Chapter 1

479 159 32
                                    

-Shimaira-

"Teka Tita, bakit kailangan ko pong mapabilang sa mga grupong katulad nila?" kunot noong tanong ko.

"Dahil 'yon ang kailangan," sagot niya sa 'kin, ngunit kahit sinabi na niya 'yon ay hindi ko pa rin maintindihan. Bakit kailangan nila akong ipadala sa eskwelahang ayoko?

"Pero tit-" Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil pinutol niya.

" 'Wag ka nang magdahilan pa. Dahil buo na ang desisyon namin, aalis ka bukas ng umaga," pinal na sabi ni tita.

Wala na akong magagawa, tulad ng sabi niya, buo na ang desisyong 'yon. Hindi ko alam bakit ganito ang ginagawa sa 'kin nila tita. Ni hindi ko alam kung anong mangyayare sa 'kin doon.

Alam kong kailangan magamit ang kakayahang mero'n ako, ngunit hindi ko alam na ganito kaaga. Ang sabi nila sakin, kailangan ko munang tumong-tong sa edad na 20 bago mangyare iyon, pero 18 pa lamang ako, sinabi rin nila na ang makakasama ko ay mas matatanda sa 'kin.  Hindi ko alam ang mga dapat gawin, dapat ay nagkaroon muna ako ng background tungkol sa eskwelahang 'yon. Ngunit, tila nalimutan gawin sa 'kin 'yon ni tita. Biglaan masyado ang pag-alis ko.

"Tila napakalalim ng iniisip mo pamangkin." Napatigil ako sa aking iniisip, nang magsalita si tito. Siya 'yong asawa ni tita na kausap ko kanina.

"Tito, bakit po biglaan ang lahat?" Naguguluhan ko pa ring tanong.

"Kailangan ka na ng Magic Kosmos pamangkin." (Kosmos means World)

"Ngunit, marami pa naman po ang maalam kaysa sa 'kin. Bakit parang, ako ang minamadali nila?" Hindi ko mapigilan na ilabas ang galit sa pamamagitan ng mga salita.

"Dahil wala na ang katulad mo Shimaira. Sana maintindihan mo 'yon." Nakikita ko sa mata ni tito ang awa, hindi ko alam kung bakit. Hindi 'yon ang kailangan ko, hindi awa kundi pag-intindi.

"Paulit-ulit na sinasabi sa 'kin ni tita, na isang mahina lamang ang tulad ko." Masakit isipin, na sa tuwing makikita ako ni tita na nagpa-practice, 'yon ang sinasabi niya sa 'kin.

"Kaya nga mas mabuti makapunta ka na sa paaaralang 'yon, para mahasa na ang iyong kakayahan."

"Hindi ko pa rin matanggap tito," walang ganang sagot ko, tila nauubusan na ako ng pag-asa.

"Hindi mo talaga matatanggap kung hindi mo naiintindihan. Shimaira lagi mong tandaan, na ang isang nilalang na may kapangyarihan na tulad mo ay kailangan ng Magic Kosmos. Nasasa iyo nalang kung, ipagdaramot mo iyon." Saglit siyang huminto upang pagmasdan ang reaksiyon ko. "Ang kakayahan na mero'n ka ay isang bagay na hinihiling ng iba, kaya sana mapahalagahan mo iyon habang nasa iyo pa. Dahil mahirap nang maibalik kapag nawala na," mahabang turan ng ni tito, kasunod nang pag talikod nito sa 'kin ang pagtulo ng aking mga luha.

Patuloy pa rin ako sa pagtatanong kung bakit ako? Bakit sa 'kin pa napunta ang isang kakayahan na bibihira lang ang mayroon. Hindi ko alam bakit patuloy kong kinukwestyon ang kakayahang ito kahit na alam ko na gusto ito ng iba. Tama si tito siguro kung sa iba ito napunta malamang na magpapasalamat pa sila. Wala na nga siguro akong magagawa kundi ang umalis bukas. Panandalian kong lilisanin ang lugar na ordinaryo.

- - - - -

"Shimaira gumising kana diyan." Unti- unti akong napamulat dahil naririnig kong sumisigaw si tita. "Shimaira gising na." Pag-uulit niya pa.

"Gising na po ako," walang ganang sagot ko sa kadahilanang ngayon ang araw na itinakda para pumunta ako sa eskwelahan na ayaw ko.

"Mag-asikaso kana mayamaya ay nandito na ang sundo mo," maatoridad na sabi niya.

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon