- Klester-
"Magister, sa tingin niyo tama na pasamahin natin si Troy sa Bungad?" tanong ni Charmie.
" 'Ayon ang kailangan Hija, hindi natin alam kung ano ang naghihintay sa inyo do'n,"
"Pero nakita naman natin ang reaksyon niya kanina. Halatang tutol siya do'n, makakasama nga namin siya ngunit nandito ang isip niya." May punto si Charmie. Lahat kami ay napabuntong hininga.
"Troy, kailangan niyong pumunta sa Bungad mamaya," balita ni Magister pagkarating mula sa Domation ng Vasilissa.
"Gano'n ba? Alam na ba ng lahat?" tanong ni Troy.
"Oo, maiiwan dito si Shimaira kasama ko," tulad ng inaasahan namin, nagtaas kilay si Troy, senyales na tutol siya.
"Hindi p'wede, alam niyong delikado ang kalagayan niya kung mag-isa siya maiiwan." Tutol niya.
"Alam ko naman Troy, kaya nga nandito ako," ani Magister.
"May tiwala ako sa 'yo Magister, pero sa kalaban ay wala. Sinuman sa ipai-iwang myembro ng Stalwart ay hindi ko hahayaan mag-isa."
"Pero Troy, kailangan niyong makarating sa Bungad."
"Kaya na nila Charmie 'yon. Magpapaiwan ako." Napatingin kaming lahat sa kaniya. Mabuti nalang at wala dito si Shimaira.
"Troy, kailangan ka nila sa Bungad paki-usap." Pakiki-usap ni Magister Kang.
"Handa akong sumama kung may isang Stalwart ang maiiwan upang samahan si Shimaira." Tiim bagang niyang ani.
"Kung gano'n ako na ang bahalang samahan si Shimaira, Troy," ani Pia. Laking pasalamat namin sa pagpepresinta niya.
Mas maganda ng isa sa amin ni Pia ang maiwan. Dahil bukod sa kaniya may kakayahan din akong mabasa ang kilos ng kalaban.
Alam kong may pagtutol pa rin kay Troy, pero wala siyang ibang pagpipilian kun'di samahan kami. Tama siya masyadong delikado kung maiiwan dito mag-isa sinuman sa 'min.
"Salamat," maikling turan ni Troy. Nakahinga kami ng maluwag dahil sa wakas ay pumayag siya.
Naiintindihan ko ang reaksyon ni Troy kanina, maaaring nag-aalala siya sa kalagayan ni Shimaira dito, habang wala kami. Maging kami man nila Charmie ay gano'n din ang inaalala, pero kailangan namin masiguro ang pagsugod ng kalaban.
Sa ayaw man namin o sa hindi, kailangan makarating kami bago sumapit ang kinabukasan. Sana lang ay maging maayos ang pag-alis namin.
"Sa tingin mo kakayanin natin ang muli nilang pagsugod?" biglaang tanong ni Aki.
"Kakayanin natin, alam kong pansin mo na mas kaya natin ngayon kesa no'ng mga nakaraang Telos."
"Kakayanin natin kung hindi malalaman ng kalaban ang kahinaan natin."
"Aki, 'wag kang nega. Kakayanin natin kahit anong mangyare, hanggat nakatayo tayo lalaban tayo." Matapang na sagot ni Charmie.
Hanggang ngayon ay humahanga ako sa pinapakitang tamang ni Charmie. Hindi mawawala sa kaniya ang tindig kahit na may pangambang dala-dala.
"Pala-isipan pa rin sa 'kin ang kakayahan ni Shimaira," napatingin kaming dalawa ni Charmie kay Aki.
"Magtiwala tayo sa kaya niyang gawin," turan ni Charmie.
"Tama si Charmie, magtiwala tayo sa kaniya. Mahirap gumalaw kung walang tiwala ang nakapaligid sa 'yo. " Pagsang-ayon ko.
"Sana makuha na natin ang buong Magic Kosmos." Umaasang sabi ni Aki.

BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasiAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...