-Troy-
"Troy, nakita mo ba si Shimaira? kanina pa kasi namin siya hinahap pero, 'di namin makita." alam kong nag-aalala sila base sa mga itsura nila. Pero hindi ko alam paano ipapaliwanag.
"Baka naman nag-ensayo lang" seryosong turan ni Akihiro habang patuloy sa pagkain.
"Hindi rin namin siya makita sa practice hall,tsaka siguradong maghahanda ng pagkain 'yon bago mag practice" kilalang kilala na talaga ni Pia at Charmie ang ugali ng isang Shimaira.
"Hindi niyo talaga siya makikita dito sa buong Panepistimio" kumunot ang noo nila sa narinig. Nakita kong napukaw ng aming usapan sina Yuki at Klester. (Panepistimio means university).
"What do you mean Troy?"
"Pinadala siya sa lugar ng mga dugong itim"
"Pero... bakit hindi mo sila pinigilan Troy? 'di ba napag-usapan na natin, na tutulungan na siya?"
"Pia, wag kang umakto na para bang, may kakayahan tayo na pigilan ang ipag-uutos ng Vasilissa. Sigurado akong 'yon ang parusa sa paglabag niya sa rules ng group war" ramdam ko ang naging tensyon sa loob ng kwarto dahil sa pagsasalitang 'yon ni Yuki.
"Ha! really Yuki? for your information, you are one of the reasons why she needs to be punished. Bakit ba parang, napakadali lang sa'yong nasa mahirap na kalagayan si Shimaira?" hindi ko kayang pang himasukan ang pag-uusap na 'yon nila Pia at Yuki. Pareho silang babae.
"Bakit sinabi ko bang gawin niya 'yon ha Pia? hindi ko siya kailangan, hindi natin siya kailangan" napatingin kami sa biglaang pagtayo ni Klester matapos sabihin 'yon ni Yuki.
"Yuki sumusobra ka na ata, hindi mo gustong gawin 'yon ni Shimaira pero, ginawa niya pa rin ng kusa, alam mo kung bakit?" huminto siya sandali sa pag sasalita at tumingin sa'kin " dahil pinahahalagahan niya ang mga taong nakapaligid sa kaniya, kahit buhay niya ang nakasalalay ay ayos lang. Wag mo sanang hayaan, lamunin ka ng inggit" naiwan kaming walang-imik dahil sa sinabi ni Klester. Lumabas siya ng kwarto at sinundan ni Akihiro.
"Troy, baka naman may magagawa ka, please. Alam na alam natin kung gaano kadelikado sa lugar na 'yon. Tayo ngang marami ng napagdaan na laban ay sumusuko sa lugar na 'yon, pa'no pa si Shimaira?" gustuhin ko man ang hinihiling ni Charmie ay 'di ko kaya. Wala akong kakayahang humarap sa mahal na Vasilissa upang maki-usap.
"Please Troy, ilang araw na lang at magaganap na ang Telos. Kailangan natin siya." Kita sa mga mata ni Pia at ni Charmie ang labis na pag-aalala. Hindi ako duwag pero, alam kong paglumapit ako sa mahal na Vasilissa ay mas lalong mahihirapan si Shimaira. Napa-upo nalang si Pia dahil hindi ko magawang sumagot sa kaniya.
"Bakit siya, maraming nagagawa para iligtas tayo? bakit siya, nakakayang pagaanin at palakasin ang loob natin? samantalang tayo walang magawa sa mga nararanasan niya dito." Ikinagulat namin ang pag luha ni Charmie. Matagal na panahon na, mula noong huli naming makita ang mga luha sa mata niya. "Ilang beses kong sinabi sa sarili ko, na hindi ko gugustuhin maging kaibigan ang isang tulad niya, kasi napakahina niya at maawain pero 'di ko mapigilan. Yuki danas na danas ko ang hirap na nararanasan ngayon ni Shimaira, ramdam ko ang sakit sa bawat pangmamaliit sa kaniya. I'm now confused how can she pretend that she's okay, how can she fight without no one wants to fight for her?" tuloy tuloy ang luha sa mata niya at ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa bawat sinasabi niya.
'Yan din ang tanong ko Charmie'
Tumayo si Yuki at ngumisi
"Don't worry Charmie, pagnakabalik siya ng buhay baka mapatunayan niya sa'kin na hindi siya kasing hina ng iniisip ko" muli siyang ngumisi " 'yon ay kung.... makakabalik siya ng buhay" iniwan niya kami na hindi alam kung paano babasagin ang katahimikan.

BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...