Chapter 9

174 111 9
                                    

-Troy-

"Bakit hindi pa rin siya nagigising?" nag-aalalang tanong ni Pia kay Klester.

"Hindi ko rin alam"

"Masyadong mabigat ang mga tinamo niyang sugat, maaaring hindi kinaya ng katawan niya" Halata mo rin ang pag-aalala kay nurse Cecile pero di tulad ng iba nananatili siyang kalmado 

"'Di ba siya ang Terapeftis? e, bakit hindi niya magamot ang sarili niya" Tanong ni Yuki

"Pwede ba Yuki, manahimik ka naman kahit ngayon lang" pakiusap ni Charmie

"E, totoo nam- -" hindi ko alam bakit ganito pa rin ang galit ni Yuki kay Shamira.

"TUMIGIL KANA YUKI" napakalakas ng sigaw ni Pia. "Baka nakakalimutan mong dahil sa'yo kaya nangyare sa kaniya 'yan" sang-ayon ako sa sinasabi ni Pia, pero ayokong makisali dahil mga babae sila.

"Manahimik na kayo, hindi lang kayo ang narito" kahit na kalmadong sinabi 'yon ni nurse Cecile,bakas ang otoridad. Sumisigaw ang kakayahan niyang mag pasunod ng tulad namin "kung ako ang nasa kalagayan niyo... mas iisipin ko pa ang parusang kakaharapin ni Shimaira" Gulat akong napatingin sa kaniya.

"What do you mean?" 'yun din sana ang itatanong ko ngunit naunahan ako ni Klester na ibulalas 'yon. 

"Alam mo naman siguro ang nagawa ni Shimaira?" pabalik niyang tanong.

"Ang alam ko lang ay niligtas niya si Yuki" sagot ko

"Oo nga po nurse Cecile, 'yon lang din po ang alam namin" Nakakunot ang noo ni Klester at halata ang pagkalito. Napatingin kami Kay Nurse.

"Akala ko pa naman ay alam niyo ang ginawa niya, una niligtas niya si Yuki. Pangalawa niligtas niya si Charmie dahil ililigtas sana ni Charmie si Shimaira, ngunit sa nakakagulat na dahilan ay napigilan niya si Charmie. Pangatlo hinayaan niyang makuha ni Akihiro ang symvolo, at higit sa lahat lingid sa kaalaman niyong may ginagamot siyang kalaban kahit hindi pa tapos ang group war" Sa di malamang dahilan ay malakas na kumalabog ang dibdib ko, tama si nurse hindi namin alam 'yon. Gano'n ba kami ka tutok sa laban, para hindi namin makita ang ginawa niya?

'bakit mo ginawa 'yon?'

Tumingin ako kay nurse, at nahuli kong nakatingin din siya sa'kin. Gano'n din si Klester.

'Don't tell me they read my mind'  bulong ko sa isip ko habang umiiling pa.

"Yes we read it Troy" Gulat akong napatingin kay Nurse. Sa ate ko.

"Tila wala ka sa sarili mo ngayon, dahil nakakaya naming basahin ang isip mo. What's bothering you?" hindi ko siya magawang sagutin dahil nandito pa ang mga kasama namin. Pero tama siya ngayon lang nangyare 'to, ngayon lang nila nabasa ang isipan ko.

'what's wrong with me?'

Bago pa mabasa ulit ni ate ang isipan ko minabuti ko nang umalis sa pwesto ko at lumabas sa kwarto. Dumiretso ako sa War Zone, kasalukuyang nililinis 'yon.

"Hey Troy" nakita ko sa peripheral vision ko ang isang Titan, hindi ko siya makilala sa unang tingin. 

"Don't you miss me?" tanong niya

"Theena?" hindi maaaring siya 'to

"Yes,why so shocked?" 

"Ah-h hindi naman, bakit nandito ka?" tinanong ko siya sa paraang hindi siya mababastos.

"Do you forget about the group war? hahaha, isa ako sa mga kalaban niya kanina, you didn't notice me, did you?" tila nang-aasar ang kaniyang tono.

"Hindi kita napansin pasensiya na"

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon