kung anong ibig sabihin ng determinadong ekspresyon nito at nilalaban niya ang pagkailang na ako ang kaharap niya.
"K-kamahalan.. walang kumakalaban sa Northern Ring dahil gumagamit ng mahika ang kanilang reyna.. walang nakakaalam sa pangalan nito kaya Ring Queen ang tawag sa kanya maging ng mga tao sa Northern Ring yun rin ang tawag nila sa kanilang reyna.."
Napaawang ang bibig ko, mahika? Ilang besis ko bang pinangarap noon na totoo ang mahika at makakita sana ako ng ganun pero.. kung ganitong takot ang hatid nun sa mga tao..
"Ilang taon nang namumuno ang Ring Queen pero ang kanyang itsura ay ganun pa rin kaya naniniwala ang lahat na wala siyang kamatayan"
Napatitig ako sa kawalan. Mula nang namulat ako ay hindi ko maalalang may bagong pinuno ang Northern.. hindi sumagi sa isip ko na may kakaiba nga sa bagay na iyon.
"Laganap ang krimen sa Northern Ring hindi na iyon nakakapagtaka dahil masama ang pamamalakad ng kanilang pinuno pero dahil malaki ang sweldo ng mga tauhan doon may naglalakad loob pa rin na taga ibang kaharian na magtrabaho sa lugar na iyon"
Naririnig ko sa bosis ni Yancy ang takot sa kanyang mga sinasabi, bumuntong hininga ako at tumango.
"Kung ganun mas kailangan ko pang pag-isipan ang mga hakbang na gagawin ko" bulong ko
Nagtaas ng tingin si Camie at kita ko ang mangiyak ngiyak na itsura nito, tinitigan ko siya hindi ko siya pipiliting magsalita--
"Kamahalan, sa tingin ko ay kahit anong gawin mo walang sino man ang may laban sa Ring Queen.. nakita ko mismo ang kanyang kayang gawin kamahalan.. kaya niyang sunogin ang isang nayon ng walang tulong ng kahit isa sa kanyang mga alipin.."

BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasíaIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...