Chapter 28

40 12 3
                                    


-Shimaira-

Kahit nasa gitna kami ng Telos, sinubukan ko pa rin mag-ensayo ng palihim. Mula no'ng huling pagsugod ng kalaban ay hindi na nasundan. Hindi ko tuloy malaman kung dapat ba naming ipagpasalamat iyon o ikatakot. Pala-isipan pa rin sa 'min kung paanong gano'n nila kadali napasok ang Panepestimio gayong may banta sa labas.

Labis ang tuwa ko nang makita na napapagalaw ko ang ilang bagay, gamit ang mahikang-- 'di ko malaman saan nang-galing. No'ng makita nila Pia ang kulay ng mata ko, 'di ko malaman kung natuwa ba sila o nabahala. Hindi kasi maipinta ang mga mukha nila.

"Ahh!" Sigaw ko nang mapatumba ang huling upuan na kinokontrol ko.

Lihim akong napangiti nang makita ang dami ng upuan na napatumba ko. Pero, gano'n na lang ang pag kadismaya ko nang makaramdam ng pagod. Ang sabi ni Magister Kang, kapag pinipilit mong palabasin ang kapangyarihan mo mabilis ka lang makakaramdam ng pagod.

Unti- unti kong iwinasiwas ang kamay ko na may hawak na dagger. Naalala ko ang sinabi ni Theena, tama siya hindi dapat ako ang palaging pinoproteksyonan. Kaya ko naman siguro makipaglaban gamit ang mga dagger, kung kinakailangan.

"Bakit ba kailangan mangyare 'to? Bakit ba lagi na lang nahahati sa dalawang panig ang mundo?" bulong ko sa sarili. "Lagi na lang kung may mabuti, may masama. Hayst!" Malalim akong napabuntong hininga.

Inubos ko ang oras ko sa pag-eensayo, 'tsaka ko napagdesisyonan na bumalik sa sentro ng Centro kung nasaan ang mga kasama ko.

"Shimaira, kanina ka pa namin hinahanap." Patakbong salubong sa 'kin ni Charmie. Kasunod niya ang iba maliban kay Troy.

"Kailangan naming pumunta sa bungad," malungkot na ani niya.

"Namin?" Naguguluhang tanong ko.

Bago siya makasagot ay napakamot muna siya ng ulo. "Kasi Shimaira, kayo lang ni Pia ang maiiwan dito. Ako si Troy at Aki ay pupunta sa bungad,"

"Si Yuki at Klester?" Umaasang tanong ko.

"Hahanapin nila ang lugar kung nasaan ang mga Echthros," mas lalong nangunot ang noo ko.

"Susunod kami sa kanila pag tapos namin makapunta sa bungad." Gustuhin ko mang pumigil ay wala akong lakas.

"Hindi kayo pinasama dahil kailangan kayo dito. Inaasahan ng lahat ang pagsugod ng mga kalaban." Si Klester.

"Hindi ba delikado do'n?" Nag-aalala ako para sa kanila.

"Sa lahat ng lugar ay delikado sa panahon ng Telos, Shimaira." Parang sampal sa 'kin ang sagot na 'yon. Bakit nga ba naisipan ko pang itanong iyon.

"Kaya ko na rin naman lumaban Charmie, hindi naman na ako magiging pabigat." Napayuko siya, tila tinatago ang lungkot sa mukha.

Ayoko mang sabihin ang bagay na iyon, pero gusto kong maka-ambag kahit unti lang.

"Mas kailangan ka nila dito Shimaira," ani Yuki.

"Pero-" pilit kong inaalis ang isipin na ayaw nila ako kasama.

"Nagtitiwala kami sa 'yo kaya ikaw ang iniwan namin dito." Gulat akong napatingin sa gawi ni Yuki, sakto namang pagtalikod niya.

Kita ko ang tagong ngiti ni Charmie, maging ako ay gusto kong mangiti sa sinabi ni Yuki. Nando'n pa rin ang sungit niya, pero ang sarap sa pakiramdam na sinabi niya iyon.

"Tama si Yuki, Shimaira. We trust you." Nakangiting turan ni Charmie.

"Kung gano'n kailan ang alis niyo?" Hindi ko maialis ang pag-aalala, dahil baka maulit sa kanila ang nangyare sa 'min ni Yuki.

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon