-Shimaira-
"Shimaira tama?" tanong sa'kin ng isang matandang lalaki na hindi ko kilala.
"Opo" iba ang presensiya na nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko mawari kung kalaban ko ba o hindi.
"Wag kang mag-alala Hija, nasa pareho tayong kalagayan" tinignan ko ang tindig niya.
"Ano pong ibig ninyong sabihin?"
"Tulad mo, ipinatapon rin ako dito ng Vasilissa" mas lalo akong naguluhan, matanda na siya at imposibleng galing siya sa Magical Panepestimio.
"Nagkakamali ka ng iniisip, hindi ako galing sa eskwelahang pinang galingan mo, galing ako sa lugar kung saan namumuno ang Vasilissa" namumulot siya ng mga punong kahoy habang nagkukwento, ako naman ay nagmamasid dahil ramdam ko ang presensiya ng kung sino.
"Kung gano'n po, hindi lang ang Panepestimio ang pinamamahalaan niya?"
"Bakit tila kakaunti lamang ang kaalaman mo sa Magic Kosmos Hija? hindi ba't isa kang Mageias?" napayuko ako sa katotohanang hindi lang siya ang kumuwestyon sa pagkakakilanlan ko, bilang isang mamamayan na may kapangyarihan. "wala ka bang magulang na nagkukwento at nangangaral sa'yo patungkol sa ating kasaysayan?" pag-iling lang ang maisagot ko. "Nasaan sila kung gano'n?"
"Wala na po sila,bata pa lang po ako ay hindi ko na sila kasama" pinigilan ko ang pagtulo ng luha dahil ayokong makita ng sinuman ang kahinaan ko, lalo na ngayon na hindi ko alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan sa lugar na 'to.
"Malaya kang makakapag kwento sa'kin" nakangiti niyang turan. " Alam kong wala kang matutuluyan sa lugar na 'to, pwede kang sumama sa'kin sa aming tirahan" gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko na rin magagawa, dahil wala talaga akong alam sa lugar na 'to.
"Sige po, pasensiya na po kung makakaabala pa ako"
"Wala 'yon Hija, minsan na akong nasa sitwasyon mo. Naiintindihan ko ang kalagayan mo ngayon. Mamaya ay mag kwento ka sa'kin, sa ngayon mangunguha muna ako ng panggatong"
"Tutulungan ko na po kayo." tumango siya at nanguna sa paglalakad. Pinakikiramdaman ko pa rin ang galaw ng matanda. Hindi ako makaramdam ng ano mang panganib ngunit, 'di mapalagay ang sarili ko.
"Mahirap mag tiwala sa mundong hindi natin kinasanayan, maniwala ka sa'kin Hija naiintindihan kita. Aralin mo na hindi mabasa ng iba ang isipan mo, diyan ka mapapahamak" napahinto ako sa paglalakad, nababasa niya ang isipan ko? alam kong naturuan na ako ni Klester sa bagay na 'to pero, bakit hindi ko magawa ang mga tinuro niya ngayon? "Hija kapag magulo ang isipan mo hindi mo mapapansin na nakabukas na ang isipan mo sa iba, kailangan mong mapag-aralan pa 'yon. Malapit na tayo sa bahay" napatingin ako sa tinuro niya. Nakita ko ang lampara lang na ilaw mula ro'n.
"Ano ho pala ang ngalan niyo?" huminto siya para lingunin ako.
"Ako si Pedring," inilahad niya ang kamay niya, medyo nagulat pa ako sa ginawa niya, ngunit nagmadali ako abutin ang kamay na nilahad niya. Baka isipin niya na mababa ang tingin ko sa kaniya.
"Magandang pangalan po" nginitian ko siya at gulat akong may tumatakbong bata mula sa harapan namin.
"Tatay" sigaw nito, hindi ko mapangalanan ang awa na nararamdam ko dahil sa lagay ng bata. Sira sira ang suot nito at tila may benta ba sa kaniyang mga kamay. Imbis na si Mang Pedring ang sumalubong sa kaniya ay tumakbo ako upang dulugan siya.
"Hi, ako si ate Shimaira maaari ko bang makita ang sugat diyan sa kamay mo?" tumingin siya sa ama at tumango naman si mang Pedring. Nakita ko na mukhang bago palang ang sugat na 'yon.
"Woooow!" napangiti ako nang makita ko ang pagkamanghang sa mukha ng bata.
"Pumasok ka muna anak" utos ng matanda. "Shimaira,Hija tulad mo ay wala pang masyadong kaalaman ang anak ko sa ganitong bagay, ang alam niya ay isa siyang ordinayong bata." malungkot na turan nito.
BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...