Chapter 6

199 124 8
                                    

-Shimaira-

Pagkamulat ng mata ko ay bahagyang nakaramdam ako ng kirot sa 'king tagiliran.

"Mabuti naman at gising ka na," bumungad sa 'kin ang magandang ngiti ni Nurse Cecile.

"Hello po nurse Cecile, bakit po ako nandito?" bahagyang lumaki ang mata niya na tila ba nagulat.

"Kung gano'n hindi mo alam ang nangyare sa 'yo kagabi?"

"Hindi ko po maalala, pasensya na po."

"Bakit ka nanghihingi ng paumanhin? Ayos lang Shimaira, ang nais ko ay hindi ka na bumalik dito ulit."

Nagulat ako sa sinabi niya, naiinis na siguro siya sa 'kin dahil sa paulit-ulit kong pagbabalik. Napapagod na marahil siya.

"'Wag mong masamain ang sinabi ko, ayoko lang na bumabalik ka dito upang magpagamot. Ginagawa mo ng bahay ang clinic Shimaira," natatawang sabi niya, hindi pa rin ako maka-imik dahil sa kawalan ng sasabihin.

"May kwarto ka naman at mas masarap magpahinga do'n, ayokong nakikita kang nakahiga sa kamang iyan ng walang malay."

"Pasensya na po nurse."

"Ayos lang Shimaira, mag-iingat ka palagi at magpalakas. Gusto kong mapanuod kang lumaban," do'n tinapos ni nurse ang lintanya niya, tumalikod at pumasok sa isang kwarto.

Minabuti ko nang tumayo, nag-iwan nalang ako ng note sa lamesa para kay nurse. Babalik na ako sa kwarto na'min, gusto ko rin na do'n magpahinga.

Habang naglalakad pabalik sa sarili naming kwarto inaalala ko ang nagyare ngunit hindi ko magawa. Kaya nakarating ako na malalim ang iniisip. Pagpasok ko sa aking kwarto napatingin ako sa orasan, late na pala masyado, nakakahiya naman kay nurse dahil ang alam sa ganitong oras ay sarado na ang clinic. Ramdam ko ang pagod sa 'king katawan kaya mabilis akong nakatulog.

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko, pero hindi ko mawari kung ano ang pinag-uusapan nila. Pagtingin ko sa oras ay maaga pa. Kaya hindi na ako nagulat nang makita ko na wala pang gising sa kasama ko. Minabuti kong mag-asikaso ng sarili kesa bumalik sa tulog, 'tsaka ako nagluto ng makakain namin at naglinis ng aming kwarto. Pag tapos ng lahat ay dumiretso ako sa practice hall.

Bukas na ang huling araw na maaari akong mag-ensayo dahil sa makalawa ay group war na. Hindi ko maitatangging nakakaramdam ako ng takot at kaba.

May presensya akong nararamdam habang nag-eensayo, kaya lumingon-lingon ako upang hanapin 'yon. Nakita ko ang pag tatago ng isang Mageias sa likod ng poste ng practice hall.

"Bakit ka nagtatago diyan?" tanong ko sa kaniya na ikinagulat niya.

"Dahil bawal ako sa lugar na 'to," sagot niya habang nakatago pa rin.

"Bakit naman bawal?"

"Dahil kayo lang ng team mo ang maaaring umapak dito." Nilapitan ko siya upang makita ko ang kabuohan niya.

"Napakaganda mo, ang ganiyang ganda ay masarap ipakita kesa itago," turan ko na mas ikinagulat niya, "bakit hindi ka sumasagot?" tanong ko ngunit hindi pa rin siya umiimik.

"Bakit nga ba sinabi mong hindi ka pwede sa lugar na 'to?" tanong ko ulit.

"Dahil bawal, 'yan lang ang alam ko." Nakayukong sabi niya, itinaas ko ang ulo niya at muling tinignan ang magaganda niyang mata.

"May batas ba sa paaralan na 'to, na nagsasabing bawal ang tulad niyo sa practice hall?" mahinang tanong ko na dahilan upang tumingin siya sa 'kin.

"Wala po."

"Wala naman pala, halika. Hanggat wala kang batas na nilalabag at wala kang taong nasasaktan, gawin mo ang gusto mo," sabi ko habang pinapahawak sa kaniya ang iba't -ibang gamit sa lugar na ito.

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon