-Shimaira-
Pagkalabas na pagkalabas namin, ang daming Mageias sa labas na aming dadaanan. Lahat sila ay nakayuko.
"Stalwart Titan is ready" pagkasigaw ng tagapag anunsyo ay sabay sabay nagtindigan ang mga Mageias. Napaigtad ako dahil sa gulat.
Napatingin sa'kin si Troy na ngayon ay nasa kanang gilid ko. Si Aki naman ang nasa kaliwa, at si Klester ang nasa likod.
"What's wrong?" bulong sa'kin ni Troy.
"Sorry, nagulat lang ako. Hindi ako sanay na ganyan sila"
"Masanay ka na, mula ngayon ganiyan ka nila gagalangin" gusto ko pa sanang magtanong, kaso nanguna na sa paglalakad si Yuki, kinailangan naming sundan siya. Nasa magkabilang gilid niya sila Charmie at Pia. Kung titignan mo kami, parang pinoprotektahan nila ako, kasi sila ang nakapalibot sa'kin.
Pagtapak namin sa sahig na may nakalagay na, Stalwart at pinalilibutan ng drawing ng Paru-paro. Nagulat ako na mag bago ang suot nila Yuki,Charmie at Pia.
Napaganda nilang tignan. Nasa'kin ang paningin ng karamihan, siguro tulad ko ay hinihintay nilang magbago ang kasuotan ko.
Nakasuot si Charmie ng Red na damit, kumikintab 'yon. Nakaboots at may kapa, at hood. Napaka astig niyang tignan. Nakapalibot sa kaniya ang iba't ibang armas.
Nang tignan ko si Pia, tulad ng suot ni Charmie pero kulay maroon naman ang kaniya, ang astig. May iba't ibang armas din siya. Pero ang nakapukaw sa tingin ko ay ang gem sa gitna ng dibdib nila. Kakulay 'yon ng suot nila. Ang ganda. Huling tinapunan ko ng tingin ay si Yuki. Black ang kukay ng kabuhan niya. May white na bracelet siya na nakalagay ay Igetis. Wow!
Nagtuloy ang lakad naman at nakaapak muli kami sa sahig, may nakalagay na namang Stalwart Titan. Akala ko tapos na ang paghanga ko kanina, pero nadagdagan pa nang sila Troy naman ang nagbago ng kasuotan. Si Troy ay nakasuot ng kulay Ocean Blue, si Aki ay dark Green, at si Klester ay Grey ang astig. Nakakatuwang isipin na, para silang Power rangers. Pero mas astig ang dating nila.
Ngunit gano'n nalang ang pagkadismaya ko, dahil hanggang ngayon ay hindi nagbago ang kasuotan ko.
Maging ang kagrupo ko ay nakakunot noong naghihintay sa pagbabagong magaganap. Hindi ako makatindig ng maayos, nang magsimula na namang maglakad si Yuki, Nakayuko akong naglakad dahil sa lungkot na parang hindi ako kabilang sa kanila."Cheer up," mapait akong ngumiti sa gawi ni Troy. Gustuhin ko mang gawin ang sinabi niya ay 'di ko magawa. Malapit na kaming makarating sa Centro.
May nga ibon ang nakadapo sa bawat sulok ng Centro. Pinalilibutan ng Gold na kulay. Makikita mula dito ang lagusan palabas ng Panepestimio. Hindi ako tigilan ng lugar na 'to para humahanga sa gandang pinapakita.
Saktong pagkaapak namin sa Centro na may na sulat na Stalwart Titan. 'Di tulad sa nga nauna, parang isinulat 'yon gamit ang apoy. Napahawak ako sa katabi ko nang biglang magbago ang damit ko.
Sobra ang pagkamangha ko nang makita na, kulay Violet ang suot ko. Kakulay ng nga mata ko. Wow!
Hindi tulad nila walang armas na nakalagay sa suot ko. Nakakapagtaka na iba't ibang Kumikinang na bagay ang nakabalot dito."You look elegant Shimaira" napangiti ako nang marinig ang papuri ni Troy. Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Nakita ko ang mapanuring tingin ni Yuki, gano'n nalang ang pagkabigla ko nang ngumiti siya. Hindi ko man sigurado kung para sa'kin 'yon, ay masaya na ako.
Nakarating kami sa Centro at tulad kanina, nakayuko ang mga Mageias na nando'n. Nakita ko rin ang ibang Titan, maging sila ay nag gagandahan sa suot. Parang hindi labanan ang tungo namin.
BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...