-Troy-
"Ano bang sinasabi mo Rizzalyn?" tanong ng matanda
"Kasi tatay, lagi ko po nararamdaman ang presensiya ni Kuya"
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" hindi ko alam bakit nag ka interes bigla sa usapin si Yuki.
"Opo, parehong- pareho po ang presensiya mo ngayon. Imposibleng pong magkamali ako"
"Rizzalyn, anak bantayan mo muna ang ate Shimaira mo" pagka-alis ng bata, tsaka namin nilabas ang tunay na emosyon.
"Stalwart Titan, kinagagalak ko ang pagpunta niyo"
"Mang Pedring, hindi nila maaaring malaman na si Shimaira ang Therapeftis"
"Oo, alam ko naman iyon Hija, ngunit hindi natin maiiwasan na magkasalubong ang mundo nila. Lalo na't nandito sa lugar nila si Shimaira"
"Ano pong pwede nating gawin?"
"Hindi pa alam ni Shimaira na isa akong bantay sa labas ng kosmos, oras na malaman niya 'yon, iisipin niya na pinaglihiman natin siya. Totoo naman" mababakas sa mukha ng matanda ang pag-aalala.
"Hindi niya pa maaaring malaman," kung paglilihim ang tanging sagot para manatiling ligtas si Shimaira, gagawin namin.
"Ang kakayahan ng anak ko, unti unti nang nahuhubog. Madalas siyang kasama ni Shimaira, kaya nahahasa ang kakayahan niya"
"Mang Pedring, ilang araw nala'ng Telos na. Ano po ang balak niyo?"
"Pia, gano'n pa rin ang plano ko. Walang mababago"
Natahimik kami sa kawalan ng sasabihin, hindi ko alam ang plano ng kalaban. Hindi tulad noon, mahirap basahin ang galaw nila ngayon.
"Hindi magtatagal malalaman nila na buo na ang Stalwart" sa tulong ni Mang Pedring nalalaman namin ang lugar ng kalaban, kaya malaki ang pasasalamat namin sa kaniya."Sigurado ako na siya ang uunahin ng mga kalaban" tahimik ang lahat, alam kong nag-iisip sila ng gagawin.
"Mauuna na po kami, kailangan namin makabalik agad. Hindi alam ng Vasilissa na umalis kami" sang-ayon ako sa sinabi ni Yuki. Hindi na namin hinintay pang magising si Shimaira. Hindi namin maaaring ibalik siya sa Panepestimio. Kailangan niyang harapin ang parusa. Sa ayaw man namin o hindi.
Kung gaano katagal naming tinungo ang lugar ng dugong itim, siya namang bilis naming makabalik.
Pagkarating na pagkarating namin, bumungad samin ang mukha ng isang gwardiya.
"Pinatatawag po kayo ni Magister Kang"
"Susunod kami" ani Yuki.
"Maaaring alam na ni Magister ang pag labas natin, kailangan nating maging totoo sa kaniya. Baka matulungan niya pa tayo"
"Tama si Pia, tara" sa itsura ni Akihiro, makikita mo na may bumabagabag din sa kaniya.
Nakita namin si Magister Kang na busy sa pag eensayo. Ngayon nala'ng ulit niya ginawa 'yan. Marahil naghahanda na rin siya sa nalalapit na Telos.
"Nalaman ko ang paglabas niyo sa Panepestimio" hindi na ako nagulat ng magsalita siya, kahit na hindi kaminnililingon.
"Pasensiya na po Magister, may kinailangan lang po kaming tapusin" nakayukong ani Yuki. Ganito kami sa harap ni Magistet pag wala si Shimaira. Kung inaakala niya na wala kaming takot ay nagkakamali siya.
"Ano ang kailangan niyo tapusin sa labas ng lugar na 'to? Ang alam ko nandito lahat ng kailngan niyong tapusin" hininto ni Magistet ang ginagawa. "Hindi niyo na kailangan magpaligoy-ligoy,"
BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...