Chapter 26

33 20 5
                                    

-Shimaira-

"Spill it out," saad ni Magister, kasabay ng pagharap niya sa 'kin.

"Magister, please help me to understand everything," mas lalong nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"You mean about Magic Kosmos?" She asked.

"Yes Magister"

"You really want to know hah?" Tumango ako. " Dating magkasanib ang dugong itim at Mageias, nagsimula lang ang sigalot no'ng may nagtangkang kuhanin ang Gen na nasa Centro," pilit kong iniintindi ang mga sinasabi niya. Tinuon ko ng husto ang sarili ko sa pakikinig.

"Ang Gen na 'yon ang simbolo ng Elements o Spells ng Mageias kung makukuha nila ang Gem malaking problema ang kakaharapin natin. Dahil, kapag nagawa nila 'yon magagawa nila ang lahat ng gusto nila. Hanggat nandito sa Panepestimio ang mga Elements o Spells kaya natin silang talunin." Seryoso at makikita ang takot sa mata ni Magister. Sadyang magaling lang siyang magtago ng emosyon.

"Kung gano'n po, bakit naghahanda pa?" Hindi ko gustong kuwestiyonin ang ginagawa namin, gusto ko lang maintindihan ng husto.

"Dahil matalino ang kalaban, gumagawa sila ng paraan para lang makuha ang Gem. Kayang-kaya nila tayong patayin dahil item na salamangka ang mero'n sila. Ang tanging magagawa lang ng Gem ay proteksyonan tayo sa ngayon, hindi nito kayang tapusin ang kalaban. Maliban na lang...." Sandali siyang huminto at makahulugang tumingin sa 'kin.

"Maliban na lang kung may makakapagbukas ng lahat ng Elements mula sa Gem. Nakakaoungkot isipin na hindi natin alam kung sino. Hindi tayo sigurado," saad niya.

"Sa tingin niyo po Magister sino ang may kakayahang makapagbukas no'n?" Sasagot na sana si Magister nang biglang may sumigaw galing sa labas.

Mabilis kaming nagtungo sa pinagmulan ng boses na 'yon. Gano'n na lang ang kaba ko nang makita namin na nagkakagulo na sa labas.

Mula sa puwesto ko, kitang-kita na nakikipang buno sila Pia at Charmie. Nakasuot ng itim  ang mga kalaban maging ang Gem sa kanilang dibdib ay itim din.

Mabilis ang kilos ni Magister, hindi ko nanalayan na isa na rin siya sa lumalaban. Dahil sa takot na may masaktan o may masugatan ng malubha, lumapit ako sa lahat ng may iniinda. May kung ano na nagtutulak sa 'kin na labanan ang kung sinuman ang magtangkang saktan kami.

Habang ginagamot ang mga nasugatan ay nilibot ko ang paningin, si Yuki ay ginagamit ang kapangyarihan niya uoang paliyabin ang daraanan ng kalaban. Madami na rin ang napatumba niya, karamihan ay sunog ang katawan.

Si Klester ay panay ang sigaw ng mga susunod na kilos ng kalaban, dahil sa kaniya ay napapadali na basahin at depensahan ang itim na salamangka. Hindi lang pagbabasa ng kilos ay ginagawa ni Klester, maging ang mga kamay niya ay kumikilos upang patumbahin ang iba.

Hinanap ng mata ko ang isang bulto, gusto kong siguraduhin na maayos lang siya. Sinuyod ko na ng tingin ang buong Centro pero hindi ko siya nakita. Binilisan ko ang pag gamot sa iba at tumakbo palabas ng lugar. Laking pasalamat ko nang makita ang hinahanap.

Siya ang may pinakamabilis at pinakamadaming napapatumba gamit ang kakayahan niya. Habang hawak niya sa kabilang kamay niya ang isang kalaban ang paningin niya ay tila mah hinahanap. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya. Hindi maipagkakaila sa kakayahan niya na siya ang Fonias. Mag-iingat ka Troy,please .

Gusto ko siyang lapitan, pero bago mangyare 'yon ay nag tagpo na ang paningin namin. Gusto kong lapitan siya dahil sa dugong dunadaloy mula sa braso niya. Pero, isang senyas niya lang na wag ay 'di na ako makakilos.

Napaigtad ako dahil sa katawan ng kalaban na bunalandra sa harap ko.

"Be careful Shimaira," malakas na sigaw ni Troy bago tumakbo para sugudin ang isang kalaban.

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon