Chapter 36

50 7 6
                                    

  - Shimaira-

"Flix, hindi mapapasa inyo ang buong Magic Kosmos!" sigaw ni Pia kahit nanghihina.

"Mukhang nangyayare na naman ang dati, ang talunang Stalwart dahil sa kawalan ng Therapeftis." Malakas siyang tumawa, sinundan ng ibang Echthros.

"Hindi pa nga kami nagsisimula ay sukong- suko na kayo. Wala pa ang iba naming kaalyansa ay nanghihina na kayo. Parang mas nahihirapan kayo ngayon ah? Dahil ba sa mated niyong Prince Fonias?" 'ayon na naman ang malakas niyang pagtawa. Kung gano'n hindi lang ito ang mga kasamahan niya?

"Matagal niyo nang hawak ang Gem, hindi pa kayo nagsasawa at napapagod protektahan 'yon?" Tanong niya.

"Kailanman hindi namin isusuko ang Gem," madiing sabi ni Yuki.

"Hindi ba tulad kung gaano niyo kadali isuko ang Therapeftis?" Nabuhay ang matinding galit ko dahil sa sinabi niya. Bakit ba tuwang-tuwa siyang ipamamukha na isinuko ako ng mga Mageias? Nasasaktan ako, 'yon lang ang sigurado ko. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Troy, pinasisikip no'n ang paghinga ko.

"Sugod Echthros," sigaw ni Flix, kasunod ang tuluyang pagsugod ng mga Echthros.

Kahit na nahihirapan ay lumaban pa rin sila Pia. Pilit kong iniiwasan ang mga atake ng Mageias na kaharap ko, habang ang paningin ay nasa gawi nila Troy. Please lumaban ka, huwag kang sumuko 'my Syntrofos'

"Tama na." Narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Pagtingin ko sa gawing kanan, ayon ang bulto ni Charmie. Namumutla, nanghihina, nangingitim ang sugat, pero patuloy na lumalaban. Nanghihina ako sa kalagayan niya, bakit wala akong magawa?

Napatakbo ako sa gawi ni Troy, dahil sa pagbagsak niya. Hawak ang tyan na tinamaan ng dagger, mabilis niyang napatumba ang Echthros na nakatama no'n. Malapit na ako sa kaniya nang muli siyang magsalita.

"Pakiusap ilabas mo si Shimaira." Napatitig ako sa kaniya. Halos lahat ay tumigil na para bang isang nakakaengganyong salita iyon. Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Flix na siyang kaharap niya mula kanina.

"Tama ba ang narinig ko? Ang isang prisipeng Fonias ay nakikiusap?" Tanong ni Flix sa pinaka-nakakainsultong paraan.

"Para lang sa isang Therapeftis ay nakikiusap ka?" dagdag niya pa. Halos hindi na makaangat ng tingin si Troy, dahil sa panghihina.

"Please, b-bring back my S-syntrofos." Nanghihinang usal niya. Mabilis na tumakbo si nurse Cecile sa gawi niya, habang ako ay natuod na sa aking pagkakatayo.

"Aaaaaaah! Tigilan mo ang kapatid ko." Susugod palang si nurse ay tumumba na siya dahil sa pag-atakeng ginawa ni Flix. Nilapitan siya ni Troy, at nilikod upang protektahan. Parang hinaplos ang puso ko sa ginawa niyang iyon.

"Gusto mong ibalik ang walang kwenta mong mate?" Nag-igting ang panga niya, at matalim na tinignan si Flix.

"Mahal mo na ata masyado ang mate mo, Troy. Sabi ko naman sa 'yo, huwag mong ipakita sa 'kin ang kahinaan mo." Mabilis niyang inatake si Troy, at dahil sa panghihina nito ay hindi siya nahirapang patumbahin ang kaharap.

"Tama na!" Malakas na sigaw ko at patakbong lumapit kanila Troy. Bigla kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib. Anong nangyayari sa 'kin? Parang hinihigop lahat ng lakas ko. Napatingin sa 'kin ang lahat, ngunit mabilis na pag-atake ang natanggap ko mula kay Charmie, sinundan ng pag-atake ni Klester.

Hindi ko inaasahan ang gagawin nila kaya mabilis na dumaloy ang dugo sa braso ko, nang matamaan ni Charmie ng isang palaso na hinugot niya sa isang Mageias, nanghihina kong tinignan ang dibdib ko kung saan nakatarak ang palaso. Gulat ang rumihistro sa kanila nang makita ang paghilom no'n. Hinihiling ko na sana sa gano'ng paraan ay makilala nila ako.

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon