Chapter 17

119 66 6
                                    

-Klester-

Pagtapos namin dalin si Shimaira at Troy sa clinic, pumunta kami sa lugar kung nasaan si Magister Kang. Nakita namin siya na palakad lakad. Paroot parito.

Hindi ko maiwasang mangamba, alam komg may mali. Simula mangyare kay Troy ang 'di maipalinag na bagay, alam ko na agad na may hindi tama.

"Stalwart," panimula ni Magister, tinignan niya kami isa-isa na lalo nakapagpakaba sa'min. "Kailangan niyong protektahan si Shimaira" gusto kong basahin ang isip niya pero di ko magawa.

"Bakit Magister" hindi na rin mapigilan ni Yuki ang magtanong. Alam kong iisa lang ang gusto naming malaman. Anong dahilan?

"Hindi ko alam kung paanong nangyare, p-pero .... si Shimaira ang Prinkipas' syntrofos" una palang ay nahuhulaan ko 'to, pero iba ang pakiramdam na marinig mo talaga. Nakahanap kami ng pag-asa pero, mas malaki ang takot na nararamdaman namin. (Prinkipas' syntrofos means Prince's mate)

"P-pero hindi maari Magister" naiintindihan ko ang takot na nagmumula kay Pia. "Magkasalungat ang kakayahan nila, magkaiba sila ng pinanghuhugutan ng lakas"

"Naiintindihan ko ang takot niyo, kung takot kayo mas natatakot ako sa pwedeng mangyare. Walang pwede makaalam nito, hanggat 'di pa natatapos ang Telos. Magiging kahinaan ni Troy si Shimaira." higit na pinangangamba namin mula no'ng una palang, ang malaman ng kalaban ang kahinaan ni Troy. Si Troy ang pag-asa namin sa pagkapanalo. Siya ang Alas namin.

"Ayon sa nabasa kong aklat, pag nagsanib pwersa ang Fonias at Therapeftis may lakas na idudulot sa buong Mageias" nagkaroon kami ng pag-asa nang marinig ang sinabi ni Aki.

"Oo Aki, tama ka. Pero hindi niyo gugustuhin ang magiging kapalit no'n."

"Ano Magister Kang?" lahat kami ay naghihintay sa sagot niya.

"Mas mananaig ang kapangyarihan ng Fonias, kung sa lakas, mas maituturing na higit ang kay Troy. Maaaring ikamatay ni Shimaira 'yon"

"'Yon na lang ang tanging magagawa natin, paano kung marami na naman ang mamatay?"

"Yuki, alam kong hangad mo ang kaligtasan ng nakararami. Pero isipin mo, kung wala si Shimaira sa buong oras na magaganap ang Telos, sa tingin mo ay kakayanin ninyo?" mero'n sa puso ko na ayaw isakripisyo si Maira para sa nakararami. Gusto kong maging makasarili para kay Maira, pero mero'ng sumasagi sa isip ko na ayaw niya 'yon. "Yuki, sana maintindihan mo, na hindi na tulad dati ang kalaban niyo. Hindi na sila papayag matalo, this time they are heartless more than before. Kakailanganin niyo si Shimaira"

"Bakit parang pinararating niyo na kailangan lang natin si Shimaira, at pag tapos na ang lahat ay okay nang mawala siya?" naluluhang turan ni Pia, maging ako ay gano'n ang intindi.

"Pasensiya na Pia, pero 'yon ang totoo. Kailangan lang natin siya, alam kong napalapit na siya sa inyo. Pero tandaan niyo ang layunin ninyo sa Telos."

"Alam nating lahat na kapag hinayaan nating mawala si Shimaira pag tapos ng Telos, mawawala din sa'tin si Troy. Prince always chasing his Princess"

"Kung hindi itatanggi ni Troy ang nararamdaman niya, walang problema. Pero kung hindi niya tatanggapin na mahal niya si Shimaira, isa sa kanila ang mag dudusa at alam kong alam niyo na kung sino"

Naglakad si Yuki papunta sa harap naming lahat, inaasahan na walang ibang gagawin, kun'di ang hayaan si Shimaira. "Wag kayong mag-alala, mula pag-apak palang ni Shimaira dito, ramdam kong kumikilos na ang Agapi Simaino sa kanila. Mula ipinanganak sila, tinadhana na ang kinabukasan nila. Walang makakapag pahinto sa nararamdaman nila" lumuluhang tumalikod si Yuki sa'min, sa kilos niya ay naninibago ako. Parang lahat ng ginawa niya ay may rason, lahat ng kilos niya ay planado. Nababasa ko sa bawat galaw at salita niya na lahat ay may tinatago siyang eksplenasyon. (Agapi Simanio means Love spell) .

Pinagmasdan namin ang papalayo niyang bulto.

'Kaya ba sinabi mong, magtiwala kami sayo?'

