Chapter 13

137 87 3
                                    

-Shimaira-

"Yehey! salamat ate Shim. Magaling na ang sugat ko" kakaibang tuwa ang nakita ko sa mukha ng anak ni mang Pedring.

"Pwede ko bang malaman ang ngalan mo?" tanong ko sa kaniya.

"Ako po si Rizzalyn ate"

"Wow! ang ganda ng pangalan mo, anong gusto mong itawag ko sa'yo? Rizza o Lyn?" nagulat ako dahil umiling siya, baka ayaw niya ng pangalan na sinabi ko.

"Ate kasi po si itay lang ang tumatawag sa'kin ng Rizzalyn, ang karamihan ay tawag sa'kin ay Aby"

"E, bakit 'yon ang tawag nila sa'yo?" malayo kasi sa pangalan niya ang palayaw na tinatawag sa kaniya.

"Hindi ko rin po alam e, si inay po ang unang tumawag sa'kin no'n"

"Shimaira,Rizzalyn tara na at nakahanda na ang pagkain" nakita ko ang magandang ngiti ni mang Pedring ng makita na magaling na ang sugat ng anak.

nakahanda na nga ang pagkain, tulad ng inaasahan ko tuyo at iba't ibang gulay ang nakahain. Nakita ko kasi na napapaligiran ang bahay nila ng mga tanim na gulay.

"Hindi ka ba kumakain ng mga 'to Shimaira?" tinignan ko ang malungkot na mukha ni mang Pedring.

"Nako hindi po sa gano'n, sa katunayan po ay paborito ko ang karamihan sa nakahain."

"Mabuti naman kung gano'n" timignan ko ang gawi ni Aby, sarap na sarap siya sa kinakain. No'ng una, sila tita ang kasama ko kumain tapos ang Stalwart ngayon naman ay ang mag-amang ito. Sana, hindi dumating sa point na ako nalang mag-isa.

Natapos ang pagkain namin ng hindi masyadong nag-uusap sa hapag.

"Rizzalyn mauna kana sa tutulugan niyo ni ate Shimaira mo, may pag-uusapan lang kami" tumango naman ang anak at sumunod sa utos ni mang Pedring. "Shimaira, handa ka na ba sa Telos?" hindi ko inaasahan ang tanong na 'yon. Hindi agad ako nakasagot dahil sa kakulangan ng sasabihin.

"Ilang araw nalang po ang bibilangin at Telos na, nandito ako habang ang mga kagrupo ko ay masayang nag-eensayo. Ang totoo mang Pedring hindi pa po ako handa. Ngunit, kada iisipin ko ang iuuwi kong balita sa tito at tita ko, pinipilit ko na lang maging handa at maging matatag." malungkot akong napatingin sa malayo. Parang nakikita ko ang imahe ng mga taong umaaasa sa'kin.

"Ang asawa ko ay namatay dahil sa Telos" kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya, "Shimaira ayoko mang sabihin 'to ngunit, sa tingin ko ay kailangan" mas naging interesado ako sa sasabihin niya bagamat may kaba. "Hindi lang ang eskwela niyo ang nangangailangan sa'yo, maging kami na nasa malayo at mahihina ay kinakailangan ka. Namatay ang asawa ko dahil wala ang inaasahan naming Therapeftis noon, pare-pareho kaming lumaban ngunit walang nagpapagaling sa'min. Maraming buhay ang nalagas" naguguluhan na ako sa sinasabi niya.

"Pero ang alam ko po ay sa Panepestimio lang susugod ang mga Echthros?" (Echthros means enemy)

"Sa lahat ng pumapasok sa magical Panepestimio 'yan ang sinasabi sa kanila. Natatakot ang Vasilissa na umurong ang lahat, kapag nalaman na kayo ang poprotekta sa buong Magic kosmos. Kaya kayo ipinasok sa lugar na 'yon ay para matutong lumaban. Ang mga magulang niyo ay sumabak na rin sa labanan tulad ng mararanasan niyo"

"Ibig pong sabihin maging kayo ay nakapasok na rin sa eskwelahang 'yon?" tumango siya at tumingin sa'kin, kita ko ang lungkot sa mata niya.

"Mahirap makita na ang nag-iisang anak ko ay mawawala pa sa'kin, kung walang poprotekta sa kaniya sa Telos" nasasaktan ako sa katotohanang nakakakita ako ng amang lumuluha sa takot mawala ang anak niya "Shimaira, siya nalang ang mero'n ako, sinugal na ng asawa ko ang buhay niya. Ayokong sumunod ang anak ko, hindi pa sa ngayon Shimaira. Pangarap ni Rizzalyn na makapasok sa lugar na 'yon, pangarap niyang magligtas ng mga Mageias. Gusto kong maabot niya 'yon" nakakahiyang isipin na ang batang tulad niya ay naiisip 'yon, samantalang ako ay panay ang pagtakbo sa responsibilidad bilang isang Mageias. Ang pangarap ng isang bata ay responsibilidad na tinatakbuhan ko.

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon