Chapter 8

179 121 7
                                    

-Shimaira-

Naghanda na kaming lahat, dahil magsisimula na ang group war.

"Tara na at pumunta tayo sa 'ting mga kagrupo," sabi ni Yuki. Napatingin sa 'kin ang iba namin kasama pero yumuko nalang ako.

"Goodluck guys," huling sabi ko bago ko sila talikuran. Bago pa man ako makalayo ay may humatak sa 'king kamay at....

Niyakap ako?

Gulat akong napatingin sa kaniya

"Goodluck Shimaira, magiging okay din ang lahat," malambing ang boses niya na talagang nakapag pakilabot ng buong sistema ko, ang bilis ng kabog ng puso ko.

"S-salamat T-troy," 'yon lang ang nasabi ko, at tumalikod na siya, gano'n din ako. Na sa 'kin lahat ng mata maging ang babaeng nasa unahan at nagsalita kanina. Habang nakatingin ako sa mata niya ay nanghihina ako. Parang pamilyar ang pakiramdam na 'to sa 'kin.

"Shimaira handa kana ba?" tanong sa 'kin ng isa sa magiging kagrupo ko.

"Oo, handa na ako. Goodluck Mageias," 'yon lang ang sabi ko sa kanila pagtapos ay naghanda na kami. Hinihintay nalang namin ang signal na sasabihin ng mga pinuno.

Nakita ko ang grupo nila Charmie at nila Troy. Handang handa na sila. Gano'n din ang ibang Titans na dumating kanina. 

"Now is the time. tria,dyo,enas Mageias group war is now open.kalí týchi," pinal na sabi ng babae sa harapan kasabay no'n ang pag-angat ng inuupuan niya, at mapunta sa loob ng salaming kwarto kung saan mas ligtas sila. (tria,dyo, enas means three, two, one and kalí týchi)

Mas kinabahan ako nang makita ko ang mga mata ng Mageias, tila may galit na matagal ng nakatago. Napatingin ako kala Yuki, pero katulad ng iba gano'n din ang ekspreyon niya. Habang sila Akihiro ay nananatiling seryoso.

Kung ang itsura lang ng war zone ang titignan, hindi mo iisipin na madugong labanan ang mero'n dito. Lumulutang ang iba't ibang armas, tulad sa practice hall. Ang mga upuan ay ginto ang kulay, may mga nakalagay na pangalan do'n, tila isinulat gamit ang apoy. Nakita ko ang kinalalagyan ng Symvolo. Nasa pinakadulong bahagi 'yon, pinalulutang ng ibon na kulay dilaw. May mga paru-paro sa bawat gilid no'n. Tila ba iniingat nila ang bagay.

Gulat akong napatingin nang may tumalsik na isang Mageias mula sa grupo ko. Natigil ako sa pagmamasid. Gusto kong sisisihin ang sarili, dahil nagawa ko pa talagang tignan ang paligid.

"Aaaahhhhhh!" sigaw nito habang namimilipit. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Sa tuwing maaalala ko ang ginawa sa 'kin ni Troy ay tila lumalakas ang loob ko.

Lumapit ako sa sugatang Mageias at ginawa ko ang lahat para magamot sila. Mahirap, pero nakakatuwang nagagawa ko. Maraming nakatumba, hindi lang grupo namin kundi sa grupo din nila Akhiro at Yuki. Nakikita kong nahihirapan din sila.

Nagulat ako dahil nakita kong papalapit sa 'min ang isang Titan at nanlilisik ang mata niya. Itinaas niya ang kaniyang kamay kasabay ng pag taas ng isa sa Mageias na kagrupo ko. Sinusubukan siyang pahintuin ng ibang kasama namin, ngunit napakalakas niya.

Ihuhulog niya na sana ang kagrupo ko, ngunit mabilis akong tumakbo para masalo 'to, sa taas ng pinanggalingan niya ay malakas ang pagkabagsak niya sa katawan ko.

Napasigaw ako sa sakit na naramdaman ko, tila may nabali sa 'king buto. "Ayos ka lang ba?" paninigurado ko kung ayos lang ba ang kagrupo ko. Hindi siya makasagot at bakas pa rin ang gulat sa kaniyang mukha. "A-ayos k-kalang b-ba?" utal kong tanong sa kaniya. Ramdam ko ang sakit sa 'king katawan, pero determinado pa rin akong mang-gamot at lumaban.

"Shimaira ayos ka lang ba?" tanong sa 'kin ng isa kong kagrupo. Gustuhin ko mang sumagot ay hindi ko magawa, dahil napakasakit ng katawan ko. Kaya pagtango nalang ang naitugon ko.

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon