-Shimaira-
Tumakbo ang oras, pero walang Klester at Aki na bumalik.
"Yuki, anong nagyayare?" namomoblema ang lahat sa 'di pagbabalik ng dalawa.
"Hindi ko rin alam, 'eto ang kauna-unahang beses na mangyare 'to"
"Pia, ano bang mali?" gusto kong makarelate sa pinag-uusapan nila. Hindi naman masamang magtanong.
"Maira dapat 2 oras, pagtapos ng paglubog ng araw ay nandito na sila" ngayon ko lang napag tanto na mahigit apat na oras na mula nang umalis sila.
"Hindi maaaring mabutan sila ng hating gabi sa lugar na 'yon" makikita mo ang labis na pag-aala sa mukha ni Charmie.
"Bakit?" nakakainis na wala akong alam sa nangyayare. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa kainosentehan.
"Pag inabutan sila ng hating gabi sa lugar na 'yon, manganganib sila Shimaira." 'yon palang ang sinasabi niya ay kinabahan na ako. Ayoko nang malaman kung anong klaseng panganib 'yon. Pare-parehong tulala ang kasama ko. Napaangat lang ako ng tingin ng lumapit sa'kin si Troy.
"'Di ka pa ba nagugutom?" gustuhin ko mang kwestyonin ang biglaang pag tatanong niya ay hindi ko magawa. Para akong hinihigop ng magaganda niyang mata.
"Mamaya nalang siguro pag nakabalik na sila Klester." napatango siya at ngumiti. Bakit ba napapadalas ang pag ngiti niya?
"Alam mo Shimaira, mas maganda nga kung kumain kana muna" nilingon ko si Pia.
"Hindi ako kakain kung hindi niyo ko sasabayan" nakita ko ang ibang Titans, at Mageias ay may kaniya-kaniyang pagkain na. Ngunit ang mga mata at pakiramdam nila ay alesto.
"Kukuha nalang ako ng makakain natin" alam kong pagod na din sila sa pagtayo, kaya ako nalang ang kukuha. Maging ang pag-aalala sa mga kasamahan namin ay nakakaubos ng lakas.
"Samahan na kita,"
"Sige" naiilang ako sa mga matang nakatingin sa'min ni Troy. Hindi ko mabasa kung para saan 'yon.
"Don't mind them" niyuko ko nalang ang ulo upang 'di makita ang mga panuring mata ng karamihan. Pag balik namin sa pwesto kung nasaan sila Yuki, naabutan namin si Madame Carmen.
"Shimaira may importante kaming sasabihin sa'yo" nakaramdam ako ng kaba 'di pa man din sinasabi kung ano 'yon.
"Ano po?"
"Ipinag-uutos ng Vasilissa, na sumunod ka sa lugar kung nasaan sila Klester" hindi makatingin ng deretso sa'kin si Madame.
"Wait, why?" gusto ko mang magprotesta ay nawawalan ako ng lakas.
"Sorry Troy, hindi rin namin alam. Tanging sinabi lang niya ay sumunod si Shimaira, kung sakaling may galos ang dalawa ay magamot niya"
"Sasama ako"
"Hindi ka maaaring sumama sa kaniya, kailangan ka dito sa Panepestimio"
"Kung gano'n ako ang sasama" hindi sana ako magugulat kung sina Charmie at Pia ang nagsabi, pero si Yuki 'yon. Maging ang iba naming kasama ay nagulat na siya ang nagpresinta.
"Mabuti pa nga kung ikaw Yuki, salamat" muling humarap si Madame sa'kin " Shimaira, please be safe" tango lang ang tanging nagawa ko. Gusto kong umayaw, gusto kong dito lang. pero sa tuwing iisipin ko ang lakas ng loob na sila Aki, nahihiya ako. Kung sila ay buwis buhay, unfair naman kung ako, walang gagawin.
"Bakit ganyan kayo makatingin sa'kin" mataray na tanong ni Yuki kala Charmie. "Don't worry, wala akong gagawing masama sa kaniya" kahit na gano'n ang naging pakikitungo sa'kin ni Yuki, mero'ng parte sa puso ko naniniwala sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...