Chapter 23

65 30 4
                                    

-Shimaira-

Lahat ay naging balisa, dahil ang inaasahan ng pag-atake ng Echthros ay wala pa. Mas lalo sila natatakot maging ako ay nararamdaman ang mga pangamba nila.

Kung sila na matagal na sa ganitong bagay ay natatakot paano pa ako? Kung sila pinanghihinaan ng loob paano pa ako? Isa-isa kong pinagmasadan ang mga kagrupo ko, pare pareho silang magkasalubong ang kilay.

Sa mga mata nila makikita mo ang pangamba, ang takot at pagkalito. Hindi ko man alam ang nagyayare pero malakas ang kutob ko na masama ang nagaganap ngayon. Sa isipin palang na ang inaasahan mo ay wala, nakakatakot na.

"Are you okay?" napaigtad pa ako sa biglang pagsulpot ni Klester.

"Yes" hindi ko mahanapan ng gana ang sarili ko para magsalita.

"Bakit parang hindi?" muli kong pinagmasdan ang mukha niya, nando'n pa rin ang magaganda niyang ngiti. Ngunit, hindi sing-ganda ng ngiti ng isa kong nakita. "You're thinking about Him hah?" tatawa-tawa niyang sabi, nangunot ang noo ko.

"What do you mean?" hindi ko talaga ang sinasabi niya.

"You're thinking his smile is better than mine" gano'n nalang ang gulat ko nang sabihin niya 'yon. "Remember, I can read mind" nanlumo ako dahil sa nakaligtaan ko ang kakayahan niya.

"Mabuti naman at okay kayo, masaya akong nakabalik kayo ng ligtas Klester"

"Trying to change topic hmm!" natawa ako sa itsura niya, akala mo naman batang nagtatampo. "He's looking at you" nabaling ko ang tingin kung saan siya nakatingin, naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha nang makitang nakatingin sa'kin si Troy.

"Bakit ba ipinapasok mo siya sa usapan?" kunwaring inis kong sabi.

"As if naman ayaw mo?" 'ayon na naman ang malakas niyang tawa. Akala mo ay wala sa pangamba ang isip.

Napahawak ako sa ulo dahil sa sumakit ito.

"We need to be there as soon as possible"

"Hindi pa sa ngayon, maghintay ka ng tamang oras"

Mas lalo akong napahawak sa ulo dahil mas lumalakas ang tinig nila.

"Shimaira, hey! Are you okay? What's wrong?" gustuhin ko mang sagutin ang tanong niya ay nilalamon ako ng sakit nang ulo.

"Alam mo ang batas"

"Yes, I know Dilio at wala akong pakealam sa batas. Ako ang susy din nila ama, pagsinabi kong susugod do'n lang kayo susugod. Lagpas man sa araw o hindi"

Nasabunutan ko ang sarili dahil sa tawa ng tinig na 'yon. That name, that familiar name.

"Hey, Shimaira your nose." natauhan lang ako nang magsalita muli si Klester, hinawakan ko ang ilong ko at nagdudugo na naman.

"Mapapasa'tin ang Panepestimio at ang buong Magical Kosmos. Tandaan niyo 'yan"

Hindi ko malaman kung saan sa mga narinig ko ang p'wedeng dahilan ng pagluha ko. Nagulat ako dahil sa bisig na bumalot sa'kin.

"Shhh, tell me what'wrong?" nahihimigan ko ang pag-aalala sa boses ni Klester.

"Move!" mabilis na kumilos si Klester nang marinig ako malamig na boses ni Troy. Maging ako ay nakaramdam ng unting takot sa paraan ng pag-uutos niya.

Naguluhan ako nang pabiro siyang itulak ni Klester. What's with them?

"Bakit ka umiiyak" makikita sa mata niya ang pag-aalala. Nagsilapitan na rin sila Pia hanggang sa makumpleto ang grupo namin. Maging si Magister ay nandito.

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon