Chapter 37

20 2 0
                                    

-Shimaira-

"Nakita namin si Magister Kang at Madame Carmen na nakagapos kanina." Seryosong turan ni Charmie. Mabuti nalang may malay na siya.

"Paanong nangyari iyon? Imposibleng hindi natin makita ang dumukot sa kanila, dahil protektado tayo ng spell ng Vasilissa." Tugon ni Pia.

"Hanggang ngayon, isa lang ang naiisip ko. Nasa loob ng Panepestimio ang traydor." Nanlilisik ang mata ni Yuki. Lumapit ako sa pwesto kung nasan si Troy. Kasalukuyan siyang nagpapahinga, kasama ang ibang Mageias.

"Shimaira, kailangan mo ring magpahinga." Baling sa 'kin ni nurse Cecile.

"Ayos lang po ako,"

"Maaaring ngayon ay ayos ka, pero sa mga susunod na oras ay mahihirapan ka na. Masyadong malakas ang black spell na ginagamit ng Echthros." Kahit gano'n pa ang sinabi niya, hindi ako nakaramdam ng takot.

"Ano ang susunod nating hakbang?" Tanong ni Klester. Kapwa kami mga balisa, dahil sa isiping hindi namin nahuli si Flix.

"Hintayin natin magising ang nga nakakataas." Maikling sagot ni Yuki.

Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang sinabi niya kanina. Natutuwa ako nang malaman na namiss rin nila ako.

"'Yong anak ni mang Pedring, si Aby asan siya?" Tanong ko.

"Nagpapahinga, binantayan ni Charmie kanina at panay daw ang iyak. Hinahanap niya ang tatay niya." Kumirot ang puso ko dahil sa nalaman. Ngayon ko naisip kung kamusta na kaya si mang Pedring?

"Maaari ko ba siyang makita?"

"Nasa kwarto sa kabila." Agad kong pinuntahan si Aby. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog. Hinaplos ko ang maamo niyang mukha. Napakaganda niya bata, mapilantik ang mga pilik mata at napakaganda ng kulay ng balat. Naramdaman niya ata na may humahawak sa mukha niya, kaya unti-unti niyang minulat ang mata.

"Ate Maira?" Nakakunot noong tanong niya. Tumango ako.

"Buti po nakabalik kana." Napakaganda ng ngiti niya.

"Kamusta ang tulog mo?"

"Ayos lang po ate, nanaginip nga po ako. Si tatay daw po nakakulong, tapos mga masasamang Mageias daw ang nagkulong sa kaniya." Malungkot akong napatingin sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala, malakas ang tatay mo. Kayang-kaya niyang lumaban para sa 'yo." Nagsimula na siyang umiyak.

"Ate, namimiss ko na po si tatay. Ilang araw na siyang wala sa tabi ko, ilang araw nang walang kumakanta sa 'kin bago matulog. Ilang araw na rin pong walang sumasalubong na ngiti sa umaga ko." Tuloy- tuloy ang pag-iyak niya. Pinupunasan ko iyon, hindi bumabagay sa ganda niya ang mga luha sa mata.

"Babalik din si tatay mo, basta magtiwala ka lang ha? Tsaka bigyan mo pa siya ng lakas, ikaw kasi kinukuhanan niya ng lakas para lumaban e." Tumango siya na animo kaya niyang ipakita ang sagot sa ama.

"Magpahinga kana, mamaya ako ang kakanta para makatulog ka nang mahimbing."

"Talaga ate?"

"Hmm." Hinaplos ko ang buhok niya. Muli kong pinagmasdan ang pagpikit ng maganda niyang mata. Nang masiguro kong tulog na siya, bumalik ako sa kwarto kung nasaan si Troy. Nadatnan ko siyang naka-upo.

"Hi!" Bati ko.

"Ang ganda mo." Impit akong natawa, ang ganda kasi ng paraan niya nang pagsasabi no'n.

"Ang pogi mo." Gulat siyang napatingin sa 'kin.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Dagdag ko pa.

"Ayos naman na, I missed you Shimaira." Ako naman ang gulat na napatingin sa kaniya. Hindi ko inaasahan na gano'n kaderetso niya sasabihin iyon.

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon