Chapter 3

266 151 20
                                    

-Shimaira-

Ilang linggo na rin ang lumipas mula no'ng makapasok ako sa eskwelahang ito. Masasabi kong maayos naman ang lahat, kaso nga lang may problema talagang hindi ko kayang masolusyonan sa ngayon.

"Ano ba Shimaira! Ilang linggo mo nang pinag-aaralan yan, pero hindi mo pa rin makuha." Naiinis na si Yukira sa 'kin, dahil nakailang ulit na ako sa pag gagamot sa paa ng isa naming nakalaban, pero hindi ko magawa ng maayos. Hindi ko siya masisisi  kung ayaw niya sa 'kin sino nga ba ang tatanggap sa tulad kong mahina, walang alam tungkol sa paaralang pinasukan. Sabi ko pa naman na hindi ako magiging pabigat. Pero, 'eto ako at hirap na hirap.

"Alam mo Shimaira, hindi ko alam bakit sa isang tulad mo napunta ang kapangyarihang 'yan, wala ka namang maitutulong sa 'min. Wala kang k'wenta," mariing sabi niya. Nasasaktan ako. Gusto kong sabihin 'yan pero hindi ko magawa dahil wala naman silang gagawin kung nasasaktan man ako.

"Shimaira, ayos ka lang ba? Magagawa mo rin 'yan. Unting ensayo pa," si Pia ang patuloy na nagpapalakas ng loob ko, kahit na alam kong hindi naman totoo ang sinasabi niya. Dahil ang totoo wala talaga akong kwenta. Pilitin ko man palakasin ang loob ko ay pinanghihinaan pa rin ako, sa paraan niya ng pagsasalita ay manliliit ka talaga.

"Shimaira, nakikita mo ba yang mga Mageias na yan?" Turo ni Yuki sa mga kaedaran nilang namimilipit sa sakit, dahil sa ginawa niya. "Ganiyan karami ang taong mamamatay dahil sa 'yo. Kung hindi mo matututunan gamitin ang kapangyarihan mo, pahihirapan mo lang kami. 'Di ka ba nakokonsensya, ikaw lang ang may kapangyarihan na sa sarili mo lang nagagamit?" Gustong-gusto nang tumulo ng luha sa mga mata ko, pero tila pati ito ay unti-unti nang nawawalan ng ganang lumuha. Mula pagkarating ko dito puro pang-iinsulto lang ang nasabi sa 'kin ni Yuki.

Itinaas ni Yuki ang kamay niya, upang paapuyin na naman ang mukha ng isang babae na nag-eensayo kasabay namin. Ngunit humarang ako kaya, ako ang nakaramdam ng mahikang ginawa niya.

"Aaaaaaaah!" Nagulat ang babaeng hinarangan ko nang makita niyang ako ang natamaan. Ako man ay nagulat, hindi dahil sa ginawa ko kundi dahil, nararamdaman ko ang sakit.

"S-shimaira"nag-aalalang tawag sa'kin ni Charmie at Pia. Nakita ko rin ang gulat sa mukha ni Klester at Troy. Habang tatawa-tawa naman si Akihiro. Impit akong napapahikbi dahil sa sakit.

"Aaaaahhh!" Pinipigilan ko ang sarili kong huwag lakasan ang sigaw ngunit, sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nakita kong may sugat ang babaeng tatamaan sana, kaya naman lumapit ako sa kaniya, at hindi ininda ang sakit sa 'king braso dahil sa apoy. Lalapit sana sa 'kin sila Pia pero pinigilan ko sila. Nilapitan ko ang babae at hinawakan ang sugat niya.

"A-a-ayos kalang ba?" Gulat niya akong tinignan.

"Shimaira, ang b-braso m-mo." Nag-aalalang usal niya.

"A-ayos lang ako." Masakit man ay pinilit kong ngumiti, kasabay ng paghawak ko sa sugat niya. Unti-unting naglaho ang dugo hanggang sa tuluyan nang mawala. Napangiti ako habanag pinagmamasdan siya.

"O-okay ka n-na, aaaaaaaaah!" hindi ko na alam ang gagawin ko ng maramdaman ko ang sobrang sakit, nataranta din ang mga kasama ko . Wala na ako sa aking wisyo, ang huli kong nakita ay ang pag basag ng mga salamin sa paligid kasabay ng aking pagsigaw. Saka tuluyang dumilim ang aking paningin.

-Klester-

"A-a-ayos kalang ba?" tanong ni Shimaira sa babaeng nasa tabi niya. Baliw ba siya? siya na nga ang nasasaktan tinanong niya pa ang niligtas niya. Lalapit na sana kami kaso pinigilan niya kami.

Hindi ko na naririnig ang iba niyang sinasabi.

"O-okay ka n-na" sambit pa niya habang pilit ngumingiti sa babaeng iniligtas niya, "Aaaaaaaaah!" ngunit nagulat nalang kami ng marinig ang malakas na sigaw ni Shimaira, mararamdaman mo do'n ang sakit. Nabasag ang mga salaming nakapalibot sa 'min. Nagulat ako sa nangyare, kaya hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Tatakbo na sana ako papalapit kay Shimaira, nang makita ko si Troy na nagmamadaling lumapit sa kaniya.

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon