-Shimaira-
Hindi ko maigalaw ang mga paa ko upang lumban, panay pa rin ang pag-iisip ko kung paano makatakas. Nakita ko kung gaano ka hayok ang Echthros patayin ang mga Mageias. Ano ba ang magagawa ng tulad kong Eidikos na sinasabi nila?
"Lumaban kana." Malakas na sigaw sa 'kin ni Flix.
Nakita ko ang pagsugod sa 'kin ng tatlong Mageias. Ayoko silang saktan, puros pag-ilag lang ang tanging nagagwa ko. Pinagagalaw ng isa sa kanila ang mga damong dadaanan ko, kaya wala akong nagagawa kundi umatras nang umatras.
"Kayong mga Echthros, masasama ang mga budhi niyo. Dapat matagal na kayong wala sa Magic Kosmos," sigaw sa 'kin ng isang Mageias. Imbis na masaktan sa sinabi niya ay natuwa at umayon ako.
Iyan din ang nais kong mangyayare binibini. Hindi ko maisatinig ang nais kong sabihin, baka maguluhan sila sa katauhan ko. Ayokong may mawalang Mageias o kahit manlang may masaktan ay hindi ko rin gusto, pero sa sitwasyon ko ngayon hindi ko magagawa 'yon. Kita ko ang paglalabang nagaganap sa pagitan ni Pia at apat na Echthros, gusto ko siyang tulungan, gusto kong protektahan siya. Wala akong ibang magagawa kundi ang humiling na sana maging ayos siya.
"Kailangan natin ngayon ang Therapeftis." Umiiyak na turan ng isang Mageias na nahandusay at namimilipit sa sakit. Lalapitan ko na sana siya ngunit may kamay na humatak sa 'kin palayo.
"Patayin mo lahat ng Magieas na makaksalubong mo, tandaan mo babae kayang-kaya naming silang paslangin, lalo na ang mahal mong Fonias." Malakas ko siyang tinulak at tinalikuran. Ilang beses niya pa bang sasabihin sa 'kin iyon? Naririndi na ako sa paulit-ulit niyang sinasabi. Kung sinasabi niyang kaya nilang patayin ang Stalwart pwes ako hindi, at hindi ko sila papayagan na magawa ang gusto nila.
Mabilis akong umilag nang sumugod na naman sa 'kin ang tatlong Mageias. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino sila, sila ang ilan sa Mageias na nagtaboy sa 'kin paalis ng Panepestimio. May nagtutulak sa 'kin na saktan sila, pero mahabang pagtitimpi ang ginawa ko para lang huwag silang masaktan. Tulad ng kanina kong ginagawa, pag-ilag at takbo lang ang kaya ko. Laking pasalamat ko na wala sa 'kin ang paningin ni Felyn at ni Flix.
"Masaya ba kayong pinagtabuyan ang Therapeftis?" bigla nalang tanong ko sa dalawang kaharap. Hindi ko alam saan nanggaling ang mga tanong na iyon, tanging alam ko ay gumigising na naman ang galit sa 'kin.
"Naipit lang kami sa nangyayari, kung hindi niyo sinaktan ang mga Mageias, hindi namin isusuko ang Therapeftis." Sagot niya habang tuloy sa pag-atake sa 'kin.
"Hindi niyo ba naisip ang magiging sitwasyon niya sa kamay ng mga Echthros?" halos isigaw ko ang tanong na iyon.
"Takot kami nang mga panahon na sumugod kayo, takot ang nanguna sa 'min, at alam naming na matatag ang Therapeftis namin. Hindi lang siya isang Therapeftis na inaakala mo." Tinulak niya ako kasabay ng paghagis niya ng dagger at isang katana. Inaakala niya na isa talaga akong Echthros, lingid sa kaalaman niya na ang Therapeftis na tinutukoy niya ay ako.
"Mahina ang tingin niyo sa Therapeftis niyo tama? Isa lang siyang Therapeftis at walang alam." Gusto kong ilabas ang galit ko habang sinasabi iyon. Gusto kong makita ang reaksyon nila habang sinasabi ko na isang walang kwenta lang ang Therapeftis. Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko, pilit kong nilalabanan ang emosyon ko.
Sinugod niya ako, hindi ko inaasahan ang gagawin niyang 'yon kaya hindi ako nakailag. Tinadyakan niya ako sa baywang dahilan nang pagkatumba ko.
"Huwag mong maliitin ang Therapeftis na meron kami, oo maaring hinayaan namin kayong makuha siya, pero isa 'yon sa dahilan kung bakit kami pursigidong lumaban ngayon." Isang sipa muli ang pinakawalan niya, kasabay ng dagger na hawak niya. Akmang itatarak niya sa 'kin iyon nang may tumama sa kaniyang palaso.
"Tara na, bilisan mo," Sigaw ni Flix. Tinignan ko ang nakakaawang sitwasyon ng Mageias na kalaban ko kanina. Namimilipit na siya ngayon sa sakit at nagsisisigaw. Parang isang malamig na katotohanan ang sinabi niya kania, isa ako sa dahilan kung bakit sila pursigidong lumaban? Gusto kong pagalingin ang sugat na meron siya, ngunit mabilis na hinatak ni Flix ang kamay ko.
Masisisi ko ba ang sarili ko kung nakaramdam ako ng panandaliang galit? Pero parang ang galit na 'yon ay bula na bigla nalang nawalan, matapos marinig ang sinabi ng Mageias na 'yon.Sapat na sa 'kin na malaman na hindi talaga nila ginusto ang isuko ako. Nahinto ako nang makita si Pia na hindi na makagalaw dahil sa palaso na nasa braso niya. Hinanap ng mata ko ang bulto ni Charmie, mula nang makarating kami dito ay hindi ko pa siya nakikita. Nasa kritikal pa rin ba ang lagay niya? Takas na luha ang dumaloy sa mata ko, hindi ko mapigilan maisip ang lagay nila, noong mga panahon na nawala ako.
Si Yuki nalang ang Stalwart na wala halos galos. Si Pia at Aki ay kapwa nakahandusay na rin hawak ang braso nilang may tama. Iilang Mageias nalang din ang patuloy na nakakalaban, dahil 'yong iba ay nakatulala nalang sa takot masaktan o worst mawalan ng buhay. Malungkot kong pinagmasdan si Magister Kang na patuloy lang sa paglaban. Ang Vasilissa ay seryosong nanunuod sa nangyayare, katabi si nurse Cecile na iyak nang iyak. 'Eto arahil ang ibig sabihin ni mang Pedring, na bawal masaktan o mawala ang Vasilissa hanggat wala pang pagpapasahan ng trono.
"TAMA NA!" Lahat kami ay natigil dahil sa malakas na sigaw ni Troy. Bagamat nanghihina na ay nagawa niya pang sumigaw nang gano'n kalakas.
"Pagod ka na ba Troy? Sumusuko na ba ang Fonias ng Stalwart? Ibibigay mo nalang ba sa 'min ang Gem o hahayaan mong ubusin ko ang buhay ng mga narito?"
"Ilabas niyo si Shimaira," mahinang sabi ani niya.
"Pagsinuswerte nga naman kami oh, bakit kasi ngayon pa dumating ang mate mo," lakas loob na sabi ni Flix. Alam kong nakakaramdam na ng pagod si Troy, pero patuloy pa rin siya sa pakikipagtitigan sa kausap. Gusto ko siyang takbuhin at yakapin, gusto kong sabihin na narito ako.
"Bakit mo nga ba hinahanap ang isang Therapeftis? E isa lang naman siyang mahinang Mageias." Ramdam ko ang pag-iinit ng dugo ko dahil sa sinabi niya. Wala siyang karapatan sabihin sa 'kin 'yon, dahil hindi niya alam ang dinanas ko.
"Easy Troy, don't rush the fight. Nandito lang naman kami para kuhanin ang Gem."
"Ibalik niyo sa 'min si Shimaira," muling sabi niya. Gusto kong pahintuin nalang siya sa pagsasalita, gusto kong ako naman ang lumaban para sa kaniya, pero paano?
Bakit sa likod nang kalagayan mo ngayon ako pa rin ang hinahanap mo? Nanghihina akong makita siya sa ganiyang lagay. Mabilis niyang napatumba ang karamihan sa Echthros, pero 'eto siya't napapagod na. Hindi niya kakayanin kung wala ang ibang Stalwart, malakas siya pero mas malakas siya kung nasa tabi niya ang Grupo. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha sa mata ko.
Hindi ko kayang makita na ang mate ko ay nasa ganitong sitwasyon. Ang sakit!
HandIsLove- Hihi !! Salamat sa reads. God bless
BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...