-Shimaira-
Maaga akong nagising at tulad ng parati kong ginagawa pinag luto ko na sila ng makakain nila. At saka ako dumiretso sa practice hall.
Ito na ang huling araw na maaari akong magkapag-ensayo. Bukas na ang group war, group war na wala ako miski isang kagrupo na makakasama. Puro sugat man ang aking katawan ay pinilit kong kayanin.
"What the heck are you doing Shimaira?" nagulat ako sa pag dating ng mga kasama ko. Mabilis kong itinago ang aking kamay na may sugat.
"I'm asking you Maira, what are you doing? bakit sinusugatan mo ang kamay mo?" parang naiinis na may pag-aalala sa mata ni Pia habang tinatanong niya ako.
"Wala to," hindi ko alam kung tama ba ang naisagot ko
"Anong wala? look ang dami ng dugo sa sahig tapos wala lang? 'tsaka bakit hindi naghihilom ang sugat mo" lumapit na siya sa 'kin para tignan ang braso ko.
"Maira? bakit hindi humuhupa ang dugo?" si Charmie naman ang nag tanong.
"Kasi hindi ko pinahuhupa, nag-eensayo lang naman ako. Wag kayong mag-alala." Alam kong hindi sila naniniwala pero mas pinili nilang manahimik nalang.
Gano'n nalang ang gulat namin nang lumapit sa 'kin si Troy, "Magpahinga ka," seryosong sabi niya.
"O-okay lang ako Troy," sagot ko.
"Please, magpahinga ka." Hinawakan niya ang dumudugo kong sugat. Napatingin ako kala Pia, tanging kibit balikat lang ang ginawa nila.
Ramdam ko man ang sakit ng bawat sugat na mero'n ako, pero hindi ko magawang indahin dahil narito sila.
Akala ko ay hanggang do'n lang ang gagawin ni Troy, pero hinatid niya pa ako sa upuan na malapit sa p'westo namin.
"Thank you Troy," tango lang ang sinagot niya, ang mga mata ng kasama namin ay nasamin ni Troy ang tingin.
Napayuko ako dahil sa ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Dahil ba sa hiya o dahil sa epekto ni Troy.
"Bukas na ang group war, naeexcite akong makitang mawalan ng buhay ang mga hindi nararapat mabuhay," nagulat ako sa sinabi ni Yuki.
"Ano bang sinasabi mo Yuki?" Tanong ni Klester
"Sinasabi ko ang pwedeng mangyare Klester," sagot niya
"kaya nga nandiyan si Maira para hindi mangyare 'yon," nagulat ako dahil nakisali sa usapan si Akihiro. Hindi tulad ng madalas niyang emosyon ang mero'n siya ngayon, napakaseryoso niya, walang halong pagiging sarkastiko.
"'Yon ay kung kaya niya," hindi ko alam kung saan nang gagaling ang galit o inis niya sa 'kin. Pero alam kong malalim ang pinaghuhugutan niya nito.
Tumingin ako kala Troy, nakita kong nakatingin rin siya sa 'kin ngunit bigla ring umiwas tingin.
" 'Wag kang mag-alala Yuki, gagawin ko ang lahat para mailigtas sila," lakas loob kong sabi.
"Mabuti naman kung gano'n, pero bukas pa natin malalaman kung kaya mo nga ba talaga," tumalikod na siya at nagsimulang mag-ensayo.
Sinimulan ko na rin gawin ang ginagawa nila. Kaso ako ay nag-eensayo habang naka-upo. Tanging pag bukas sara ng isip ko ang ensayong nagagawa. Kaniya-kaniya kami, makikita mo ang determinasyon sa mga kasama ko. Kaya mas nakaramdam ako ng hiya, ako lang ata ang ganito ang pag-iisip.
Ngayon nakikita ko ang lakas nila. Nakikita ko ang kakayahan nila. Ano ang mangyayare bukas? Anong magagawa ko?"Tara na, pumunta na tayo sa Domatio," yaya ni Klester, hindi namin namalayan ang takbo ng oras. Nagmadali kaming makarating sa Domatio, nakita namin si Magister Kang na naghihintay sa 'min.
BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...