"Gusto mo nang mga damit na para sa pakikipag digma kamahalan?"
Nagtatakang ulit ni Dania sa aking sinabi kinagabihan, noon ay hindi siya tumatambay dito kapag gabi na ngunit simula ng.. mawala si Morgan ay gabi gabi na niyang sinasamahan ang aking mga binibini.
"Oo.. sa katunayan.. gusto kong iyon na ang gawin mo simula ngayon, maaari ko pang isuot ang ibang damit na nagawa mo na kaya wag ka na munang gumawa ng bago"
Nagkatinginan sila ni Brianna, tumikhim naman ako hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila ang nangyayari ngunit ayaw kong mabahala sila katulad ng nararamdaman ko ngayon.
Bumuntong hininga ako.
"Gusto ko lang ng mas magaang suotin Dania" Sabi ko.
Nakatitig na ako sa kisame habang iniisip ang sinabi ko kanina, paanong nasabi ko na ako mismo ang titingin sa mga bagong mandirigma samantalang.. mabibilang lang ang pagkakataon na nakakatama ako kay Vennel?
Pero hindi naman siguro ako pababayaan ni Rage diba?
"Masusunod kamahalan"
Bumalik ang diwa ko at nilingon ang apat na naka upo sa sahig habang inaayos ang mga alahas na kasama sa mga regalo na natatanggap tuwing may pagtatanggap.
Tinitigan ko ang mga iyon.
Lahat ng mga iyan ay matataas ang halaga ngunit ang tanging nagagawa ay inggitin ang mga nakakakita.. sa kaalamang mahalaga sila.
Walang kwenta sa digmaan.
Kung magiging alahas ako.. sisiguruhin kong kahit papaano ay makakatulong ako sa nagsusuot sa akin at hindi lamang kumikinang na bagay.
"Gusto niyong sumali sa pagsasanay ko sa susunod?"
Tanong ko sa kanilang tatlo, si Dania ay mas gustong gumamit ng pana kaya sa labas sila nagsasanay ni Kell pero ang tatlong ito.. hindi ko sila pweding hayaan na.. walang depensa.
Nagkatinginan sina Yancy at Camie.
"Hindi..hindi ba mahihirapan ang iyong guro kung isasama mo kami kamahalan?"
Nag-aalinlangang tanong ni Yancy, huminto na sa ginagawa at nakatingala sa akin samantalang nakikinig lang si Brianna at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Tutulong ang aking mga guwardiya"
Biglang nagtaas ng tingin si Brianna at lumaki agad ang ngiti, napailing nalang ako.
"Sasama ako kamahalan!"
Sigaw nito, lihim akong napangiwi ilang sandali pa bago sumagot sina Yancy na sasama rin sila dahil wala naman silang ginagawa sa mga oras na iyon.
Hindi na ako nagulat ng halos lahat sa aking tanggapan ay tungkol sa desisyon ko na hindi pagtanggap o paglabas ng mga produkto mula sa ibang kaharian.
Nung una ay nahihirapan akong sumagot ngunit halos tatlong linggo na ang nakakalipas at alam na nang lahat ang dahilan ko ay ang pag kamatay ni Morgan ngunit nakakatanggap pa rin ako ng mga reklamo.
"..ikakamatay ng aking mga tauhan ang walang sweldo kamahalan"
Yuko ng isa sa mga noble na may-ari ng lupa, hindi ko na matandaan kung anong ibinigay niya kanina dahil kung saan-saan lumilipad ang utak ko.
"Hindi mamamatay ang iyong tauhan kung ibibigay mo sa kanila ang mga tanim na hindi na binta Lord Fallo.. hindi nakakain ang pera"
Tamad kong sagot, hindi ko pinansin ang pagkadisgusto sa itsura nito nung umalis. Pero wala akong pakialam.. nasa pagsasanay na ang aking utak.

BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasyIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...