- Shimaira-
"Ayaw niyo talagang ilabas ang Therapeftis?" tanong ng tinawag na Flix ni Pia.
Naalerto kami ng sakalin niya ang isang Mageias na nahatak niya. Umitim na lang bigla ang kulay Mata niya. Napa-atras ako sa takot.
"Papatayin ko ang lahat ng kaya ko mapatay maniwala ka Magister Kang," banta niya. Humatak mula siya ng isang Mageias at marahas na hinagis kong saan.
Napapikit ako sa takot at galit sa nangyare. Paano niya nagagawa 'yon sa walang laban sa kaniya?
"Madali lang ako kausap Magister,"
Bakit ba parang wala sila Madame Carmen? At ang Vasilissa? Hindi ko makita ni Anino nila. Nang ibaling ko ulit ang paningin kay Flix tatlong Mageias na ang walang malay sa harap niya.
Napatakbo ako nang si Pia na ang hatakin niya at sakalin gamit ang itim na salamangka. Natatakot ako sa p'wede niyang gawin.
"Pia!" sigaw ko. Sumenyas siya na huminto ako.
Naluluha kong tinignan ang lagay niya. Halos mawalan na siya ng kulay dahil sa pagkakasakal.
"Shimaira, sumama ka na sa kanila!" Galit na sigaw ng isang Mageias. Mabilis na naglakad patungo sa kaniya si Magister at malakas siyang sinampal. Pero gano'n nalang ang panlalambot ng tuhod nang isa- isa silang tumayo.
"Pakiusap Shimaira sumama ka na sa kanila." Sang-ayon ng iba.
Pinipigilan kong maluha, ang sakit isipin na ang mga nagtutulak sumama ako ay ang mga niligtas ko kanina.
Binitawan ni Flix si Pia. Maglalakad na sana ako papalapit sa kaniya ngunit may humadlang.
"Hindi sasama sa inyo si Shimaira, patayin niyo muna ako bago niyo magawa iyon," tuluyan na akong napaupo, dahil ang nagsalita no'n ay ang Mageias na paparusahan sana ni Madame Carmen no'ng unang araw ng pasok ko dito.
Hindi ko malilimutan ang ginagawa niya sa 'kin no'n, kaya hanggang ngayon ay malinaw ang itsura niya sa 'kin.
"Ako din, patayin niyo muna ako bago niyo makuha si Shimaira," napatingin ako sa isa pang nagsalita. Siya 'yong Lalaking naghagis ng yelo sa 'kin noong unang araw ko dito.
Tuluyan na akong napaluha dahil sa lakas ng loob nila.
"Sabi mo gusto mo kaming maging kaibigan 'di ba?" tanong niya, kahit 'di siya sa 'kin nakatingin alam kong para sa 'kin ang tanong na 'yon. "Ito ang kaya naming gawin para sa isang kaibigan," dagdag niya, sabay sugod sa mga kalaban.
Napapikit ako sa takot na masaktan sila. Sa una ay nakakalaban pa sila, pero sa mga sumunod na galaw ng kalaban ay nahihirapan na sila.
"Shimaira, ilang Mageias pa ba ang kaya mong isugal para sa kaligtasan mo?" sigaw ng isang Mageias.
"Oo nga, sumama ka nalang sa kanila pakiusap,"
"TUMIGIL WALANG SASAMA!" malakas na sigaw ni Pia kahit hinang-hina pa.
Nakita ko ang patuloy na dugong umaagos sa dalawang lumaban sa Echthros.
"Tama na," maluha-luhang sabi ko.
"Sasama ka na ba? Kapalit ng kalayaan nila?" Bakas ang tuwa kay Flix habang tinatanong iyon.
"No Shimaira," ani Pia.
"Oo sasama na ako, pakiusap tigil niyo na sila." Pumatak ang luha ko at nag-unahan sa pagtulo.
"Good. Kung kanina mo pa sana ginawa, 'di sana walang nasaktan." Marahas niya ako hinatak at binitawan ang ibang Mageias.

BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...