Chapter 33

35 6 5
                                    

  - Shimaira -

Hinihintay ko ang susunod na ituturo ni mang Pedring, siya ang naatasan na magturo kung paano lumaban. Naging malaking tanong sa 'kin ang galing ng matandang ito, kayang- kaya niya sabayan ang kakayahan ni Yuki.

"Bago mawala ang asawa ko, lumaban ako ng patayan sa lahat." Gumuhit ang lungkot sa mata niya.

"Hindi ko siya nailigtas, kahit na mas malakas ang kakayahang meron ako kumpara sa kaniya. Alam nila ang kahinaan ng mga lalaking Mageias," dagdag niya.

"Ano po?"

"Kahinaan namin ang mate namin Shimaira, patayin mo na kami huwag lang ang kahati namin."

"Gano'n po ba talaga kahirap ang kalagayan ng Mated na Mageias?" Tanong ko, habang ang paningin ay nasa ginagawa niya enerhiya.

"Hindi mahirap kung mahal niyo ang isa't-isa, sa 'min ng asawa ko ay naging mahirap. Hindi namin kilala ang isa't- isa, ni wala akong alam sa pagkatao niya. Nalaman ko na lang na mate ko siya, dahil sa kakaibang enerhiyang natutulak sa 'kin papunta sa kaniya. Lagi akong naro'n kapag nasa panganib siya." Nakangiti niyang kwento, tila nakikita niya ang imahe ng asawa niya.

"Minahal mo po ba siya mang Pedring?"

"Ako si Feros dito Shimaira, huwag mong hayaan na malaman nilang magkakilala tayo. Tungkol naman sa tanong mo, minahal ko siya higit pa sa buhay ko. Kapag ang Mageias ay mated na, hindi niyo na mawawakasan ang nararamdaman niyo hanggang kamatayan."

Bakit hindi ko manlang maramdaman na hindi ko tanggap si Troy? Bakit no'ng una pala ay kinikilala ko na agad siya? Kahit na kakaiba at nakakapang hina ang presesniya niya ay nagawa ko siyang lapitan.

"Kung iniisip mo ang sitwasyon niyo ni Troy, ibang- iba ang mate spell na meron kayo. Bukod sa magkasalungat ang kakayahan niyo, isa kang Eidikos habang siya ay anak ng Vasilissa." Patuloy niya, habang pinababagsak ang mga nakatayong bote bilang target niyan

"Ano pong ibig mong sabihin?" Tanong ko, habang ginagaya ang ginagawa niya. Kung titignan kami, para kaming naglalaban ng paramihan ng napapatubang bote.

"Ikaw ay nagpapagaling hababg siya ay taga-patay. Magkasalungat ang kakayahan niyo, higit na mas malakas ang kakayahan niya na pwede mong ikamatay."

"Kaya pala gano'n nalang ang panghihina ko sa presensiya niya. Sandali mang Pedring, bakit tila napakarami mong nalalaman sa loob ng Panepestimio?"

"Matagal kong pinangaral na makapasok sa Magical Panepestimio, ngunit hindi ako pwede. Kaya inaral ko lahat ng libro na makakapag-sabi sa 'kin ng kasaysayan ng Magic Kosmos."

"Pero, wala po akong nabasa sa kahit anong libro tungkol sa mated na Fonias at Therapeftis." Totoong wala akong nabasang gano'n, bago pa ako pumasok ng Panepestimio ay nagbabasa na ako ng mga libro. Sadyang mahirap lang intindihin ngunit alam kong wala akong nabasa tungkol sa bagay na sinasabi niya.

"Dahil pinatapon at pinatago ang pinaka lumang aklat ng kasaysayan, iniisip nilang wala kailaman ang magiging mated na Fonias at Therapeftis. Sa tingin ko ay mali sila, dahil nandiyan kayo ni Troy."

Huminto ako sa ginagawang pag-atake. Hinayaan kong mairehistro ng isip ko ang lahat ng sinabi ni mang Pedring. Masyadong marami ang nalaman ko sa araw na ito. Hindi ko sigurado kung maiintindihan ko ang lahat.

"Tama na muna ang pagsasanay natin ngayon, magpahinga kana Shimaira. Tandaan mo, hindi mo ako kilala sa lugar na ito. Hindi natin alam kung kailan sila susugod sa Panepestimio, pero kailangan nating maging handa."

"Salamat mang Pedring." Tuluyan niya nang nilisan ang lugar na pinag-ensayuhan namin. Dumating din ang mga tauhan ni Flix at ibinalik ako sa kwartong pinaglalagian ko.

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon