-Shimaira-
Sa paglalakad-lakad, nakita ko ang isang bulto sa 'di kalayuan. May nagsasabi sa'kin na lapitan ko 'yon. Wala naman akong nararamdaman na kahit ano panganib.
Maya-maya pa ay naging malinaw sa'kin ang imahe niya.
"Yuki?" dali-dali ko siyang nilapitan ng makita na umiiyak siya. Tama ba ang nakikita ko? " Umiiyak ka ba? what's wrong?" inaasahan ko na palalayuin niya 'ko. 'Yon naman ang palagi niya ginagawa, ang ipag tabuyan ako.
"Bakit kahit anong gawin ko sa'yo, hindi ka matakot takot sa'kin Shimaira?"
"Wala akong makitang dahilan para katakutan ka Yuki, kung ayaw mo na narito ako, aalis ako"
"No, stay there" nahinto ang akma kong pagtayo dahil sa sinabi niya. "I need someone to talk and someone to listen. Hindi ko alam kung mabubuhay pa ako bukas, kaya ayos lang kahit ikaw na ang makausap ko"
"Wag kang magsalita ng ganyan, mabubuhay tayo Yuki," ngumisi siya at nag-umpisa na naman ang masungit niyang mukha.
"Kung aayusin mo ang trabaho mo mabubuhay tayo, ilang beses ko nang narinig ang salitang 'yan. Wala ni isa sa kanila ang gumawa ng paraan, para magkatotoo. Sarili ko lang ang aasahan ko para mabuhay." pakiramdam ko, hindi ko kailangang magsalita. All she needs is someone to listen with her sentiments.
"Alam mo ba Shimaira, masaya naman kaming nabubuhay dati. Maayos at buo kami nila Mommy and daddy. Until one day, kailangan nilang isakripisyo ang sarili nilang anak para sa kaligtasan ng iba. I was just 17 back then, they sent me in to the mission. They called it, special mission.Haha" kahit tumatawa siya, ramdam ko ang sakit sa bawat katagang binibitawan niya.
" Naniwala naman ako, sino ba namang magulang ang hahayaang mapahamak ang anak nila, kung hindi mahalaga 'yon 'di ba? They commanded me to hide someone, para daw mailigtas 'yon. Hindi sila ang pwedeng gumawa dahil nasa loob sila ng Panepestimio. Hanggang sa makalabas sila, at ako ang pumalit sa kanila dito. When I was 20 years old, 2 years ago na mula ngayon. They sent me again to do the same task, imagine, mula sa labas ng Panepestimio hanggang sa loob siya ang pinoprotektahan. I asked my mom, why" huminto siya at tumingin sa'kin. Kitang kita ko ang sakit at galit sa mata niya.
" They answered me , balang araw siya ang makakapag ligtas sa buong Magic Kosmos. Like, what the heck. Why do I need to hide that Mageias just for someday?. But still, sinunod ko sila" gusto ko na siyang pahintuin sa pag kwento dahil maging ako ay nararamdaman ang sakit na nararamdaman niya.
"Ilang beses akong nasugatan ng walang gumagamot, ilang beses ako napagod para lang itago siya. Maging hanggang ngayon, maraming nagagalit sa'kin dahil sa nakaraang 'di ko mabitawan. Sa nakaraang 'di ko maibunyag" tuloy-tuloy ang agos ng luha sa mga mata niya, gusto ko mang punasan ay wala akong lakas. "'Yong makita siya na maayos dahil sa hirap na dinans ko, 'yon ang pinakamasakit sa lahat. 'Yong malaman kong siya ang mas inisip ng magulang ko, para akong pinapatay."
"Yuki, alam mo kung ako 'yong taong niligtas mo, sobra ang pasasalamat ko sa'yo. Kung ako ang magulang mo, proud na proud ako sa'yo. 'Di kita masisisi sa nararamdaman mo, pero ..... sana matuto kang tanggapin na pinagkatiwalaan ka ng magulang mo, dahil alam nilang kaya mo. Kung darating ang araw na tinutukoy nila, hindi ang Mageias na niligtas mo ang makakapagligtas ng buong Magic Kosmos, walang iba kun'di ikaw" halata ang gulat sa mukha niya. Wala akong nakikitang mali sa sinabi ko, para sa'kin 'yon ang totoo.
"Mauna na ako sa'yo, salamat sa pakikinig" hindi niya na hinintay ang sagot ko. Naiwan akong pinagmamasdan ang papalayo niyang bulto.
Napakaswerte ng Mageias na niligtas ni Yuki, sana malaman niya ang sakripisyong ginawa mabuhay lang siya. Kung sino man siya, sana ito na ang tamang oras para maligtas niya ang Magic Kosmos.
BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...