-Shimaira-
Pinipilit kong wag lingunin ang nangyayare mula sa likod ko. Mero'n sa loob ko ayaw suwayin ang gusto ni Troy. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang katahimikan, kinabahan ako kasi maging presensiya ni Troy ay 'di ko ramdam.
Hindi ko na napigilan na lingunin sila. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba nang wala akong nalingunang Mageias. Wala din si Troy, sobra-sobra ang pag-aalala ko na baka may masamang nangyare sa kaniya.
Binalikan ko ng tingin si Yuki na nakihiga pa rin sa maayos na pwesto. Ngunit, ang isip ko ay patuloy hinahanap si Troy, saan siya napunta? Anong nangyare sa kaniya?
Minabuti kong lapatan muna ng lunas si Yuki, inaasahan ko na hindi siya mag kakamalay agad, masyadong napagod ang katawan niya. Pagtapos kay Yuki ay tumayo na ako.
Mabagal kong binaybay ang lugar, nagmamasid at nakikiramdam "Troy?" lalong nadadagdagan ang kaba ko dahil walamg sumagot. "Troy?" ngunit wala pa rin.
Gano'n nalang ang gulat ko nang pagharap ko sa direksyon ni Yuki ay nando'n si Troy. Sumilay ang maliit na ngiti sa'kin, knowing that he's safe.
"I told you not to look" hindi ko alam, kung sa paanong paraan ko ipapaliwanag ang naramdaman kong kaba kanina.
"Saan ka ba kasi galing? Bakit bigla ka nalang nawala?" pero imbis na sagutin ako ay kumunot lang ang noo niya.
"Shimaira, I told you not to look. Sinuway mo na nga 'yon, naglakad ka pa. Paano kung bumalik sila?" bakit ako pa rin ang iniisip niya, gayong buhay niya ang nasa panganib kanina.
"Syempre nag-alala ako" naibulalas ko rin ang gustong sabihin. "Hindi ko narinig ang boses niyo o kahit anong ingay, malay ko ba kung napaano ka na" nakayuko kong saad.
"I'm okay, as long as you are okay" hindi ko na maisatinig pa ang gusto kong sabihin. I'm speechless. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? "Let's go back" do'n lang bumalik ang ulirat ko nang magsalita siyang muli.
Nakapasan sa kaniya si Yuki dahil hanggang ngayon ay wala itong malay. Hindi ko maiwasang tignan siya habang naglalakad, maging sa gano'ng sitwasyon ay malakas ang dating niya. Sumisigaw ang kakayahan.
"Tumingin ka sa daan Shimaira, baka madapa ka" gano'n nalang kalambing ang pagsasabi niya no'n. Para sa'kin lang ba o gano'n talaga ang paraan niya nang pagsabi no'n?
Kahit sinabihan niya na ako, hindi ko pa rin maiwasan na panuorin siya sa paglalakad. Hindi mo kakakitaan ng pagod ang bawat hakbang niya, tila gano'n lang para sa kaniya kagaan si Yuki.
"Troy, bakit ka nawala kanina?" bumuntong hininga siya.
"I need to clean up their dirts, ayokong makita mo na akong gumawa no'n sa kanila kaya nilinis ko na agad." 'ayon na naman ang puso ko sa mabilis na tibok. Ano ba?
Katulad nang paglalakad namin kanina na Yuki, medyo matagal at nakakapagod. Malayo ang distansya ng bukana hanggang Panepestimio, kaya gano'n nalang ang paghanga ko kay Troy. Parang hindi siya napapagod sa paglalakad kahit may pasan siya.
"Are you tired?" bakit ba feeling ko sa pinakamalmbing niyang paraan sinasabi ang mga salita? Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Grabe ganito kalayo ang nilalakad nila Klester at Aki tuwing magpupunta sila sa bukana? Ito palang ang unang beses gawin ang ginagawa nila, pero ramdam na ramdam ko na ang pagod at uhaw. Ibinaba ni Troy si Yuki at isinandal sa malaking puno.
"Wait me here" gano'n kabilis ko nalang nahigit ang laylayan ng suot niya.
"Where are you going?"
BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...