-Shimaira-
"Oh Pia bakit gising ka pa?"
"Hindi pa ako makatulog,mabuti naman at ayos na ang pakiramdam mo"
"May I know why you are not sleepy yet?" pilit niya mang itago ay halata mo sa kaniya ang lungkot.
"Shimaira natatakot ako" 'yon palang ang sinabi niya ay tila alam ko na ang kakahantungan ng aming usapan. Tulad ni Charmie ay nangangamba siya, sa pwedeng kahatungan ng Telos.
"Handa akong makinig" sumandal siya sa 'kin tila isang batang nagsusumbong.
"Natatakot akong hindi makauwi sa bahay, malapit na ang kinakatakutan ng lahat at isa sa mga lalaban ang grupo natin"
"Bakit ka ba nasa lugar na 'to Pia?" naguguluhan man siya sa tanong ko ay inumpisahan niyang sumagot.
"Dahil gusto kong tapusin ang nasimula nila mama, namatay si lolo dahil sa war limang taon na ang nakalipas" sandali siyang huminto at pinunasan ang luha sa mga mata. "nakita ko kung paano niya niligtas ang mga kasamahan niya. Hindi ko alam kung kaya ko bang gawin ang ginawa niya, ni hindi ko nga alam kung nararapat ba akong mapabilang sa grupong pinapangarap ko lang dati" hindi niya na napigilan ang luhang tuloy ang patak.
"Hindi mo kailangang gayahin ang nagawa ng lolo mo, dahil may posibilidad na mas higit pa do'n ang matapos mo" pilit kong pinipigilan ang luha sa'king mata.Naaalala ko lahat ng sinasabi sa'kin ni tita na walang wala daw ako sa kalingkingan ng kakayahan ng aking ina.
"Pero Shimaira, kahit pilit kong tagalin ang takot sa isip ko ay hindi ko magawa"
"Maging ako man, pero lagi mong tandaan na kaya ka nandito ngayon, ay dahil nag tiwala ang lolo mo na kakayanin mo kapag ikaw na ang nasa posisyon niya" malalim akong bumuntong hininga "Pia, wag mong sayangin ang tiwalang iniwan niya sa'yo. Kayanin mo, kakayanin natin hm" tumango tango siya bilang tugon.
Kaya ko bang i-apply sa'king sarili lahat ng sinabi ko? ni hindi ko alam kung tulad nila ay may pang hahawakan akong mga salita, kung tulad ba nila ay may nagtitiwala sa akin. Mapait akong napangiti sa'king naisip.
- - - - -
Ilang mga araw pa ang lumipas upang tuluyan akong makarecovery. Walang sugat o kahit maliliit na galos sa'king katawan ngunit ramdam ko ang sakit sa'king kaloob looban.
"Ah-m kas-si Shimaira ano.." parang hindi masabi ng deretso ni Charmie ang sasabihin niya.
"Ano ba 'yon Charmie tila nauutal ka pa hehe" pabiro kong sabi ngunit seryoso silang lahat. Nandito kami sa Practice hall dahil inatasan kaming mag practice. Sobrang lapit na ng Telos sa susunod na linggo, ano mang oras ay hindi namin alam kailan sila sasalakay.
"Kung hindi mo masabi Charmie ako na,masyado kang nag-aalala sa babaeng 'yan" parang may sampong kutsilyong tumarak sa dibdib ko dahil gano'n pa rin ang turing sa'kin ni Yuki.
"Yuki" pagsasaway sa kaniya ng ilan.
"Shimaira ikaw ay paparusahan dahil sa paglabag mo sa rules nung idinaraos ang group war. Hindi pinalagpas ng Reyna ang kamalian mo sa oras na 'yon"
"Yuki tama na" suway sa kaniya ni Troy.
"Ayos lang, handa akong makinig" natatakot ako sa maaari kong marinig ngunit, alam kong hindi ako kasama sa exemption sa eskwelahang ito.
"Dahil sa sobrang tigas ng ulo mo ay ipapatapon ka sa lugar kung saan hahasain mo ang uri ng kapangyarihang mero'n ka... 'yon ay.... kung mahahasa pa. Maraming mababangis na hayop at dugong itim"
"Dugong itim?"
"Masyado pang mababaw ang kaalaman mo sa Magic Kosmos Shimaira, pinapatunayan mo lang sa'kin na hindi ka nararapat sa grupo na hawak ko" kailan kaya matatapos ang mga salita niya na tila kutsilyong pumupukol sa'kin. Tumingin ako sa gawi ni Troy kitang kita ko ang higpit ng hawak niya sa kaniyang armas. "Ang mga dugong Itim ay mga uri ng Magieas na may itim na salamangka.Kayang-kaya ka nilang patayin" umirap siya sa'kin " And no one is allowed to save you.Goodluck Shimaira" akmang tatalikod na siya nang magsalita ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/212322226-288-k905637.jpg)
BINABASA MO ANG
O Therapeftis
FantasyAng Magic Kosmos ay kinakailangan na ng isang "Mageias" na makakatulong sa kanila. Paaralan na puno ng kapangyarihan, paaralan na nabubuhay sa iba't-ibang kakayahan. Higit na kinakailangan ang isang "Therapeftis" upang mabuo na ang "Stalwart Titan"...