Wala ako sa sarili ko, para bang nanonood lang ako mula sa malayo habang pinasakay kaming lahat sa isang Wagon na hila hila ng apat na kabayo.
May tatlong Wagon at puno lahat ng tao.
Tahimik akong umupo at nakipagsiksikan sa mga tao, niyakap ko ang aking tuhod at itinago ang aking mukha, nakalimutan ko na kung anong ginagawa ko dito, kung para saan ang ginagawa ko..
Nanginginig ako..
Hindi dahil sa takot o sa lamig..
Dahil ito sa galit, para sa Northern at sa kanilang reyna, kay Ivo, sa mga taong hindi naniwala sa akin, sa mga kasama kong nang-iwan, sa mga taong nag-iiyakan sa tabi ko na parang may magagawa ang kanilang luha, kay Camie na sumugod upang iligtas ako at higit sa lahat galit ako sa aking sarili.
Kasalanan ko ito.
Ako ang may gawa nun kay Camie.. ako.. ako ang may kasalanan.. pinatay ko siya... wala na si Camie.. dahil sa akin.
Naninikip ang dibdib ko at pakiramdam ko hindi ako makahinga, ngunit wala rin akong magagawa dahil hindi ako makagalaw sa Wagon na punong-puno ng tao.
At wala na akong pakialam kung hindi man ako makahinga.Mas mabuti pa ngang mamatay nalang ako sa gitna ng mga taong ito. Ano pang silbi ng nais kong gawin kung hindi ko rin naman magawang iligtas si Camie..
Anong silbi ng kapangyarihang taglay ko kung wala rin naman akong magagawa para sa mga taong mahalaga sa akin.
Nagsasayang lamang ako ng oras.. bakit hindi ko nalang hinintay na dumating ang Ring Queen sa palasyo at patayin ako? Baka sakaling buhay pa rin si Camie hanggang ngayon..
Kasalanan ko.
Hindi na ako nag-aksaya ng lakas upang pagmasdan kung nasaan kami, pagkatapos ng mahabang biyahe ay pinababa kami ng mga Northerian at tinulak papasok sa isang kastilyo, wala na akong pakialam.
Pababa kami ng pababa sa kastilyong iyon hanggang sa pinasok kami sa malaking kulungan. Naghanap agad ako ng sulok at tahimik na niyakap ang aking sarili.
Malapit nang matuyo ang aking damit at puno ng putik ang aking mukha.. hindi ako giniginaw o ano pa man.. gusto ko lang mag-isa na imposibling mangyari dahil marami akong kasama sa kulungang iyon.
Nawalan ako ng pakiramdam, nakatitig lamang ako sa aking tuhod habang paulit-ulit na naalala ko ang huling kataga ni Camie..
Humihingi siya ng tawad..
Samantalang ako ang dapat humingi ng tawad sa kanya dahil kasalanan ko iyon.
Kasalanan ko ang lahat..
Dalawang besis na may hinatid na pagkain.. dalawang besis na tumanggi ako, ilang oras ang lumipas ay humupa ang ingay ng mga kasama ko at kanya-kanya na rin silang upo.
Magkakatabi at harap ang mga kulungan dito..
Kung hindi ako nagkakamali ay nasa palasyo ng Westhernisle kami, mas malalaki ang mga kulungan at ang pasilyo keysa sa amin, mas imposibling makawala.
Lalo pa at may naka tayong guwardiya sa bawat selda.
Binaba ko agad ang aking mukha at pumikit. Sinasariwa ko ang mga nangyari upang parusahan ang sarili. Mapait akong ngumiti ng maalala ang aming palasyo.
Si Yancy.
Nabigo ako, anong mukha ang ihaharap ko sa kanya ngayong ang pinakamatalik niyang kaibigan ay pumanaw dahil sa akin? Ang sakit sa aking mga palad ay nadepina ng mas diniinan ko ang pagkakakuyom ng aking palad.
BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasíaIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...