Hindi ko ito inaasahan.
Tinignan ko ng masama si Dania at Brianna, hinila nila ako palayo sa nayon hindi ko napansin ang pagkawala ni Argus marahil ay sinunod niya ang sinabi ni Rage.Duwag.
Bumuntong hininga ako at sinubukang pakalmahin ang aking sarili. Sa mga oras na ito ay nakikipaglaban ang aking mga kawal.. sa mga oras na ito nasa tabi lang ang mga tauhan ng Ring-- Etheria..
Tumalim ang aking mga mata.
Hindi ko na kailangan pumikit upang makita ang mga nakikita ng mga nilalang sa paligid, isang malaking ibon ang saktong dumaan sa himpapawid na agad kung ginamit. Malinaw kong nakita ang mga nangyayari sa ibaba, kung saan patuloy ang sunog at ang paglikas ng mga tao sa isang gilid kung saan nakatayo ang isang taga Northern ay nakita ko kung paanong tahimik na lumapit mula sa mga halaman si Dyer.
Walang pagdadalawang isip na sinaksak niya ang lalaki sa leeg gamit ang maliit na patalim habang tinatakpan niya ang bibig nito, walang laban na bumaksak ang katawan ng lalaki.
Pinagmasdan ko ang paligid..
Walang naka pansin. Pinagpatuloy ko ang pagmamasid hanggang sa makita ko ang sabay na pag sunod ni Kell at Aron sa lalaking hila hila ang isang lalaking pilit nanlalaban.
Nakakamanghang sa dami ng mga kawal ng kalaban walang nakapansin sa paunti-unting pagbagsak ng kanilang mga kasama. Nakita ko ang paglibad ng palaso mula sa kakahuyan papunta sa nakatayong kalaban.
Agad itong bumagsak ngunit napansin na iyon ng kanyang kasamahan na nakatayo lang sa gilid nito. Malakas itong sumigaw at agad umalerto ang ibang mga kasama.
Masyadong makapal ang apoy hindi ko makita kung anong nangyayari sa ibang bahagi ng lugar pero sigurado akong mas lumakas pa ang sigawan at nagtakbuhan na ang mga tao.
Ang hindi ko inaasahan..
"PATAYIN LAHAT!"
Umalingawngaw ang garalgal na bosis ni Draco Lino na umabot hanggang sa himpapawid, puno ng gulat at galit ang kanyang mukha habang nakatingin sa mga nagtatakbuhang mga tao at sa mga bumaksak na mga kasamahan.
Napasinghab ako ng basta nalang nito sinaksak ang isang lalaking dumaan sa kanyang gilid.
Nabitawan ko ang ibon.
Agad akong tumayo at halos mapatalon sina Dania na nakatabi na sa akin. Matalim ko silang tinignan.
"Lalaban ako"
Hinihingal pa ako ng makarating kami sa bungad ng nayon, walang nagawa ang dalawa kundi sumunod sa akin at bigyan ako ng sandata.Isang espada at maliit na patalim.
Inobserbahan ko ang paligid at ang gulong nangyayari, ang pinakamalapit sa amin ay si Pen na may tatlong kalaban habang nakikita ko rin sa gilid ng aking mga mata si Bryan.
Hindi ko na binigyan ang sarili ng pagkakataong mag-isip, tumakbo ako palapit kay Pen at hinarang ang gagawin sanang pag atake ng kalaban sa kanyang likod.
Nagtagis ang bagang ko sa lakas ng pagtama ng dalawang sandata.
Hindi ito katulad ng mga pagsasanay namin, Oo at mas malakas ang kalaban, hinarap na ako nito at sa kabila ng panganib na hatid nito ay gusto kong magpasalamat at naka suot ito ng mga proteksyon.
Hindi ko siya kailangang patayin.
Seryoso kong hinarap ang lalaki.Kasabay ng pag papalitan namin ng atake ang paglakas ng tibok ng lupa para bang sumasabay na ito sa bawat pag hinga ko.

BINABASA MO ANG
Asha Blacktorn
FantasyIsang aksidente ang dahilan kung bakit ang Prinsesang hindi pinapansin ng kaharian ang naging bagong Reyna ng Southern Mountain, gustong patunayan ni Asha na magiging ibang reyna siya keysa sa kanyang ina. Ang hindi niya inaasahan ay nakatakdang ma...