Chapter 16

118 69 6
                                    

-Shimaira-

Masaya akong nakasama ko sila, sa ilang araw kong pananatili dito. Sa huling pagkakataon, I bid my goodbye to them.

Habang nasa byahe, minabuti ko ang magpahinga. Ramdam ko ang pagod sa katawan ko, naeexcite akong makabalik sa Panepestimio. Sana maging maayos ang lahat. Kada iisipin ko ang bukas, malakas na kumakabog ang dibdib ko. Bukas ang unang araw na susubok ako sa labanan.

Nasanay ako sa ordinaryong pamumuhay, dapat dalawang taon pa, bago ako sumubok sa ganito. Kaso, dahil nga sa minadali nila ako, mapapaaga ang exprience ko.

Kung kasama ko kaya sila mommy, ganito pa rin ang tadhana ko?

Sa malalim na pag-iisip, sumagi bigla ang imahe ni Troy sa isip ko. Imbis na tanungin, nilasap ko nalang ang kakaibang pakiramdam na 'yon.

"Kyria, nandito na po tayo"

"Salamat" muli ko na namang natanaw ang labas ng eskwelahan namin. Kahit sa ikalawang pagkakataon, hindi ako binigo ng kagandahan nito. Ang nga bulaklak, ay unti-unting sumasara mula sa pamunukadkad. Ang mga nagliliparang paru-paro ay unti-unting nagwawalaan. Ayoko na sanang pansinin ang nga kakaibang, pangyayare kaso nangmakita ko ang, unti unting pagtaas ng bawat bakuran ay kinabahan na ako. Tila pinoprotektahan nito ang buong Panepestimio.

May mga ibong kulay pula at itim ang nakapaligid, maging ang mga gwardiya ay nakapalibot din. Binilisan ko ang paglalakad, imbis na sa kwarto namin, dumiretso ako sa office ni Madame Carmen. Gusto ko lang ipabatid na nakabalik na ako. Sa pagbukas ko ng pinto, may bisig na agad ang yumakap sa'kin.

"Nakabalik ka,"

"Opo, Madame" kay sarap sa pakiramdam ng mga yakap niya. "Tumungo kana sa silid niyo, hinihintay kana ng nga kagrupo mo"

"Opo" habang naglalakad ay naglalayag pa rin ang isip ko. Maaari kayang, dahil sa Telos kaya nag gano'n ang buong Panepestimio. Pagbukas ko sa pinto ng aming silid, bumungad sa'kin ang mga kagrupo ko, busy sa pag-uusap.

"Shimaira" namiss ko ang magandang ngiti ni Pia,

"Nakabalik ka" nakangiting sabi ni Troy.

"Nangako ako" niyakap ako ni Charmie at Pia. Mas mahigpit na yakap ang itinugon ko. Miss na miss ko sila.

Gusto kong magkwento sa kanila, pero hindi ko alam kung handa ba silang makinig.

"Kamusta?" bago pa.man ako makasagot sa tanong ni Aki, nakita kong tumayo si Yuki, at pumasok sa kwarto niya.

"Ayos naman ako, kahit papaano ay may natutunan ako hehe"

"Nice, namiss ka namin Shimaira"

"Namiss ko rin kayo" tumingin ako sa gawi ni Troy, at agad din nag-iwas tingin.

Kinagabihan ay nabulabog kami, biglang may nagbukas ng pinto namin. Kakain na sana kami, kaso naudlot.

"Nandito ka na naman Theena" pasiring sabi ni Aki.

"Kain ka," alok ko sa kaniya.

"Ohh, kompleto na pala kayo." sa'kin niya pinanatili ang tingin niya. "Nakabalik ka na pala, kamusta ang pakiramdam mapatapon sa lugar ng nga dugong itim?" naguguluhan ako sa inaakto niya.

"Theena, tama na" iba ang naging epekto sa'kin ng pagsuway na 'yon ni Yuki.

"Okay, by the way, thank you sa pagligtas sa'kin Therapeftis hahahaha" bakit imbis na matuwa ako sa pagpapasalamat niya, kinilabutan ako. May kakaibang epekto ang salita niya. "Ay, oo nga pala di niyo alam, ako pala 'yong niligtas niya isa Hahaha, bye" tuluyan niya na kaming tinalikuran. Ano bang problema no'n?

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon