Chapter 5

216 130 18
                                    

-Shimaira-

"Ilang linggo o baka araw nalang ang bibilangin, sasabak na tayo sa madugong labanan," paalala sa 'min ni Yuki.

"Sa tingin niyo ba ay handa na tayo?" tanong naman ni Akihiro, kaya napatingin sila sa 'kin.

"Kung tayo lang ay handa na tayo, hindi ko alam kay Sh-" 'Di niya natapos ang sasabihin.

"Handa na tayo," pinal na sabi ni Troy, kaya naman napatingin kami sa kaniya.

"Buti nga kung gano'n." Umirap si Yuki. Kailan kaya mawawalan ang inis niya sa 'kin? Ano ba ang mali kong nagawa sa kaniya?

"Mabuti pa ay pumunta na tayo sa ating Domatio." Yaya ni Pia sa 'min. Bago siya tumalikod ay nginitian niya muna ako.

"Kamusta naman ang tulog mo Maira?" tanong ni Charmie.

"Ayos naman." Nakangiti akong tumingin sa kaniya.

"Mabuti kung gano'n." Tatango-tango niyang sinabi. Buti pa sila Charmie at Pia ay mabait sa 'kin, sila ang taga pag tanggol ko kapag sobra na ang ginagawa ni Yuki. Minsan nga ay natatakot ako na baka mag-away sila dahil lang sa 'kin.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa 'ming Domatio, dahil sa mga iniisip ko.

"Magandang umaga." Bati sa 'min ni Magister Kang.

"Sa 'yo din po Magister Kang." Nahiya ako dahil ako lang ata ang bumati sa kaniya. Unti-unting nawala ang maganda kong ngiti dahil sa kahihiyan.

"Buti naman ay may bumati na sa 'kin Haha!" Natatawang sabi ni Magister.

"Gusto ko lang malaman niyo, dalawang araw mula ngayon ay magkakaroon na kayo ng group war." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Magister.

Group war? ano 'yon?

"Ang group war ay hahatiin ang Stalwart Titan sa dalawang group at tayo ang lalaban sa bawat isa. Kasama din sa maghahati ang mga estudyanteng kasama natin ngayon. Pero para sa Stalwart lang talaga iyon, dahil tayo ang higit na lalaban sa totoong Magic war o Telos." Nabasa na naman siguro ni Klester ang isipan ko. Halos mapunit na ang noo ko sa sobrang pagkakunot no'n. Naiintindihan ko naman ang sinabi niya 'di lang talaga marehistro ng maayos sa isip ko.

"Ang magkakasama ay sina Pia, Charmie, Yuki." Huminto si Magister bago tumingin ulit sa 'min. Napako ang tingin niya sa 'kin.

"Habang sila Troy, Klester at Akihiro naman ang magkakasama." Ngayon alam ko na kung para saan ang tingin na 'yon, siguro dahil hindi ako kasama sa gawaing nabanggit niya.

"Teka, bakit hindi po kasama si Shimaira, Magister?" takang tanong ni Charmie.

"Dahil- - Dahil kalaban niyo siya, ang mga kasama niya ay ang mga ordinaryong Mageias." Muling sumulyap sa 'kin si Magister Kang.

"Ano pong ibig-sabihin no'n Magister Kang?" pag tatanong ni Pia na halos pasigaw na.

"Hindi ko rin alam kung bakit nagkaganito ang pagkakahati. Isa lang ang ibig-sabihin no'n kalaban ni Shimaira ang Grupo niyo Pia, pati ang grupo nila Troy. Makakasama niya lang ang mga ordinaryong Mageias." Hindi ko nakikitaan ng gana si Magister Kang habang sinasabi iyon, ngunit may pag-aalala akong nararamdaman do'n.

"Pero, hindi patas ang mangyayare. Alam nating lahat na ang mga ordinaryong Mageias, ay hindi manlang aabot sa kalahati ng aming kakayahan. Oo, may kapangyarihan sila pero hindi tulad ng sa 'min. Paanong-" Pinutol ni Magister ang sinasabi ni Pia.

"Hindi ko rin alam Pia, ang alam ko lang ay- - Kailangan ni Shimaira'ng iligtas ang mga ordinaryong Mageias. Dahil kung hindi, alam natin ang mangyayare sa matatalo." Hindi ko mapigilang magtanong sa 'king isipan, bakit ganito ang patakaran? Hindi ganito ang mga nabasa ko sa libro.

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon