-Shimaira-Mula nang inumin ko ang likido na binigay ni Felyn, hindi ko maiwasang tignan nang tignan ang mukha ko sa salamin. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganitong itsura ang maganda para sa kanila. Pinilit kong ipahinga ang isip ko, kahit na hirap ay ipinikit ko ang mata at natulog.
"Shimaira, nakikita mo ba ang lalaking 'yon? Siya si John, tatandaan mo ang pangalan niya ah?" saad ng isang babaeng malabo ang mukha. Sino siya? Para akong nanunuod sa isang teleserye. Nakikita ko ang kamukha kong bata, habang ang kumakausap sa kaniya ay hindi ko makita, dahil malabo ang mukha nito.
"Mama, bakit ko po kailangan tandaan ang pangalan niya?" Naramdaman ko ang luha sa 'king mata. Mama?
"Siya ang makakasama mo sa pagtanda anak. Gustuhin ko mang-ipaliwanag sa 'yo ngayon, sa tingin ko ay hindi maiintindihan." Malungkot na sabi ng ginang. Tanging ang maganda niyang mata ang nakikita ko, kulay Violet ang mga mata niya.
"Anak, kailangan ka ng buong Magic Kosmos, aalis na muna sila mama. Sana maintindihan mo na gagawin naming ito para sa kalayaan mo anak." Tumayo ang ginang kasabay nang pag-agos ng maraming dugo sa katawan niya. Gulat ang rumihistro nang makita ko kung sino ang gumawa no'n. Si tita Celeste, may hawak siya dagger at ang isang hawak niya ay nakatarak na sa katawan ng ginang.
Nagising ako na hinahabol ang paghinga. Panaginip? Mama? Tita Celeste? Anong ibig sabihin ng panaginip na iyon? Bakit hindi ko makita ang mukha ng tinatawag kong mama? Ako ba ang batang iyon? Sino si John? Ang daming nabuong tanong sa isip ko. Hinawakan ko ang mukha ko na puno na ng luha. Troy John Decroly, hindi kaya siya ang tinutukoy sa panaginip ko? Nahinto lang ako sa pag-iisip nang marahas na buksan ang pinto ng kwarto.
"Kumain ka babae, kailangan mo ng lakas para mamaya." Muntik ko nang makalimutan na mamaya kami susugod sa Panepestimio.
"Iniisip mo na ba ang kakahuntungan ng ating pagsugod?" Tanong niya. Tumingin lang ako sa kaniya, at pilit binabasa ang nasa isip niya. Ngunit gano'n kagaling si Flix sa pagtatago.
"Maghanda kana babae, makakaharap mo na mamaya ang mga kagrupo mo. Hindi nga lang bilang kakampi kundi bilang kalaban. Bagay na bagay sa 'yo ang anyo ng mga Echthros." Nakangiting saad niya.
"Ang itsura niyo ang huli kong pipiliin kung papipiliin ako." Tumawa siya nang malakas.
"Matapang ka pa rin hanggang ngayon babae, tunay na kailangan ka ng mga Echthros, mamaya mo na lang ilabas 'yang tapang mo, kapag kaharap mo na sila." Tinalikuran niya ako. Hinayaan kong maglayag ang isip ko habang hinihintay ang oras ng pagsugod namin.
Bumukas muli ang pinto ng kwarto, si Mang Pedring naman ang siyang pumasok. Palinga-linga siya, na tila tinitignan kung may nakakakita sa kaniya.
"Shimaira," simula niya.
"Bakit po kayo nandito?"
"Mag-iingat ka mamaya, ikukulong nila ako. Nagmadali lang akong pumunta dito para sabihing, ingatan mo ang anak ko Shimaira. Kahit anong mangyari pakiusap. Tumulo ang luha sa mata niya. Mabilis ko siyang nilapitan at pinunasan ang basa niyang mukha.
"Iingatan ko po siya pangako. Babalikan ko po kayo. Mang Pedring lumaban ka po kung anuman ang mangyari. Huwag mong hayaan na matulad sa 'kin ang nag-iisang anak mo." Yumuko siya at pinunasan ang luha.
"Salamat Shimaira." Mabilis siyang kumilos nang makarinig kami ng mga yabag.
Pagkalabas ni mang Pedring, malungkot kong pinanuod ang paglubog ng araw. Sensyales 'yon ng pagkikita naming ng Stalwart, hindi bilang kagrupo kundi bilang isang kalaban. Isang takas na luha ang siya nanggaling sa 'king mata. Malaki ang posibilidad na makita ko ang mga Mageias na tinaboy ako, ano ang magiging reaksyon ko? Ano ang emosyong mabubuhay sa 'kin? Galit? Sakit? O patuloy na pag-intindi.
"Kailangan mo nang lumabas sa kwartong ito, hinihintay ka na nila sa labas," malamig na turan ng tauhan ni Felyn. Mabigat ang loob ko silang sinundan. Habang naglalakad nakikita ko ang imahe ko sa isang napakalaking salamin, mula sa entrada ng lugar na ito.
"Are you ready?" tanong ni Felyn. Hindi ko siya sinagot dahilan para tumawa siya nang malakas.
Nakikita ko ngayon ang hindi mabilang na Echthros sa harapan ko. Kung gano'n, ganito pala karami ang may kagustuhan na maagaw ang Magic Kosmos? Mula sa pwesto ko ay ramdam ko ang bawat mabibigat nilang aura. Kahit hindi ko sila tignan, ramdam ko ang kakaiba nilang presensiya, hindi ko na kailangan pang alamin ang kakayahan nila, dahil ngayon palang ay natatakot na ako sa kaya nilang gawin. Ang pagkahayok sa kapangyarihan ang higit kong nararamdaman mula sa kanila. Lahat sila ay nakahawak ng pana at mga batong ani mo usok na kulay itim.
"Lahat kayo ay pangungunahan nang babaeng ito," turo sa 'kin ni Felyn. "Lahat ng Mageias na haharang sa inyo ay patayin niyo." Sigaw niya. Kita ko ang pag-di-sang-ayon sa kanilang mga mata, pero dahil si Felyn ang nagsabi no'n wala silang choice kundi ang sumunod.
Katabi ko si Flix habang naglalakad kami, hinihiling ko na sana mahaba ang oras ng paglalakad namin. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pa ako handa, hindi ko ata kayang labanan ang grupo ko. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na sinusugatan ko pinagbubuhatan sila ng kamay. Habang naglalakad kami lahat sila ay seryoso, lahat sila ay determinado. Kung titignan sila, parang sigurado na silang makukuha nila ang hangad na kapangyarihan.
"Oras na mapasa 'tin ang Magic Kosmos, mapapatay na natin ang mga Echthros na ayaw natin." 'Eto na naman ang matalas kong pandinig. Naririnig ko ang dalawang Echthros na nag-uusap.
"Tama ka, dahil sabi ni Prinsipe Flix, legal ang pagpatay ng kapwa natin kung mapasa 'tin ang Kosmos." Hinanap ng pandinig ko ang nag-uusap , at nakita ko sila hindi kalayuan sa pwesto ko. Tinapunan ko sila ng masamang tingin.
Kukunin nila ang Magic Kosmos para lang sa halang nilang bituka. Napakadali para sa kanila ang pag-usapan ang patayan, habang ako ay galit ang nararamdaman sa kanila.
"Masyadong malalim ang iniisip mo babae?" ani Flix. Hindi ko siya sinagot at tinutok ang paningin sa daan. Anuman sa salitang lumalabas sa labi niya ay wala akong nagugustuhan. Mas maganda siguro kung mananahimik na lang siya.
"Huwag mo lang kakalimutan ang napagkasunduan natin, magiging maayos ang lahat." Tinalikuran niya ako at sinumulang magbigay ng pwesto sa ibang Echthros.
Papalapit na kami nang papalapit. Pabigat na rin nang pabigat ang nararamdaman ko. Meron sa puso ko na gusting makita si Troy, gusto kong malaman ang lagay niya pati na rin ni Charmie. Kita ko na sa 'di kalayuan ang Panepestimio, mula do'n nasisilayan ko ang seryosong mukha ng mga Mageias. Parang dinamba ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito. Huminto si Flix ganoon na din ang ginawa ko. Mula sa pwesto ko gusto kong tumakbo para yakapin sila, gusto kong tanungin ang nararamdaman nila. Alam kong natatakot ang Stalwart sa kalalabasan ng gulong ito. Sa unang pagkakataon 'ayon ang Vasilissa sa tabi ng dalawa niyang anak. Lalong lumakas ang kabog ng puso ko nang unti-unting lumapit si Troy, kitang -kita ko ang hirap niya sa paglalakad.
"Nasaan si Shimaira?" tanong niya na naging dahilan nang malakas na tawa ni Flix. Gusto ko siyang sipain dahil sa reaksyon niya, pero heto ako at nilalasap ang pakiramdam ng boses ni Troy habang tinatanong iyon.
"Pinatay ko na siya," madiing sagot ni Flix. Gusto kong isigaw na nandito ako, pero alam kong kahit anong gawin ko ay walang mangyayari dahil sa itsura ko.
"SUMAGOT KA, asan si Shimaira?" malakas niyang tanong. Lalong nakakadagdag sa nakakatakot niyang aura ang mga mata niyang naging dark blue. Lumapit sa kaniya si Pia at tinapik ang kaniyang balikat.
"Hinay-hinay ka lang Troy, pinadali lang naming ang sitwasyon mo. Mas magandang hindi mo nakita ang pagkamatay niya, kasi kung nakita mo baka hindi ka na makatayo ngayon." Unti-unting nanghina si Troy, pero nilalabanan niya pa rin ng masamang tingin ang kausap.
"Ilalabas niyo si Shimaira o papatayin ko kayong lahat?" malamig niyang turan. Alam kong nahihirapan siya, tulad ng sabi ni mang Pedring kung wala ako sa tabi niya ay manghihina siya.
"Hindi ako natatakot sa 'yo Troy." Sumenyas si Flix, kasunod ang pagsugod ng mga Echthros.
Doon nag-umpisa ang laban naming mga Mageias at Echthros.
HandIsLove- Hi Loveries, I miss you. Sana patuloy niyo pong basahin ang story na ito. By the way, pwede ko bang sabihing malapit-lapit na itong matapos? Hehe!! Don't forget to vote, comment and share po. Huhu!! Sana may nagbabasa pa talaga. Lovelots.

BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasiaAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...