"Tulad ng dati Aki, Klester kailangan niyong tumungo sa bungad ng Panepestimio. Alamin niyo kung paparating na sila. Saktong paglubog ng araw bukas, inaasahan ang pagsalakay nila."

"Yes Magister Kang"

"Stalwart Titan, I trust in you. Always remember what have learned during your practice. I know you can win this war" May namumuong luha sa mata ni Magister, pilit niya mang pigilan ay hindi niya magawa. "Alam kong kakayanin niyo, bukas na ang umpisa ng hirap natin. May mga susunod pa, kung napanalunan natin ang una, kakayanin natin ang susunod at susunod pa" bago pa tumulo ang luha niya, niyakap niya kami isa-isa.

Nakarating kami sa aming silid ng walang nag-uusap, pare-parehong balisa. Masyadong madami ang rebelasyon ngayon. Alam na kaya ni Shimaira?

Kaya ba gano'n nalang namin kagustong protektahan siya?

Kaya ba gano'n nalang ang epekto niya sa'min.

Kaya ba nararamdaman ni Troy ang sakit na nararamdaman niya?

"Klester, tulad ng dati, lumaban ka para sa magulang mo. This time makakabalik kana sa inyo" 

"Salamat Charmie, sana nga ay maka uwi na tayo."

Nakikita ko ang imahe nila mommy at daddy sa isip ko. Ilang taon ko na silang hindi na kikita. Ilang taon ko nang tinatanong ang sarili ko kung makikita ko pa ba sila. Kaya nang malaman ko na buo na ang grupo namin, labis ang tuwa ko. Nag karoon ako ng pag-asa. Alam kong matatapos na ang lahat.

-Shimaira-

Nagising ako dahil nakakaramdam ako ng haplos sa'king noo.

"Troy?" halos maitulak ko na siya sa pag-iwas ko.

"Hi" napakaganda ng ngiti niya, lalo siyang pumopogi sa paningin ko.

"Hello, bakit nakatayo kana? dapat magpahinga ka pa"

"You're great healer, kaya okay na ako" may kakaibang epekto ang bawat salita niya. Parang musika sa pandinig ang malalambing niyang tinig.

"Magaling at malakas ka lang talagang Mageias, kaya okay kana" nginitian ko siya pag tapos sabihin 'yon. Iba pala ang pakiramdam pag ganito siya kalapit sa'kin. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya. Hinawakan niya ang pisngi ko, unti-unting nanlambot ang katawan ko. Salamat at nakaupo ako. Inaasahan ko na hahalikan niya ako sa labi, laking papasasalamat ko na sa noo niya, idinampi ang mga labi. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam, parang kinikiliti ako, this foreign feeling.

"Really?" nag-angat ako ng tingin sa kaniya, at ngayon ko lang nakita na ocean blue ang mata niya.

"Ang ganda ng mga mata mo" sabi ko sa likod ng kawalan. Muli siyang napangiti.

"My eyes fits yours" sa ikalawang pagkakataon ay hinalikan niya ako sa noo.

"Shimaira, can you promise me one thing?" kahit hindi ko maintindihan ang pinagmulan ng tanong niya, tumango ako bilang tugon. "Be safe, and stay alive"

"Yes, I will"

"I trust in you" sa lahat ng ngiting nakita ko sa loob ng Panepestimio, ang sa kaniya ang pinakamaganda. Lalong pinapapogi, ang mga labi niyang mapupula, ang mala dagat na kulay ng mata niya. Ang matangos niyang ilong. Pati ang hikaw niya ay dumadagdag sa malakas niyang dating. Pareho ng kulay ang hikaw at mata niya. Tanging ang buhok niya lang ang naiiba, over all sumisigaw ng perfections.

Pinauna ko na sa silid namin si Troy,

Gusto ko sanang libutin ang buong Panepestimio, bago sumapit ang bukas. Ngayon ko lang lubusang masasabi na napakaganda ng paaralang ito.

Sa bawat paglakad mo ay may paru-paro, nagniningningin sa ganda. Iba iba ang kulay, may mga gems din sa bawat kanto ng bench. Maraming pinagkaiba  sa ordinaryong paaralan. Bakit ba ngayon ko lang nahanapan ng oras ang maglibot dito?

Sa dulong bahagi ay may malaking screen, nagfaflash do'n ang mga pangalan at imahe naming mga Titan. Masarap pala makita na isa ka sa lalaban para sa Magic Kosmos.

May isang malaking gem ang nakalagay sa pinakasentro ng paaralan, nakakatuwang kakulay 'yon ng mata ko, sa ibaba ay kulay ocean blue. Kapareho ng kulay ng mata ni Troy. Masarap tignan at itambay ang mata do'n. Lalo pang nakakadagdag sa ganda nito ang alitaptap na nakabalibot.

"Wow!" hindi ko mapigilang mamangha, bawat sulok ng paaralan na 'to ay sadyang napaka ganda.

O TherapeftisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon