-Troy-
"Charmie, ilang oras na wala pa rin silang apat" kanina pa hindi mapakali si Pia. Pupuntahan ko na sana si Ina nang may pumigil sa'kin.
"No, Troy" naguguluhan akong napatingin kay Magister Kang. Nakita ko sa likod niya si Theena.
"Mukhang hindi pa nakakabalik ang apat sa inyo ah?" nakangising turan niya. Halata namang nang-iinis siya. "Do they need back-ups?"
"Shut up, excuse us Theena. Usapan to ng magkakagrupo, please go. You're not belong here" tuluyang tumalikod si Theena baon ang nanlilisik na mata.
"Magister Kang, bakit wala pa sila" Charmie asked. Mabilis akong tunalikod sa kanila.
"Troy, saan ka pupunta?" makikita ang pag-aala sa mukha ni Magister.
"I need to go there."
"No, stay here"
"I can sense danger" madiing sabi ko. Luminga-linga sila Charmie at Pia.
"Please, wag tayo dito mag-usap. Maraming makakita at makakarinig" sinunod namin ang sinabi ni Pia. Naglakad kami sa medyo tagong lugar, ngunit tanaw pa rin ang gate.
"Bakit ba ayaw niyo kong payagan?" naiinis na ako, minsan lang ako mag kaganito kaya sana naiintindihan nila.
"Babalik sila Troy, magtiwala ka naman sa kagrupo mo" alam kong naiinis na rin sa'kin si Magister Kang.
"I trust them, pero hindi ko mapakakatiwalaan ang kalaban." sana maintindihan nila na hindi lang basta ang makakaharap ng apat.
Gano'n nalang ang pagtataka ko nang makita ang dalawang bulto mula sa gate.
"Look, they are here" hinintay kong makalapit ang bultong 'yon sa pwesto namin. Pero, mas lalo akong nag taka na dalawa lang sila.
"Bakit kayo lang?"
"What do you mean,Pia.?" gano'n nalang ang pag dagundong ng puso ko nang marinig 'yon mula kay Klester.
Kung titignan mo si Aki at Klester, parang walang kahit na anong masamang nangyare. Do'n ako mas kinabahan.
"Sumunod sa inyo si Yuki at Shimaira"
"What?" halos sabay na reaksyon ng dalawa. Makikita ang takot sa mata naming lahat. Nalilito kami kung bakit hindi nagkita ang apat.
"Please, let me go there" pagpupumilit ko jay Magister. Ngunit iling lang ang tugon niya. Napipika na ako. "I can sense danger, please" this is my first time to plead.
"Wala kami kahit na anong nadatnan mula sa bukana" lahat kami ay nabaling ang atensyon kay Aki.
"Paanong wala? Ngayon ang unang gabi ng Telos, imposible" asik ni Magister Kang. Hindi na ako mapalagay. Knowing that Yuki and Shimaira are still there.
"Ni kahit anong bakas ay wala Magister, ayaw pa sana naming bumalik, gusto naming maghintay do'n. But we decided to come back because, we knew you are all waiting" hindi ko na hinintay pa ang susunod nilang sasabihin, tumalikod ako at nag-umpisang maglakad. Desidido akong pumunta do'n.
'I need to go there'
"Troy" for the nth time, pinigilan ako ni Magister. "Panespetmio needs you, please" gano'n nalang ang pagtitimpi ko nang marinig 'yon. Muli ko silang nilingon.
"But, I need her" inaasahan ko nang magugulat sila. "I knew it, mula pa no'ng una. She is my syntrofos"
"Paano mo nalaman Troy" naguguluhan at palakad-lakad si Magiter.
BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasíaAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...
