Chapter 38

60 4 3
                                    

-Shimaira-

"Shimaira, ingatan mo ang Kosmos na mahahawakan mo, pakiusap anak." Nakatingin ako sa napakagandang ginang sa 'king harapan. Hindi ko mapangalanan ang pangungulilang nararamdaman ko, habang nakatingin sa kaniya.

Gusto kong yakapin siya, ngunit hindi ko manlang magawang galawin ang anumang parte ng katawan ko. Hindi ko mapigilang mapaluha habang pinagmamasdan ang katawan niyang unti-unting lumalabo. 

"Mahal ka namin Shimaira. Hindi man kami ang nakaayos ng buong Kosmos, nagtitiwala kaming magagawa mo iyon." huling tinig na iniwan niya sa 'kin, bago tuluyang maglaho ang imahe niya. 

"Shimaira!" Nagising ako dahil sa tinig at yugyog sa 'kin. 

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang mukha ni Troy at Charmie ang bumungad sa 'kin. Nangunot ang noo ko, dahil tila ba naninibago ako sa paligid. 

"Shimaira, ayos ka lang ba?" Pag-uulit ng tanong ni Troy. Tumango ako, na naging dahilan ng malalim nilang buntong hininga. 

"Buti naman gising ka na." Nakangiting sabi ni Charmie, kasabay nang pagpasok ni Pia, at Klester.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko, ang tanging naaalala ko ay ang huling pagsugod ng mga Echthros kung saan nasa panig nila ako. 

"Mahaba-haba ang naging pahinga mo Shimaira." Si Pia na ang sumagot. 

"Ha?" 

"Nalimutan mo bang may itim na mahiyakang ginamit ang Echthros sa 'yo? Dahilan para mawalan ka ng malay." Unti-unting nanumbalik sa ala-ala ko ang mga nangyari. Maging ang muntik ko nang makalimutan na araw kung saan pinagluto ako ni Troy. Kung saan nagkaroon kami ng napaka sarap na pag-uusap. 

"Halos mag-iisang buwan ka nang tulog Shimaira, si Ate Cecile ang siyang patuloy na nagpapagaling sa 'yo." Kita ko ang tuwa sa mukha ni Klester habang pinaliliwanag niya iyon. 

"Kung gano'n, kamusta ang buong Panespestimio?" Naalala ko ang panaginip na kinamulatan ko. Si mommy ba ang nakita ko?

"Simula no'ng huling pagsugod ng mga kalaban, hindi na sila bumalik pa. Binalikan namin ang lugar nila, ngunit puro patay na Echthros ang naabutan namin do'n." Malayo ang tingin ni Pia. Tila ba nakikita niya ang mga bagay na kinukwento niya. 

"Nasa'n na sila Flix?" 

"Maging ang mga katawan nila ay nakita namin do'n. Inaasahan  namin ang pagsugod nila tatlong araw mula no'ng huli nilang paglusob, ngunit hindi na nangyari. Hudyat iyon nang pagsuko nila." Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Sa paraan nang pag-uusap nila Flix at kaniyang Ina, ramdam ko kung gaano sila kadeterminadong makuha ang Kosmos. Kaya malaking katanungan sa 'kin ang pagsuko nila? Sino ang may gawa sa katawan nila non?

"Sila Yuki at Aki? Nasa'n sila?" 

"Nag-aasikaso sila sa magaganap na pagdiriwang. Ang totoo niyan, no'ng nakaraang linggo pa sana magsisimula ang pagdiriwang, pero ipinakiusap ni Troy na hintayin ka magising bago idaos ang kasiyahan." Napatingin ako sa katabi kong may napakagandang mata. Kanina ko pa napapansin na wala siyang imik, patuloy lang siya sa pagtingin sa  'kin. 

"Gusto rin naming hintayin kang magising, gusto naming makasama ka sa pagpupunyagi ng pagkapanalo natin." Kitang-kita ko ang tuwa sa mukha nila, ang mga ngiti nila ay nagiging dahilan na mapanatag ako. Ngunit mero'n pa rin sa puso ko na nag-aalangan sa nangyayari. May iba akong nararamdaman, tila napakabilis ng lahat, o maaaring dahil sa tagal kong nakapahinga ay hindi ko na namalayan ang mga pangyayari. 

"Maiwan muna namin kayo, tutulong kami sa pag-aasikaso. Ibabalita na rin namin na maayos na ang lagay mo." 

"Salamat sa inyo. Mag-aayos lang din ako at tutulong."

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon