-Klester-
"Ngayon lang ako nakakita ng Mageias na kayang ibaba ang sariling pag katao." Napabaling kay Pia ang paningin ko.
"Ako rin, hindi ko akalain na sa edad niyang iyan ay kaya niya tayong pakisamahan," sabi ko
"Napapansin mo rin ba ang kakaibang kakayahan niya?" Nagulat akong napatingin muli sa kaniya. Akala ko, ako lang ang nakakapansin no'n. Pinilit ko ang sarili na mali ang iniisip ko ngunit heto't may dumadagdag sa posibilidad na tama ako.
"Ano ang ibig mong sabihin Pia?" Pagkukunwaring hindi ko alam ang sinasabi niya.
"Mas maganda kung mag-uusap kayo sa pribadong lugar." Sabay kaming napalingon kay Magister Kang kasama niya si Yuki.
"Andiyan po pala kayo Magister," sabi ko. Nahihiya akong napatingin sa kanila dahil pinag-uusapan namin si Shimaira habang wala ito.
"Sumunod kayo sa 'min." Utos niya. Kita ko sa tindig nila na importante ang pag-uusap namin.
"Parang napakaseryoso po ng pag-uusap natin?" Hindi ko mapigilan ang sariling umpisahan ang usapan.
"Tama ka Pia, hindi lang ikaw lang nakakapansin ng kakayahan ni Shimaira," seryosong saad ni Magister. Mas minabuti kong manahimik nalang at makinig.
"Ang totoo niyan simula no'ng group war ay napansin ko na 'yon. Hindi ko pinansin masyado dahil baka nagkakamali lang ako, pero nang makita ko ang nangyare kanina nagkaroon ako ng kasiguraduhan na may kakaiba sa kaniya. Sila Dilio ang narinig niya, ayon sa kaniyang kuwento ." Dagdag niya pa, sandali siyang huminto at tinignan kami isa-isa. "Hindi ko alam kung tama ang hinali ko, mukhang resulta si Shimaira ng syndyasmos."
"What's that? Ngayon ko lang po narinig ang salitang 'yan," sabi ni Pia. Binalingan ko ng tingin si Yuki na nananatiling tahimik at nakikinig.
"Syndyasmos means combination, sa kalagayan ni Shimaira ay napakalaking imposibleng mangyare 'yon."
"Bakit naman po?" tanong ni Pia, ako man ay gustong magtanong pero nauunahan niya ako.
"Dahil Therapeftis siya, ang mga kakayahang lumalabas sa kaniya ngayon ay hindi maaaring magkaroon ang tulad niya. Ang pagiging Akroatis o Hearer ay hindi p'wedeng i-combine sa pagpapagaling. Masyadong maraming enerhiya ang kinakailangan para lang mangyare 'yon." Hindi ko malaman kung kaya ko bang magtanong sa likod ng nakakagulat na sinabi ni Magister. Nanatiling tikom ang bibig ko.
"Magister paano niyo po maipapaliwanag ang kakayahang nagawa ni Shimaira no'ong group war, alam kong napansin niyo rin ang kakayahan niya na naging dahilan ng pagpapahinto kay Charmie. Maging ang pagkabasag ng salamin dahil sa pagsigaw niya ay malaking katanungan pa rin sa'kin." Halata kay Pia na naguguluhan din siya, pero higit na nakatawag pansin sa 'kin ay ang pananahimik pa rin ni Yuki.
Gusto kong basahin ang iniisip niya ngunit hindi ko magawang pasukin ni katiting man do'n. Ang pangungunot ng noo ni Magister ay nando'n pa rin mula kanina hanggang ngayon, pilit ko mang isipin na maayos ang lahat ay mukhang imposible base sa mukha at reaksyon niya.
"Kung hindi siya isang syndyasmos," saglit na napatigil si Magister at napakahawak sa noo. "Hindi maaari,"
"Anong hindi maaari Magister?" tulad ko ay blanko din ang makikita sa mukha ni Pia ngunit ando'n ang kagustuhang magtanong.
"Hindi kaya siya ang Eidikos?" 'yon lang ang sinabi niya ay halos gumuho na ang buong pagkatao namin. (Eidikos means Speacial or Distinct)
"Kung tama po ang hinala mo, kailangan niyang malaman ito habang maaga pa," suhestiyon ni Pia. Gaano'n nalang ang gulat namin nang sabay na di sumang-ayon si Yuki at Magister.
BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...