Chapter 14

134 86 10
                                    

-Shimaira-

Kahit pagod na pagod na ako, binilisan ko pa rin ang pagtakbo sa takot na maabutan kami. Ano bang kailangan nila sa'min?

Ito ba ang sinasabi ni Yuki na mapanganib?

Ilang Mageias na ba ang nakaranas ng ganitong takot?

ako ba ang unang nakaranas na mapatapon dito, dahil sa hindi pag sunod sa rules ng group war?

ang daming tanong sa isip ko, wala naman akong kakayahan na sagutin ano man sa mga 'yon.

"Hindi mo kami matatakasan babae, kahit saan ka pa tumakbo. Mas maganda kung sasama ka nalang sa'min" mas natatakot ako dahil sa kakaibang dating ng boses niya.

"Aaah" sobrang sakit ng pagkakatama ko sa bato, kita ko sa mga mata nila ang kagustuhan na mahuli ako. Bakit ba ??

Mabilis kong binalot ng yakap si Aby ng makitang hahatakin siya sa'kin.

"Please, tama na" naiiyak ako sa katotohanang wala akong kakayahan. Kahit na nakiusap na ako ay patuloy pa rin sila sa pag lapit. "Sabing tamaaaaa na" hindi ko na napigilan ang mapasigaw. Laking gulat ko nang malayo ang pagkakatalsik ng nagtakang lumapit sa'min. Ngayon ay mas bakas ang gulat sa mukha nilang lahat. Unti-unti ang pagkunot ng mga noo nila at sa 'di mapaliwanag na dahilan ay mababakas ang takot sa itsura nila.

Bakit?

"Kunin niyo sila bilis! kung hindi sila madaan sa usapan, saktan niyo." Nakita ko ang mabilis nilang kilos para makakuha ng mga sanga na matutulis. Siguro ito ang mga ginagamit ng mga nangangaso dito . Hindi nagdalawang isip ang isa sakanila na ihampas sa'kin ang kawayan, napahiyaw ako sa sobrang sakit.

"Ateeeee, may d-dugo" hinawakan ni Aby ang likod ko at do'n ko nakita ang napakaraming dugo.

"A-ayos lang ako, wag kang aalis sa tabi ko Aby, please"

"O-oopo ate" lalo siyang napaiyak nang hampasin ulit ako ng isa sa kanila. Sa takot na matamaan si Aby ay isinangga ko ang katawan upang 'di siya matamaan. Ramdam ko ang panghihina at pagbasak ng katawan ko.

"Tamaa na" kilala ko ang boses na 'yon, hindi ko man nakikita ang bulto niya kilalang kilala ko siya. Bago pa tuluyang mawalan ng malay nakita ko si

'Charmie na galit na galit, at walang ano-ano ay sumugod sa mga lalaki.

Tuluyang bumagsak ang katawan ko hindi sa madamong sahig ngunit sa bisig ng kung sino.

"Ateeeee"

-Troy-

"Troy ayos ka lang ba?" nabalik ako sa ulirat dahil sa pagtawag ni Akihiro sa'kin.

"Oo nga Troy, ayos ka lang ba? kanina pa tayo nag-eensayo pero parang wala dito ang isip mo" nakita ko ang pag-aalala sa mukha nila. Si Klester ay may pagtatanong sa mata.

"Ayos lang ako" 

"Tara, let's practice again" yaya ni Pia, alam kong nararamdaman nila ang kakaibang aura ko ngayon, maging ako ay naguguluhan sa nangyayare sa'kin.

"Aaaaaaahhh" pigil ang daing ko sa braso nang maramdaman ko ang hapdi do'n. Nangunot ang noo ng mga kasama ko nang makita nila ang dugo na dumadaloy mula do'n.

"What's happening, Troy!" si Pia ang unang tumugon sa'kin.

"Come with me please" naguguluhan man ay sumunod sila sa'kin.

"Ano bang nangyayare Troy? tell us please"

"Hindi ko rin alam Charmie, may iba akong nararamdaman sa katawan ko. Ramdam ko ang pagkahingal na para bang tumakbo ako nang pagkalayo - layo."

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon