-Shimaira-
"Troy, Shimaira, pinatatawag tayong lahat sa Centro," ani Pia.
Mabuti at maayos na ang pakiramdam ko, muntik ko nang makalimutan na kasalukuyang nasa Telos kami. Sa dami nang nalaman ko hindi ko alam kung maisisiksik ko pa 'yon sa maliit na kokote ko.
Tanaw mula sa kinatatayuan ko ang dami ng Mageias na nasa Centro. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa ganda ng Gem na nakalagay do'n.
"Bakit tayo nandito?" tanong ni Aki.
"Pinatawag tayo ng Vasilissa, hindi ko alam kung para saan." Sagot ni Pia.
Lahat ng madadaanan ng paningin ko ay nag-uusap. Siguro'y nagtatanong din sila sa kung ano ang mero'n. Ngayon palang ay kinakabahan na ako.
"Mageias," panimula ng Vasilissa sa harap "Alam kong kayo ay naguguluhan sa kung ano ang nangyayare ngayon. Pinatawag ko kayo dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita ng kahit na anong kilos ang mga Echthros. Hindi tayo makakasiguro kung para sa pagsuko ba ito o para sa mas madugong labanan." Kumabog ng matindi ang dibdib ko. Nilibot ng Vasilissa ang paningin niya, dumapo iyon sa grupo namin.
"Kailangan natin masiguro ang kaligtasan ng lahat, kaya naman isasarado natin ang Panepestimio, ang tanging lugar lamang na pananatilihan natin ay ang Centro," saad niya pa.
Malaki ang Centro kaya hindi magiging mahirap sa 'min iyon. Sang-ayon ako sa gagawin nila, mas maganda nga siguro na sarado na ang lahat maliban sa Centro. Sa gano'ng paraan ay maiiwasan ang pagtatago ng mga kalaban.
Tanging sa gate lang ng Panepestimio makakadaan ang Echthros kung ang Centro lang ang bubuksan. Mas gugustuhin kong 'di makatulog sa maayos na higaan kaysa ang matulog na may sobrang pangamba.
"Ang Abet Titan ang siyang magbabatay sa labas ng Panepestimio. Ang Stalwart Titan ang mananatili dito sa Centro. Ngunit, magkakaroon ng pagbabago ang posisyon ng lahat kung may kakaiba na namang mangyayare. Remember Mageias, always be safe." Kitang-kita ko ang takot mula sa nga mata ng Vasilissa. Hindi ko na kukwestiyunin kung para saan ang takot na iyon.
Pagtapos ng pagtitipon na iyon ay nagkaniya-kaniya na muli kami. Nag-umpisang pumuwesto ang Abet Titan na kinabibilangan ni Theena. Naalala ko nang mapagkamalan ako ni Pia na si Theena. Hindi ko maitatanggi na may pagkakahawig nga kami. Halata nga lang sa edad na mas matanda siya sa 'kin.
"Yuki, anong plano natin?" tanong ni Aki.
"Mananatili tayong nakasunod sa plano ng Vasilissa." Lumakad siya palayo sa 'min.
"Bakit ba parang walang plano si Yuki sa 'tin?" Naiinis na tanong ni Aki.
"Siya ang leader natin Aki, magtiwala ka lang sa kaniya." Hinawakan ko ang balikat niya upang pakalmahin.
Hindi ko alam kung bakit mero'n sa puso ko na nagsasabing magtiwala sa kilos ni Yuki. Sa mga mata niya makikita mo na kaligtasan ng lahat ang nais niya. Kasalukuyang kausap niya si Magister Kang, habang kami ay nagmamasid sa lugar.
Unti-unting dumilim ang paligid dahil sa pagbaba ng mga harang sa lugar. Isang malaking hugis pakpak ang nagsisilbibg harang sa bawat kanto ng Panepestimio. Bawat building ay iba't ibang kulay na harang kaya malalaman mo kung saan nakap'westo ang kwarto niyo.
Ako nalang ata ang namamangha sa lahat ng nangyayare, sa kanila ay parang natural nalang ang lahat. Bagamat nando'n ang takot at pangamba, makikita naman ang kagustuhang lumaban hanggang kamatayan.
"Charmie, Pia at Shimaira magpahinga na muna kayo." ani Troy.
"Ayos lang hindi pa ako nakakaramdam ng pagod," sagot ni Pia. Sang-ayon ako sa kaniya. Maging ako ay hindi maramdaman iyon.
BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...