-Shimaira-
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Bungad sa 'kin ni Madame.
"Ayos na po ako." I managed to smile.
"Mabuti kung gano'n." Kinakabahan pa rin ako sa tono ng pananalita niya.
"Shimaira, napapagod ka na ba?" Gulat akong napatingin kay Madame.
"P-po? hindi po, hindi po."
"'Totoong sagot ang gusto ko Shimaira, napapagod ka na ba?" Ulit niya sa tanong.
"Hindi po Madame," sinserong sagot niya.
"Mabuti naman kung gano'n, kailangan mong pagbutihin ang pag-eensayo. Alam ko napapagod ka na dahil sa trato sa 'yo ng mga Mageias dito. Pero sana ay mapagtiisan mo dahil kailangan ka namin." Tuloy-tuloy sa pagsasalita si Madame. Nakikita ko ang kagustuhan niya na gawin ko ang mga sinasabi niya.
"Opo madame, 'wag po kayong mag-alala, pagbubutihin ko po."
"Salamat Shimaira," sagot niya at 'tsaka tumango.
Dumiretso ako sa practice room. Dahil diterminado akong gawin ang gusto ni Madame. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata para makapag focus. Iniisip ko lahat ng nabasa kong tecniques para maging successful ang pag control ko. Nahihirapan pa rin ako. Feeling ko may naka masid sa 'kin. Imbis na bigyang pansin ay tinuloy ko ang ginagawa ko.
Focus
Focus
Focus
Nang maramdaman ko na okay na ang aking pag-iisip, sinubukan ko naman ang isa pang tecnique. Inisip ko kung anong sugat ang pagagalingin ko. Nahihirapan ako dahil hindi ko alam kung anong sugat ang iisipin ko.
Nahihirapan ako. Focus Shimaira. Hayst! Nahirapan ako, dahil wala akong sugat na naiisip. Hindi pwedeng hanggang dito lang ako. Tama sila magiging pabigat lang ako kung hindi ko pag-aaralan ang kapangyarihan ko.
Iniisip ko ang sasabihin sa 'kin nila tita at tito kung uuwi akong walang magandang balita. Baka mas lalo lang akong kainisan ni tita. Wala na akong mapupuntahan kung paaalisin niya ako. Kaya dapat, maging maayos ang aking gagawin dito.
Nag-iisip ako ng sugat na siyang maaari kong pagalingin. Unti-unti may lumalabas na imahe sa 'king isipan, kaya laking pasasalamat ko. Kahit paaano ay may improvement ako. Mga ilang minuto ang lumipas ay tumayo na ako, at minabuting makabalik na sa 'ming kwarto. Nadatnan ko silang seryosong nag-usap, maging ang mga lalaki ay nasa labas ng kwarto nila kasama ang mga babae.
Siguro hindi ako kabilang sa usapan nila, kaya dumiretso ako sa aking kwarto at humiga. Napagod ako, kaya Hindi ko namalayan na nakatulog na agad ako.
- - - - -
"Hayst! Shimairi kayanin mo naman," angil ko sa aking sarili. Nandito ako mag-isa sa practice hall. May improvements naman ako kahit papaano. Nagagawa ko nang kontrolin ang kapangyarihan ko, pero kapag nakapikit lang. Hindi ko magawa kapag nakadilat, dahil nahihirapan akong mag focus . Bukod do'n hindi kasi ako nakakakita ng sugat o bagay na maaaring pagalingin.
"O, nandito ka pala Maira." Nagulat ako sa pag dating ng mga kagrupo ko.
"A-ah, may ginagawa kasi ako," parang nahiya naman ako bigla, dahil ako nalang ata ang sige practice, pero wala pa ring nagagawang matino.
"Nagpapractice ka?" Tanong sa 'kin ni Charmie. Pagtango nalang ang siyang naisagot ko. Matalim pa rin ako kung tignan ni Yuki. Pero hindi ko nalang pinansin.
"Aaaah." Nabalikwas ako sa aking pagkakatayo, at nakitang nagdudugo na ang braso ni Pia. Agad akong napatakbo sa kaniya.
"Anong nangyare?" Nag-aalalang tanong ko. Umiling lang siya.
BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...