Chapter 27

42 18 1
                                    

-Shimaira-

Kasalukuyan kaming nakikinig sa sinasabi ni Magister Kang. Simula nang maganap ang pagsugod ng mga naka-itim na 'yon ay hindi na nawala ang pangamba ng nakararami.

"Hindi natin alam kung paanong nakapasok sila sa Panepestimio ng gano'n kadali," ramdam ko ang pag-aalala sa boses ni Magister, pilit niya mang-itago iyon ay 'di siya nagwagi.

"Hanggang ngayon ay matalino pa rin sila kumilos, hindi pa rin natin sila mabasa-basa sa kilos na gagawin nila," lahat kami ay napabuntong hininga sa katotohanan nang sinabi niya.

"Yuki, mula nang makabalik kayo galing sa Bungad ay naging tahimik ka na."

"Pansin ko rin 'yon Pia." Sang-ayon ako sa kanilang dalawa.

"Hayaan niyo akong mag-isip," maikling turan niya.

"Kagrupo mo kami Yuki, marapat lang na alam namin ang susunod nating kilos," may bahid ng inis ang boses ni Aki.

"P'wede ba? Kahit ngayon lang ay magtiwala naman kayo sa 'kin," gano'n nalang kaemosyonal na sinabi 'yon ni Yuki.

"Hindi niyo alam kung gaano ko kagustong siguraduhin na ligtas kayo." Nagulat ako dahil sa luhang pumatak mula sa mata niya. Gusto ko siyang lapitan.

"Kung iniisip niyo na parang wala lang sa 'kin ang lahat, nagkakamali kayo. Gusto ko lang na ang susunod na hakbang ko ay magiging maayos." tuloy pa rin sa pag-agos ng mga luha niya.

"Alam kong kinukwestiyon niyo na ang posisyon ko, mas okay na sa 'kin 'yon kaysa mabawasan tayo dahil sa maling desisyon ko." Natahimik kaming lahat, tela isang pampamulat ng mata ang mga salita ni Yuki.

Aamin ko na maging ako ay nag-alangan sa gagawin niya. Ngunit heto siya't nakikiusap na magtiwala kami sa kaniya.

"Pasensiya ka na Yuki, natatakot lang kami." Paumanhin ni Charmie. Si Aki ay hindi makatingin ng maayos kay Yuki.

"Ngayon ko lang napagtanto na tama si Shimaira, natatakot din ako pero wala akong ibang magagawa kundi maging matatag dahil natatakot din kayo." do'n na bumagsak ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Ramdam ko ang hirap ni Yuki sa kalagayan niya.

Sa kaniya nakaatas ang pinakamabigat na posiyon, sa kaniya mababaling ang sisi kung may magkamali ng kilos ang isa man sa 'min.

"Kahit ngayon lang pagkatiwalaan niyo ko. Kahit ngayon lang hayaan niyong patunayan ko na deserving ako sa posisyong 'to." tumalikod siya sa 'min at naglakad papalayo.

Hindi ako nagdalawang-isip na habulin siya. Pinigilan ako ni Klester pero hindi 'yon dahilan para huminto ako.

"She needs us, she's the leader and we are the members. Let's show her our trust." mabilis kong hinabol ang bulto niya.

Ramdam ko ang sakit sa bawat binitawan niyang salita. Alam kong nahihirapan siya, walang oras na hindi ko nakikita ang pagtatanong niya sa mga Mageias kung ayos lang ba sila. Ngayon ko mas lalong iniisip kung bakit gano'n ang naging pakikitungo niya sa 'kin no'ng una, may malalim ba siyang rason?

"Yuki!" tawag ko sa kaniya.

Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang pag-iyak niya. Para siyang bata na gustong magsumbong sa magulang. Hindi ko napigilan ang sarili na yakapin siya.

"Bakit nandito ka?" tanong niya.

"Para sa 'yo,"

"Umalis ka na." Utos niya.

"Kahit ilang beses mo pa akong paalisin hindi ako aalis, gusto kong damayan ka,"

"Bakit ba sa lahat ng ginawa ko sa 'yo ganiyan ka pa rin? Dapat hindi mo ako nilalapitan, dapat hindi mo ako kinakausap dahil masama ako sa 'yo." Pilit niya akong nilalayo sa kaniya.

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon